KEVIN'S POV
Pagkatapos kong kausapin si AI Alora, isinama niya ako sa resurrection point ng [Mordoe] maraming players dito. Sa sobrang dami nila hindi ko na sila mabilang sa daliri.
Nagulat ako ng may lumabas na Chat galing sa hologram sa kamay ko... Oo sa kamay, lumiliwanag ang kamay ko kapag tinitingnan ko ito at may nakalagay na [World], [Guild], [Party], [Personal Messages], at [Friends] ngunit feeling ko ako lang ang nakakakita nito, at hindi rin ibig sabihin non ako lang ang meron nito. Lahat ng players may Hologram pang-check ng kanilang mga messages. Ang angas lang.
Pero 'yung sobrang daming chat ay siyempre nasa [WORLD CHAT] halos 'di na nga mabasa sa sobrang bilis ng paglabas ng mga bagong mensahe.
Tutal wala din naman akong balak makipag-usap ngayon sa mga 'di ko kilala ay pinindot ko iyong [MUTE]. May dalawang option pa ang lumabas pero dahil hindi ako marunong, pindot lamang ako ng pindot sa Hologram at kagaya ng inaasahan ko, natahimik 'yung chat, nakahinga ako ng maluwag, 'sa wakas wala ng nakakahilong chats' pagkalingon ko sa paligid, 'yung tingin nila sa akin mukha akong isang engkantong naligaw... Bakit kaya?
Tinignan ko 'yung World Chat at pusang gala. Ganon ba iyon?
[Username K.Ociel] Muted your chat, players will stop receiving and chatting for 1 hour in the game time.
Hala ano ba 'tong napasok ko, kabago-bago ko pa lang mali na agad nagawa ko. Kaya pala ganon sila makatingin sa akin.
Hmm. Hah! Hingang malalim. May gagawin ako para 'di ako mag ]mukhang awkward sa harap nila. Magpapanggap akong walang nangyari. Lahat naman ng tao nagkakamali, sana palampasin nila 'yun.
Kunwari wala akong naririnig na bulungan tungkol sa akin. Magbubulungan na lang kayo, iyong naririnig ko pa.
First, I should act cool and fierce. Yeah! After all, I'm an Assassin... I should be the deadliest in their eyes.
Yeah!!!
Congratulations:
You have received the title 'The Snob Assassin.'+15 popularity
Caution: The 'Snob Assassin' title gives you +15 popularity with other players. You will attract many players, but as the 'Snob Assassin,' you'll just ignore them.
"What a weird title," I said to myself. "The snob assassin. What a lame title." Pero makakatulong ito sa plano ko...
BWAHAHA!!! I WILL SNOB YOU ALL. '
THE GREAT K.OCIEL' WILL SNOB YOU...Dahil doon, naglakad na ako ng nakataas ang noo at nakatingin lang ng diretso. Napapansin ko na napapatingin sila sa akin, sorry na lang sila 'di ko sila para pagtuunan ng pansin.
Saan nga ba ako pupunta?
Napatigil ako ng makakita ng bulletin board. Ohh! Pumunta ako roon para tingnan kung anong meron. Wala namang tao! Diba dapat maraming tao kasi bulletin board 'to? So Weird!
How to show your Character Status: Step 1 and 2
1. Open your palm
2. And say "Open Status"So ginawa ko nga binuka ko ang aking palad at nagsabi ng [Open Status]
Lumabas ang hologram sa palad ko at
Name: K.Ociel
Experties: Novice
Level: 1
Character: AssassinTitle "The Snob Assassin"
HP - 100/100%
MP - 100/100%
AGI - 50/50%
HIT - 50/50%
CRIT - 50/50%
DODGE - 25/25%
BLOCK - 25/25%
PDEF - 25/25%
MDEF - 25/25%PICTURE
POPULARITY
+15Sa picture, naka-hood akong itim, matangos ang ilong, at may mapupulang labi. Ang mga mata ko ay hindi singkit, hindi rin naman kalakihan—sakto lang. Ang kakaiba lang sa mga mata ko ay ang kulay itim na bilog sa gitna (pupil) na may kaunting ginto sa paligid (iris). Itim din ang buhok ko sa laro.
Mag-imagine na lang kayo ng gwapo na lalaki tapos ako agad 'yun!
Binasa ko pa iyong ilang tutorial sa bulletin board, kagaya ng [Open Inventory], [Use Item in the Inventory], [Unlocking Skills], [Upgrading Skills], at ang pinakamalupet
[To Tame a Monster or Creature]
Taming Tip: Stun your target first, then offer it a tasty treat!At sa pinakadulo ng bulletin board, kung saan halos wala na akong mababasang iba pa dahil nabasa at na-try ko na ang ibang basic skills at knowledge... Binigyan ako ng 50,000 BARS at 25 piraso ng Gold Ore.
Oh diba, ngayon ay pupunta na lang ako sa blacksmith para magpagawa ng napakatibay na armor.
Habang hinihintay ang armor ko, may naisip ako. Bakit kaya hindi ako mag-picnic sa labas? Nakita ko kasi sa isang website ng laro na puwede kang mag-picnic basta't kaya mong protektahan ang sarili mo sa mga mababangis na hayop at masasamang tao.
Ngunit hindi rin maitatanggi na maganda rin ang kapaligiran dito. Ginanahan akong tapusin ang araw na ito na inaabangan masubukan na makapag-picnic.
***
Level Up to Unlock the Next Chapter!
You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 3]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.
1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.
Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLD
Science Fiction𝐈𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 '𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘' |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| Sa paghahanap ng walang hanggang kasiyahan, isinugal ng mga manlalaro ang kanilang mga buhay. Sa mundong ECLIPSE SURVIVAL WORLD, hi...