CHAPTER 39 - K.Ociel from Dark Knight

1.3K 93 0
                                    

K.OCIEL'S POV

Kinailangan kong umalis agad dahil baka kung ano pa ang magawa ko. Nilibot ko ang buong [Guild House] at binabati ako ng ibang ka-guild nila Sed. Mabuti na lang at welcome pa rin ako kahit hindi ako regular na miyembro. Minsan naiisip ko na natatakot ang ibang [Guild] sa kanila dahil akala siguro nila na dito ang [Guild] ko.

Napailing na lang ako. Mukhang kailangan kong pag-isipan itong mabuti. Tiningnan ko ang [Guild Rank] at sobrang laki ng agwat ng Top 1. Ang guild nila Dark ay may [Battle Rating] na 1 Billion, habang ang Top 1 ay umaabot ng [Battle Rating] 3 Billion. Basehan kasi ang [Battle Rating] sa bawat Guild. Kapag normal na player ka, hindi mo makikita ang [Battle Rating] mo, pero kapag nakikiparty ka o may [Guild] ka, makikita mo ito.

Huling tingin ko sa [Battle Rating] ko ay noong nakiparty ako sa isang player sa South. Umabot ito sa 5 Billion [Battle Rating]. Tumataas ang [Battle Rating] kapag nakakapatay ka ng Boss at iba pang paraan para magpalakas. Marami na akong napatay na Boss, kaya siguro tumaas na ito ulit.

Battle Rating (BR) is a common metric in many online games that quantifies a player's character's overall strength or power level. It's a valuable tool for matchmaking, ranking, and gauging a player's competitiveness.

***

Key factors that typically contribute to Battle Rating include:
A. Character Attributes and Skills
1. Level
2. Equipment
3. Skills
4. Talents or Perks

B. Character Progression
1. Quest and Achievements
2. Dungeons and Raids
3. PvP (Player vs. Player) Battles

C. Game Mode and Context
1. Solo vs. Group
2. PvE (Player vs. Environment) vs. PvP

***

Napatigil ako sa isang gintong pinto. Ito ang silid ng [Guild Master]. Desidido na ako. Baka magkaroon ng mas malaking problema ang [Guild] na ito dahil sa maling akala nila.

Kumatok ako at sinabi ni Dark, "Pasok." Pagpasok ko, nadatnan ko si Dark sa isang sulok. Nakatungo ito sa isang mesa.

"Sed, may problema tayo. Nalaman na nilang hindi natin kasama si K.Ociel sa Guild natin. Nakakainis naman kasi wala naman akong pinapakalat na balita na kasama natin siya. Nagplano nang madudugong laban yung ibang Guild sa atin." Iniangat ang ulo. Nagulat pa ito nang makita ako.

"Ay ikaw pala. Baliwalain mo na lang ang sinabi ko. Wala iyon." Dinaan na lang niya sa tawa ang problema.

"Pasensya na kung nagkakaroon ng problema ang [Guild] niyo dahil sa akin." Humingi ako ng tawad sa kanila. Hindi ako yung klase ng tao na magpapalipas ng pagkakataon na humingi ng tawad.

"Wala ka namang kasalanan K.Ociel. Ewan ko ba sa kanila at kung anong pinagsasabi nila sa iyo at pinaniniwalaan. Sorry rin, hindi ko pa malilinis ang pangalan mo sa ngayon." Ngumiti siya pero bakas ang lungkot sa mata.

Tumango ako.

"Anong tango yan?" Tanong nito sa akin.

"Tangong alam ko na ang sagot sa problema mo." Para namang nagkaroon ito ng interest sa sasabihin ko.

"Talaga? Paano?" Tanong nito.

"Sasali ako sa [Guild] niyo. Tutal akala naman nila noong una na kasama ako sa inyo at ngayon na nalaman na nila ang lahat na hindi ako kasali sa inyo, bakit hindi ko na lang totoohanin na kasama ako para walang problema. Marami kayong benefits na makukuha rito. Sa [Guild] dahil magkakasama na kayo, tungkulin niyong magbigayan ng gamit na makakatulong sa lahat. Marami akong gamit na pwedeng magamit ng [Guild] at ng bawat isa. Tungkol naman sa [Battle Rating] ko, kapag sumali ako sa inyo, sure nang mangunguna kayo sa [Guild Rank]." Mahabang paliwanag ko ng benefits na makukuha nila kung sakaling kasama ako sa [Guild] nila.

"Walang halong biro. Take it or leave it." Sabi ko rito.

VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon