♡CHAPTER 41 - Now or Never♡

1.3K 88 7
                                    

3RD PERSON'S POV

Nakatitig ang misteryosang babae sa napakalakas na [Guild]. Ngunit naagaw ng kanyang pansin ang isang lalaking kakalabas lang sa Guild House. May kakaiba rito at determinado niyang alamin ang tungkol dito.

Hindi nakikita ang nangunguna sa [Individual Rankings], pero alam na niya kung gaano kalakas ang lalaking iyon. Mataas na ang level ng misteryosang babae at na-max na niya ang Eagle's Eye kaya malinaw niyang nakikita ang level ng iba, maliban sa lalaking iyon.

Marahil ay naitatago ng kanyang Level ang lakas nito.

Ipinakita niya ang kanyang status, at isang babalang [Danger] ang lumitaw. Kinilabutan ang mga nasa East at malapit sa kanya, maging ang ilan sa loob ng Guild House. Ngunit sandali lang iyon nang takpan niya ang kanyang sarili ng isang Legendary Dark Cloak. Hintayin mo lang ako, K.Ociel. Kung hindi kita maibabagsak, kukunin ko na lang ang pinakamahalaga sa iyo.

Napangisi ang babae. Hahakbang siya patungo kay Violet dahil sasali siya sa Guild nila. "Hintayin mo lang ako, K.Ociel. Malapit na tayong magkita. Malapit na rin ang iyong pagbagsak." Bulong niya sa kanyang sarili. Puno ng galit ang mga mata ng babae habang huling sinulyapan si K.Ociel.

***
SED'S POV

Muling nanumbalik sa akin ang nakakakilabot na Aura dati ni K.Ociel, napatingin ako rito pero sigurado along hindi ito ang may kagagawan nito dahil pati siya ay hinahanap ang pinagmulan ng mabilis na pakiramdam ng [Danger Aura].

Napatingin ako sa Top Strongest Player may bago nang Top 2. Hindi na si Saver pero kagaya ni K.Ociel wala rin itong pangalan?

Bakit ba kasi tinatago nila ang kanilang [Status]. Nagkaroon na naman ng kaguluhan ng makita kong naging 8 Billion [Battle Rating] ang [Guild] nina Violet na 'Die' ang pangalan.

May sumali siguro at mukhang malakas pa ito, hindi na rin bago dahil lahat naman ng naroroon ay sadyang malakas lamang ang nare-recruit.?

Hindi na ako nag-panic dahil sa 14 Billion [Battle Rating] na kaming lahat. 250 lang kami pero okay na iyon. Nag-hunt kasi kami ng mga boss, nalaman kasi naming kapag dumanak ang dugo, ay maaawaken ang [Forbidden Boss].

Ako'y nag-level up na rin at kung dati ay Level 100 ako ngayon ay Level 479 na. Bilis tumaas no? Ganun talaga kapag sinasamahan ka ng Asawa mong magpalakas, iyong feeling na sya ang bahala sa damage, ako naman ang sa last hit. Parang isang anghel si K.Ociel, bumaba lamang para tulungan akong magpalakas.

Hindi rin ako pinapabayaan ni K.Ociel dahil sa palagi niyang dahilan ay asawa niya raw kasi ako. Lagi niya akong pinapakain sa tamang oras, tinatanong niya ako kung gusto ba niyang mag-date kami sa langit. Siyempre napa-oo naman agad ako. Sumakay kami sa Dragon niya at lumipad kami habang nakamasid sa sobrang gandang Lugar ng ECLIPSE SURVIVAL WORLD.

Grabe nakakakilig talaga eh. Nagpapasalamat ako sa Diyos at nakilala ko siya at nakasama kahit kinakabahan ako, marami akong natatanggap na Death Threats. Binabaliwala ko na lang dahil kasama ko naman siya, kaya ang kaba ko ay kusa na lang nawawala. Grabe magpakilig at magpaka-miss itong lalaking ito, paano minsan umaalis siya ng walang paalam dahil marami silang ginagawa ni Dark. Feeling ko nga siya na ang kanang-kamay eh. Pero ok lang naiintindihan ko si K.Ociel

First time lang siguro talaga niyang sumali sa Guild kaya ganon. Kaya bilang ganti, gusto ko siyang pasayahin sa abot ng aking makakaya.

"Sed, kailan niyo ba balak magkaanak?" Tanong ni Ate Torry.

Si Ate Torry ay mas matanda sa akin ng isang taon. 22 na rin naman ako.

Napatunganga ako sa tanong niya.

"Ewan ko, Ate." Sagot ko. Ang totoo kasi hindi ko talaga alam, hindi rin naman kami nagmamadali.

"Masaya kayang magkaroon ng anak sa laro, nakita mo itong baby ko?" Turo ni ate sa anak niya, ang cute nga eh.

"Sobrang kulet niyan pero mapagmahal kagaya ng Tatay niyan. Tsaka atin-atin lang 'to iyong asawa ko sa laro engineer pala. Oh diba taray ng Ate mo." Nakangiting sabi nito, alam mong masaya siya.

Habang nag-uusap kami ay biglang may isang player na yumakap kay Ate Lorry.

"Hi Wife, nagpaalam na ako kay Dark na uuwi ka muna dahil kinakailangan mong magpahinga." Mamaya binuhat nito ang baby at "Kamusta si Baby, hindi mo ba pinahirapan si Mommy?" Tanong nito na akala mo sasagot ang sanggol.

"Sed, paalam na kami ah. Ingat ka!" Sabi ni Tom. Asawa ni Ate Lorry. Tumango ako at ngumiti, humalik din ako sa anak nila na ikinangiti naman nito. Nauna na itong umalis dahil naiwan si Ate Lorry.

"Konteng kembot lang mapapalambot mo rin iyon." Mamaya lumapit ito sa akin at bumulong "Seduced mo." Pagkatapos non tumawa ito ng tumawa.

"Bye-bye na. Pakasaya ka naman Ineng. Don't worry laro lang ito." Sumigaw pa ito at tumawa na naman. Mukhang kailangan na nga niya ng pahinga.

"Asawa ko." Sigaw nang isang lalaki sa likod ko. Boses pa lang talaga ay nanigas ako sa pagkakatayo. Bumilis ang pintig ng puso ko dahilan para mapahawak ako sa dibdib ko. Weird, how come nararamdaman ko iyon eh laro lang ito.

Lumapit ang isang lalaking nagngangalang K.Ociel, nakangiti ito at mukhang masaya, bakit sobra yatang gwapo niya ngayon? Bakit? Paano nangyari yon? Napapatingin din ang ilang players sa kanya kaya naiinis ako. Mabilis ko siyang hinatak at hinalikan sa labi.

Nang makita kong may ilang players na nakatingin, lalo kong pinalalim ang halik namin. Walang halong biro, parang gusto kong isiwalat ang buong puso ko sa damdaming ito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil saan ko nakuha ang ganitong tapang para halikan siya.

Wala na akong pakialam sa itsura ko; bigla na lang akong nagulat nang mapansin kong tinugon din niya ang halik ko.

Namalayan ko na lang na ang blue teleportation ay nag-umpisa sa aking paa. Kasama ko siya sa loob ng teleporter at magkasama kaming nag-teleport patungo sa kanyang palasyo sa [Western Mordoe].

Habang patuloy na lumalalim ang halik niya, napapikit na lang ako sa sobrang ligaya. It's now or never. Kasabay ng pagbagsak namin sa kama, naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga kamay sa akin katawan, na tila ang lahat ng pangarap ko ay naging totoo sa sandaling ito.

***

Nangyari na ang nangyari at wala nang makakapigil pa. Sa bawat sandali, alam kong walang pagsisisi sa aking desisyon. Dito ko lang napagtanto—ang lalaking ito ay matagal nang may puwang sa puso ko. I am utterly and completely in love with him. My love for him is unparalleled and boundless, I'll cherish him with all my heart.

***

AUTHOR'S NOTE

I recently realized that my leading lady, Lesedi Tazana Lewis (Sed), is only 20 years old—quite young for marriage and having a child. I've updated her age to 21, but I found I couldn't make the change too significant because my protagonist, Kevin Ozi Ociel (K.Ociel), is still a 4th-year college student, which aligns with her age.

I want to clarify that I do not condone or promote teenage pregnancies, early marriages, or any related issues. If you are familiar with the ending, you will see that my characters are meant to be together, but in the right context and timing or realistic and appropriate context.. Thank you for your understanding, and let's all approach this with an open mind.

Respectfully,
Author Somniator.

***

Level Up to Unlock the Next Chapter!

You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 41]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.

1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.

Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?

VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon