SED'S POV
Napatingin ako kay K.Ociel. Hmm. Awakened. Interesting.
Pero wala nang oras para magpaapekto sa nararamdaman. Kailangan naming tapusin ang laban sa [Forbidden Boss] upang wakasan ang pagdurusa ng lahat.
Lumapit ako kay K.Ociel.
"Anong plano?" Tanong ko, habang tinitingnan siya. Saglit siyang napatingin sa akin, pero seryosong binalik ang tingin sa [Forbidden Boss].
"Walang plano." Malamig niyang sagot. "Hahayaan natin na ang katawan natin ang gumalaw sa laban. Hindi na natin isasama ang iba—magiging pabigat lang sila kung magkakamali, at ayoko nang mawalan pa." Pagkasabi ni K.Ociel, inabot niya ang kamay ko.
"Tara na." Sa pagkakasabi niya non, hinanda ko ang aking [Celestial Sword] at [Staff].
"Lalaban na po tayo, Master?" Narinig kong tanong ng [Staff].
"Oo." Sagot ko sa isip. Bigla namang sumabat ang [Celestial Sword].
"Ikinagagalak kong maging Master ka, kahit sa panandaliang panahon." Lumiwanag ang espada ko habang sinasabayan ko si K.Ociel.
Napasilip ako sa buhay ng [Forbidden Boss]—400 pa. Marami pa 'yan, pero sigurado akong kapag nagtulungan kami, matatalo rin siya.
"Staff of Lightning, lend me your power." Umilaw ang aking [Staff] at bumuo ng malakas na kidlat na itinapat ko sa [Forbidden Boss].
Samantala, si K.Ociel naman ay gumamit ng "[Sky Sword Dance]"—para siyang sumasayaw sa ere habang inaatake ang kalaban. Napakaswabe ng bawat galaw niya, parang walang hirap.
Hindi ako papatalo!
"[Celestial Sword: Moon Shattered]" Nagkulay dugo ang buwan sa paligid ng espada ko. Lumapit ako sa [Forbidden Boss] at inulit ang ginawa ni K.Ociel.
Nang umatras ako, naramdaman kong may bumubulong sa likod ko.
"You look beautiful while doing that." Paglingon ko, nandun si K.Ociel, nakangiti.
"Focus." Sabi ko, pilit pinipigil ang pamumula ng mukha.
Ngumiti lang si K.Ociel at bumalik sa pagsugod.
"[Earth Sword: Ocean Force]" Naging asul ang espada niya, at bawat tama nito sa [Forbidden Boss] ay lumilikha ng tubig, bumabalot sa katawan ng kalaban.
"[Earth Sword: Ice World]" Isang sigaw mula kay K.Ociel at lalo pang nagningning ang kanyang espada. Tinuhog niya ang tiyan ng [Forbidden Boss], at agad itong nagyelo.
"[Staff of Lightning: Shattered Lightning]" Itinaas ko ang [Staff] ko, at bumagsak ang mga kidlat mula rito, dumirekta sa nagyeyelong kalaban.
Kinagat ko ang labi ko at naglabas ng isa pang atake.
"[Celestial Sword: Moon Destroyer]" Binato ko ang [Celestial Sword] sa noo ng [Forbidden Boss]. Nag-crack ang balat nito, at umalingawngaw ang kanyang alulong sa sakit.
"[Forbidden Skill: Angry Ocean]" Pagkasigaw ng [Forbidden Boss], nagsimulang tumaas ang tubig sa paligid. Shit!
"Lalamunin tayo ng tubig na 'to!" Sigaw ko kay K.Ociel.
"Saglit." Kalmado niyang sagot.
"[Earth Sword: Calm Water]" Sa isang iglap, bumaba ang tubig, parang wala lang nangyari.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLD
Science Fiction𝐈𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 '𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘' |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| Sa paghahanap ng walang hanggang kasiyahan, isinugal ng mga manlalaro ang kanilang mga buhay. Sa mundong ECLIPSE SURVIVAL WORLD, hi...