CHAPTER 19 - Western Mordoe on Progress

1.9K 149 3
                                    

SED'S POV

Napatingin ako sa isang lugar kung saan kita mo ang liwanag na patungong langit. Ano kaya iyon?

May illusion kasi ang laro kung saan kahit malayo ka roon, akala mo ang lapit dahil kita mo.

Sa [West] galing iyon, katulad ko maraming curious dahil sa sari-saring usapan na namumutawi sa paligid ko tungkol doon nga sa liwanag na galing sa [West] na hanggang ngayon ay maliwanag pa rin. Binabalot kasi ng kadiliman dati ang [Western Mordoe] kahit ako 'di ako nagtangka na pumunta roon dahil nga sa malalakas na kalaban.

Napatingin ako kay Dark, mukhang malalim ang kanyang iniisip.

"Leader, pupunta po ba tayo sa [Western Mordoe] para tignan yung nangyayari roon?" Tanong ni Kia.

Umiling naman si Dark.

"Hintayin muna natin ang messenger, may kabayo iyon at panigurado akong nakapunta na iyon sa [Western Mordoe]. Ibabalita naman niya kung anong nangyari." Paliwanag ni Dark.

Tama si Leader. Kung lalakbayin namin iyon, maiiwan ang aming [Guild House] at kakailanganin namin ng maraming pagkain. Napailing ako habang tinitingnan ang kanluran mula rito sa silangan.

Naging maingay ang lahat mula sa labas. Lumabas kami ng mga kasamahan ko para pakinggan ang sasabihin ng mensahero.

"May isang manlalaro na nakapagtayo na ng Kaharian sa kanluran. Nakalagay sa kanyang bandila na 'K.Ociel Lair'. Sobra rami ng kanyang hukbo at mabait din siyang tao. Nang makita niya akong naglilibot sa kanluran, tinanong niya ako kung may dala akong pagkain. Nang sabihin kong isa na lang ang aking natitirang tinapay, pinapasok niya ako sa kanyang magandang palasyo at binigyan ng masarap na karne at isda. Pinabaunan din niya ako ng prutas at kakaibang kanin. Kaya, para sa mga walang pagkain, bibigyan ko kayo dahil sabi niya mas maganda daw ang magbigay kaysa tumanggap."

Agad na binigyan ng messenger ng pagkain ang mga walang makain na manlalaro. Mabilis namang napuno ang kanilang food bar, na aking ikinagulat. Anong klaseng pagkain kaya iyon?

Mayroon pa lang ganoong uri ng pagkain...

"Aalis na ako at pupunta naman sa South Area. Paalam mga kapatid." Sabi niya at umalis na.

Talagang kakaiba si K.Ociel... Napatingin ako sa ranggo ng mga malalakas. Wala na naman ang pangalan niya sa una, at ngayon ay level 82 na siya mula sa level 80. Paano kaya siya nag-level up nang napakabilis?

Mukhang kailangan ko siyang makaharap nang personal. Lalo na't malapit na ang laban ng mga [Guild]. Kung ma-recruit ko siya na sumali, tiyak na magiging malakas agad kami at madali naming maipapanalo ang [Guild War].

***
3RD PERSON'S POV

Si K.Ociel ay abala sa pagpapatakbo ng kanyang pantalan [Port]. Kanina lang, may isang manlalaro na nakasakay sa kabayo ang pinapasok niya sa kanyang palasyo matapos niyang mapansing naglilibot at nagmamasid ito sa paligid ng kanyang kastilyo. Akala ni K.Ociel noong una ay isang espiya ito, pero isang messenger lang pala na gustong malaman kung bakit may ilaw ang kanyang kastilyo.

Imbes na ipaliwanag, tiningnan niya ang [Health Bar] ng lalaki at nakitang kumikislap ito. Naisip agad ni K.Ociel na walang pagkain ang lalaking mensahero. Kapag kumikislap kasi ang [Health Bar], nangangahulugang unti-unting nauubos ang enerhiya nito. Kaya pinakain niya muna ito ng mga pagkain na matatagpuan sa [Western Mordoe]. Mayroon na siyang mga tanim dito na inaalagaan ng mga NPC.

Sigurado na si K.Ociel na kapag natapos na ang kanyang mga barko, makakapaghatid na siya ng mga espesyal na produkto ng [Western Mordoe].

Pero abala pa rin si K.Ociel sa paghahanap ng mga minahan. Plano niyang angkinin ang buong Western Mordoe. Wala nang mapapala ang ibang manlalaro dito dahil na-tame na ni K.Ociel ang mga malalakas na nilalang sa kanluran.

Maraming plano si K.Ociel, kabilang na ang pagpapaunlad ng agrikultura sa laro. Balak niyang magtanim at gagawin niyang mga manggagawa ang ilang NPC na may potensyal, tulad ng isang NPC na magiging taga-tanim at taga-ani sa kanyang bukid. Ang 'K.Ociel Farm' ay magiging isang bukid na magtatanim lamang ng mga espesyal na uri ng palay, gulay, at iba pang pananim. Sinisigurado ni K.Ociel na mapapaunlad niya ang kanyang kasanayan sa pagsasaka at pati na rin ang kanyang mga manggagawa. Binibigyan niya sila ng lahat ng kanilang mga pangangailangan, kabaliktaran ng nangyayari minsang makasariling desisyon at gawain ng mga land owner ng Pilipinas sa kanilang mga nasasakupan.

Si K.Ociel ay medyo bossy, ngunit sigurado siyang patas siya sa lahat. Mayroon na rin siyang mga mangingisda sa kanyang pantalan. Mayroon siyang mga maliliit na bangka, at sinisigurado niyang ligtas ang buong lugar dahil baka may mga pirata o masamang manlalaro na magnakaw ng kanilang pinaghirapan.

Dagdag pa niya, naglagay siya ng mga NPC na magbabantay sa kanyang mga machine gun. Kaya naman, bawat machine gun sa paligid ng kanyang kaharian ay mayroon nang tagabantay.

Idagdag pa natin ang proteksiyon na ibinibigay ng kanyang buff at ang kanyang hukbo. Pinapataas din ni K.Ociel ang Level ng bawat isa sa kanyang mga sundalo.

Wala namang alam ang ibang mga manlalaro sa mga ginagawa niya dahil tinakpan niya ng fog ang buong kanlurang bahagi.

Sa ilalim ng dagat, nagpagawa si K.Ociel ng submarino hindi para umatake kundi para bantayan ang mga buhay na nilalang sa ilalim ng tubig.

Nalaman din ni K.Ociel ang tungkol sa espesyal na buff. Ang espesyal na buff pala ay hindi lamang nakakaakit ng atensyon kundi nagbibigay din ng proteksyon sa lumilipad na hukbo ni K.Ociel. Pinipigilan din nito ang mga hindi kilalang lumilipad na nilalang na galing sa ibang lugar.

Kulang ang mga manggagawa ni K.Ociel para sa minahan kaya naman siya na lamang ang nagmimina. Hindi naman siya nagrereklamo dahil nakakakuha siya ng [EXP] sa bawat mineral na makukuha niya.

***

Experience Point (EXP or XP): A unit of measurement used in many role-playing games to track a player character's progress and growth. As a player gains EXP, their character becomes more powerful and skilled.

How EXP is earned: EXP is typically earned by completing quests, defeating enemies, and exploring the game world. Some games may also award EXP for completing specific actions or challenges.

EXP and leveling up: In most RPGs, accumulating enough EXP will cause a player character to level up. Leveling up grants the character new abilities, skills, and attributes, making them stronger and more capable.

***

Level Up to Unlock the Next Chapter!

You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 19]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.

1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.

Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?

VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon