CHAPTER 37 - He's Mine!

1.3K 94 4
                                    

SED'S POV

Napatingin ako kay Dark na nakaupo sa sulok ng guild house. Usap-usapan ang bagong guild na nangunguna sa atin. Kahit na may 500 miyembro kami, naunahan pa rin nila kami. Ang mas nakakagulat, 20 lang sila pero sobrang lakas nilang lahat.

Kung ikukumpara sa Level ko na 100, mas mataas pa ang Level ng bawat miyembro nila. Kaya pala sila napakalakas at biglang nanguna. Pero ano naman? Kahit pangalawa kami, hindi naman kami susuko. Habang hindi pa lumalabas ang [Forbidden Boss] tuloy lang ang paglalaro.

Si Dark naman, bilang lider natin, nalulungkot talaga. Kahit may mga sinali tayong malalakas na miyembro, hindi pa rin tayo nakakahabol. Alam kong maraming effort ang inilaan niya para sa [Guild].

Gusto ko sanang umuwi at kitain si K.Ociel, pero hindi ko magawa dahil marami pa akong kailangang gawin dito sa [Guild].

Napalabas ako nang tawagin ako ng isang kasama. "Sed, tulong! Sinusugod tayo!" Pagkasabi niya noon, nag-abala ako sa paghahanda sa mga kasama natin para sa pag-atake at depensa. Dahil wala pa sa ayos ang lider natin, ako muna ang gumawa ng mga dapat niyang gawin.

Paglabas ko ng [Guild House], nakita ko si Violet. Akala ko patay na siya. Naalala ko ang sinabi ni K.Ociel na ayaw niyang makita pang muli si Violet dahil sa nangyari noon sa [Dragon Egg]. Mabuti na lang wala si K.Ociel dito.

Nanlisik ang mga mata ko nang makita kong sinaktan ni Violet ang isang ka-Guild Member namin. Ang kapal ng mukha niya! Susugod na sana ako nang makita ko ang pangalawang pinakamalakas na player na kasama niya. Si Saver. Magkano kaya ang binayaran nito.

Hindi pa namin sila kaya. Level 300+ na siya. Asan ba si Dark? Tatawagin ko na sana siya nang lumabas siya at sumigaw, "Sugod mga kapatid." Ang lakas ng loob niya!

Nanlamig ako nang makita kong mabilis na sinalakay ni Saver ang mga ka-guild member ko. Ipapa-retreat ko na sana sila nang mabangga ni Saver si K.Ociel.

Nakatingin lang si K.Ociel sa pagkaing nahulog. Para kanino kaya iyon? Napatingin ako kay Violet. Lalapitan na sana niya si Saver pero tinawag siya nitong "Pare" si K.Ociel at sinabing papalitan niya ang pagkain. Hindi niya ba kilala si K.Ociel? Ang laki naman yata ng mundo! Ang dami na niyang kalaban, pero hindi niya kilala ang asawa ko?

"Talagang papalitan mo? Ikaw gagawin kong pamalit diyan eh. Lulutuin kita!" Inis na talagang sabi ng asawa ko.

Dumagundong ang kalangitan, kumidlat, at lumindol ang lupa. Pinabalik ko ang mga Guild Members ng [Dark Knight] sa [Guild House], laban ito ng [Top 1] at [Top 2] na Player.

Tahimik lang ang lahat habang pinapanood ang laban. Nagpakawala si Saver ng isang malakas na atake kay K.Ociel. Hindi naman umiwas si K.Ociel. Sinalo niya lang ito na parang wala lang iyon kay K.Ociel.

Namutla si Saver. Hindi ka makapaniwala na ang lakas ng asawa ko, tumingin ako kay K.Ociel. Seryoso siyang nakatingin sa lalaki. Doon ko napagtanto na hindi mo talaga siya matatalo. Ang lakas niya ay parang likas na sa kanya. Kumuha si K.Ociel ng espada sa likod niya. Hindi ko pa nakita ang espadang iyon, pero alam kong malakas iyon. Parang nag-teleport siya sa harap ni Saver at itinurok ang espada sa tagiliran nito. Unti-unting nabawasan ang buhay ni Saver.

Papatayin ba niya? Hala! Hindi pwede. Ayoko siyang maging katulad ni Violet. Nakita kong diniin pa niya ang espada.

"K.Ociel" Sigaw ko rito. Napatingin siya sa akin at halatang nagulat din sa ginawa ko. Tinanggal niya ang pagkakaturok ng espada sa tagiliran at iniwan ang lalaki. 

Paglapit niya sa akin, agad niya akong sinalubong ng mga bisig niya. Isang mainit na yakap ang nagpakalma sa mabilis na tibok ng puso ko.

"Sorry." Hingi ng paumanhin niya. Hmm. Niyakap ko rin siya pabalik at hinagod ang likod niya.

Nagulat ako nang magsalita siya, bahid na ang galit sa boses niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Galit na tanong ni K.Ociel kay Violet.

Imbes na matakot si Violet, ngumiti siya at sinulyapan ako saglit. Tumakbo siya palapit kay K.Ociel at niyakap ito. Gulat man, mabilis din namang tinanggal ni K.Ociel ang pagkakayakap at sa reaksyon nito, mukhang nandiri ito at nasaktan.

Namula si K.Ociel at sigurado akong hindi iyon dahil sa kilig. Parang napasong ano, muling bumalik at yumakap muli si Violet.

Napairap ako sa hangin at selos ang unang namutawi sa akin. Ewan pero parang selos na selos ako.

[WARNING]

You just saw your husband experiencing intimate physical contact with another woman. You are feeling intense jealousy. If this continues, you may experience increased emotional distress.

Hindi maaari. Nilapitan ko si Violet at hinatak siya nang marahas, puno ng galit at panggigigil. Sisiguraduhin kong magkakaroon ng bakas sa braso ang babaeng ito. Nang maalis ko ang haliparot na babaeng ito sa asawa ko! Iniharap ko siya sa akin gamit ang paghatak ng buhok nito para magtugma ang mga mata namin. Pagkaharap niya rin ay agad ko siyang sinampal ng malakas. As in, yayanig ang katawan at utak mo. Mababa man ang Level ko sa larong ito, Level 9,999,999 naman ang sampal na iyon.

"Don't provoke me beyond my patience." Malamig kong sabi. Sisiguraduhin kong hindi na ito makakaulit pa. Walang puwang sa pagsasamahan namin ni K.Ociel ang isang babae na sisira lamang sa relasyon namin.

***

Level Up to Unlock the Next Chapter!

You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 37]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.

1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.

Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?

VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon