VOLUME 2: CHAPTER 54 - Rich Man

969 82 8
                                    

ZERO'S POV

Nakaupo lang ako sa isang sulok sa mismong labas ng entrance ng [Forbidden Dungeon], kahit ako na Level 2,500 na, ay hindi makapasok sa loob ng [Dungeon] na iyon.

Gusto kasi ng mismong dungeon ay Level 3500 ka. Ang pinakamataas na level ng mga player ay 5000 at upang makarating sa ganitong level, kailangan mong patayin ang sandamakmak na mobs at boss para lamang maabot ang ganitong kataas na level. Napansin ko rin na dumarami na kami ngunit pinili kong dumistansya sa kanilang lahat. Mukhang gusto na rin naman nilang umalis sa game. Ilang oras o araw, baka nga buwan na o malala ay taon na kaya akong naglalaro? Nakakainis bakit ba kasi wala akong matandaan sa mismong nakaraan ko?

Napako ang aking paningin sa babae sa kadulu-duluhan ng gubat. Kung tatanungin niyo ako kung paano ko pa siya nakita, siyempre ako'y isang Gunner kaya naman max na talaga ang aking Eagle Eye na nag-zooms kahit sobrang layo mo sa akin. Nakatalukbong ito sa isang puting cloak, malayo ang paningin at nakatingin lamang sa kumpol na mga players. Ano kaya ito, mayroon kaya itong binabalak?

"Why are you sneaking?" Tanong nito sa akin. Tiningnan ko ang pwesto niya kanina, ngunit wala na ito roon. Kung hindi ko pa naramdaman ang presensya niya sa aking likod, hindi ko pa mapapansin. Umayos ako nang tindig, hindi para maging komportable ako at ibaba ang aking depensa sa anumang masamang balak niya sa akin. Kundi para ma-kontra ko ang gagawing atake sa akin kahit nasa likuran ko siya. Nagbabantay lang, pinapakiramdaman kung gagalaw ang babae.

"I just noticed something strange about you. Everyone else is over there, but you're just standing here staring at them. Why aren't you interacting with them?" Seryoso kong tanong. Humarap ako at nagulat sa aking nakita.

Siya 'yung babae sa aking panaginip. Ang babaeng tinuturing kong kapatid. Ngunit wala man lang akong naramdaman na parang kapatid ko siya kundi ang tibok ng aking puso na sobrang bilis. Nagkatitigan kami, hindi alam kung sino ang unang iiwas. Malamig kapag tumingin ang kanyang mga mata ngunit sa matang iyon, nakahanap ako ng kapayapaan na minsan ay hindi ko naramdaman sa laro. Binabalot ako nito sa isang pakiramdam na parang 'andito lang ako'. Ngunit sa pakiramdam din iyon, parang may halong hinanakit at pangungulila? Parte ba siya ng limot kong nakaraan?

"Ayoko lamang."Sabi nito at umalis na.

Inunahan niya ako maglakad ngunit nagawa ko pa rin siyang sundan sa kanyang likod. Nakita ko ang kanyang IGN na Des. Sinong magpapangalan sa kanyang IGN nang Des? Binaliwala ko ang isipang iyon at sinundan ang babaeng nagparamdam sa akin ng kapayapaan. 

Binilisan ko ang aking lakad para makasabay na sa kanya. Palakad kami palayo sa lugar kung saan ang Forbidden Dungeon. Nang malayo-layo na, tumigil kami sa isang Resto... Somniator's Resto. Unti na ang player dahil ang ilang player ay nasa Forbidden Dungeon na mismo. Pumupunta na lang yata sila dito dahil sa pagkain na naibebenta. Pagkaupo, tumingin sa akin si Des.

Bilang lalaki. "Anong gusto mo? Libre ko." Pagkasabi ko non ay nagtaas ako ng kamay para makahingi ng menu ng Somniator Resto.

"Hello, sir! Hello, ma'am! Welcome to Somniator's Resto. We serve the best dishes and drinks here in Eclipse Survival World. What would you like to order?" Pagtatanong nito.

Mabilis na nagtaas baba ang aking mata sa menu nila.

"Para sa akin ay itong Special letson at ang aking Drinks ay isang Iced Tea lang." Tiningnan ko naman si Des.

"Hmm. Gusto ko lahat ng meron kayo ay matitikman ko." Sabi nito, tinetesting yata niya ang aking kakayahan sa paglilibre.

Nanlaki ang mata ng waiter ng Somniator's Resto, kalaunan ay ngumiti rin at tumango-tango. Ngumisi ako, ganyanan pala ah. Nag-send ako ng PM kay Dark na iniimbitahan ko siyang kumain dahil manglilibre ako. Maya-maya, nakarinig ako ng sandamakmak na yapak ng paa sa labas ng Somniator's Resto.

Pagkatingin ko. Potek!!! Sandamakmak na player ang nakita ko na may malalawak na ngiti nang makita ako.

"ZERO" Sigaw ni Dark sa labas. Pumasok itong hingal na hingal.

"Nagpumilit kasi sila sa aking sumama, diba ililibre mo pa rin naman ako?" Halata mo sa mata niya ang tuwa.

"Kami rin ba Dark?" Tanong ng isang player.

"Abay sabi ko naman kasi sa inyo na ako lang ang ililibre. Sumama pa kasi kayo, hindi nalang kayo nagbantay doon sa [Forbidden Dungeon]. Bakit 'di kayo tumulad doon na naiwan pa roon upang magbantay at magmasid." Naasar na wika ni Dark sa kanila.

"Ano po Guild leader? May naiwan pala roon? Bakit po nandito kaming lahat kung ganon? Akala po kasi namin ililibre rin po kami. Hehehe." Diniinan pa talaga ang ililibre rin po kami

Bago ang lahat, Ilan nga ba ang pera ko rito? Tsaka ko na lang siguro titingnan. Kesa naman bumalik na sila roon ng walang kinakain, tiningnan ko ang kanilang mga HP, umuunti na ito dahil gutom na sila. Malilintikan pa, hindi pa nga kami nagsisimula sa [Forbidden Boss] mababawasan na agad kami ng players, at sa anong dahilan? Starvation.

"Isama na natin sila. Hindi kasi sila kasya kaya iyong iba sa ibang floor na, hanggang 10th floor naman ito, tapos yung iba sa labas na lang kumain." Sabi ko. Dali-dali namang umakyat ang iba at iyong iba ay naiwan sa baba. Napatingin ako kay Des ng tapos na itong kumain habang ako tamang pasundot-sundot lang ng aking lechon, iyong kanya ubos na. Napangiti ako, ang lakas naman kumain ng babaeng ito. Tiningnan ko ang kanyang katawan.

"Bakit mo tinitignan ang aking katawan? Dahil ba malakas akong kumain? Para sabihin sa iyo hindi napupunta ang kinakain ko sa bulate sa aking tiyan kung meron man, iyong iba napupunta sa aking dibdib at puwet." Ngumisi ito na nagpangiwi sa akin.

Kailangan ba talaga niyang ikwento iyon?. I'm not interested naman. Diba? Totoo naman.

Nang tapos na ang lahat kumain siningil na ako ng mismong waiter.

"30 Million Gold po dahil ilang players kayong kumain at iyong iba ay nag-doble pa at nagtake-out." Pagkasabi niya non nagkaroon ng gintong hologram sa aking harapan, hindi lang ako ang nakakakita nito kundi ang lahat ng player.

Nakalagay dito ang babayaran ko. Mamaya lalabas ang pera ko mismo mula sa laro [Bars]. Ang totoo, hindi ko alam kung kaya kong bayaran ito, pero may nag-uudyok sa akin na kaya ko.

Payment of 30 Million
[Accept]
or [Deny]
Note: If you select "Deny," you will be compelled to pay the amount or your family in the real world will be held responsible.

Pamilya sa Real World? Ni hindi ko nga alam kung meron akong pamilya kaya pinili ko ang [ACCEPT].

Napalitan ang babayaran ko ng mismong pera ko, at nanlaki ang mga mata ko at ng mga nakakita sa laki ng pera ko sa laro. Biglang umilaw ang kwintas ko. Tumataginting lang naman na 69 Trillion Bars ang pera ko! At ang 30 Million Bars ay barya lang pala sa akin.

***

Level Up to Unlock the Next Chapter!

You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 54]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.

1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.

Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?

VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon