K.OCIEL'S POV
Nakaalis na si Sed sa palasyo ko. Natagalan pa ito dahil nagbigay ako sa kanya ng isang kakaibang staff. Na para sa akin, ang ganitong staff ay nararapat lamang ito para sa asawa ko.
At kapag sinabi kong kakaiba, seryoso ako. Sobrang lakas nito, ha! Hindi pa ba kayo nasanay sa akin?
Inayos ko pa ang mga iiwan ko sa palasyo, gaya ng aking mga NPC: mga magsasaka, minero, sundalo, at mga gusali. Gusto ko kasing kapag umalis ako, may babalikan ako, lalo na't may asawa na ako sa laro.
Mas lumakas pa yata ako ngayon dahil halos lahat ng parte ng [Western Mordoe] ay napunta na sa akin. Pagkalabas ko sa palasyo, kita ko pa ang lawak ng aking puting, napakalakas na barrier.
***
Sa malawak na arena, nakita ko si Sed. Agad akong pinagtinginan ng mga player pero wala akong pakialam. Siguro nagtataka sila dahil hindi ko kasama ang mga army ko. Iniwan ko muna silang lahat doon at ang tanging dala ko lang ay isang baby [Dormoedil] na napulot ko sa daan.
Umupo ako sa gitna dahil iyon na lang ang bakante. Pagkaupo ko, tinigilan na nila ako ng tingin.
Sinuri ko ang paligid. Napansin kong nagsimula na ang laban dahil sa putok ng baril. Halos lahat ay sumugod sa nangungunang guild. Nanatili lang na nakatingin sa akin si Sed. Iniisip kaya niya ang iniisip ko?
Agad tumakbo si Sed, palayo sa kanyang mga kasama. Kung itatanong ninyo kung bakit?
Ang staff na binigay ko sa kanya ay sobrang lakas, kaya hindi niya mapipili kung sino ang tatamaan. Ang hindi lang masasaktan ay ang may-ari nito. Ngayon, dahil ako ang unang nakakuha ng staff, ako ang may-ari nito. Pero dahil asawa ko si Sed, may karapatan siyang gamitin ito. Binigay ko na lang sa kanya ang staff dahil assassin ako at hindi ako sanay sa ganitong uri ng armas. Hindi ito bagay sa akin.
Saktong medyo malayo na si Sed nang maramdaman kong may humahalungkat sa loob ng katawan ko. Si Sed. Ganito pala ang feeling kapag naghati na kayo sa inventory.
May lumitaw na pulang puso sa taas ng ulo ni Sed. Napatingin naman sa akin ang lahat dahil nakatingin sila kay Sed. Nakita ko sa repleksyon ko sa barrier na may ganoon din akong puso sa ulo.
Tumigil ang kakaibang pakiramdam nang makita kong hawak na ni Sed ang mahabang puting staff. Agad siyang sinundan ng halos kalahati ng mga player dahil akala nila mas madaling patayin ang nag-iisa.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo. May masamang kutob ako.
***
3RD PERSON'S POVKasabay ng pagtapak ni K.Ociel sa labas ng arena ay ang pagtaas nito ng espada,
"Hindi ito maganda." Sabi sa isip ni K.Ociel
Habang nasa loob ng arena, hindi na napansin ng mga manlalaro na umalis na si K.Ociel dahil sa sobrang excitement sa nangyayari.
Umilaw nang napakalakas ang tuktok ng staff. Bumaba agad sa kalahati ang buhay ng mga kalaban nila Sed, at isa na lang na ordinaryong suntok ng espada, patay na sila. Sumuko na ang ilan sa mga kalaban dahil ayaw nilang mamatay.
Habang patuloy pa rin sa laban ang iba na medyo marami pang buhay, biglang.
WARNING!
WARNING!
WARNING!Nagpula ang buong arena at may malakas na tunog na umalingawngaw sa paligid. Natigil ang labanan ng lahat ng guild.
Naguguluhan man, tinangkang buksan ng mga manlalaro ang pinto ng arena pero hindi mabuksan. Kahit anong pilit nila, ayaw talaga.
Sa sobrang inip, giniba ng ilang player ang malaking harang. Nagulat sila nang makita ang napakaraming boss-level na nilalang sa labas. Para silang sinugod at hindi sila handa.
Una nilang naisip ay si K.Ociel, pero wala na ito sa loob.
May malakas na pagsabog sa labas. Gusto sana nilang lumabas para tumulong, pero natigil sila nang makita ang napakalaki at mataas na barrier na pag-aari ni K.Ociel.
At si K.Ociel mismo ang nasa labas ng barrier, nakikipaglaban.
***
Level Up to Unlock the Next Chapter!
You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 24]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.
1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.
Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLD
Fiksi Ilmiah𝐈𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 '𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘' |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| Sa paghahanap ng walang hanggang kasiyahan, isinugal ng mga manlalaro ang kanilang mga buhay. Sa mundong ECLIPSE SURVIVAL WORLD, hi...