SED'S POV
"Ikaw, sumama ka sa akin." Seryosong sabi niya.
Hinawakan niya ang aking braso at nag-teleport kami.
Nasaan ako? Wait, saan ba 'to? Grabe, sobrang ganda! Pero bakit nga ba ako nandito? "K.Ociel, anong balak mo at dinala mo ako dito? Tsaka, nasaan ako?" Tanong ko. Napatingin-tingin ako sa paligid. Grabe, sobrang ganda talaga. "Ikaw ay nasa kaharian ko sa Western Mordoe." walang emosyon na sabi nito sa akin. "Nandito ka dahil hihiramin muna kita sa Guild mo. Ikaw lang ang nakita kong matino at medyo malakas na rin." Paliwanag nito. Napatango-tango naman ako. Nasa Level 79 na rin ako at nagiging malakas na.
Ang totoo niyan, ako lang ang babaeng nasali sa pinakamalakas na player sa buong Pilipinas.
Kung itatanong niyo anong nangyari kay Violet, ayon balik sa simula, wala na ang [Guild] na puno ng maraming PK Players. Kaya kahit sobrang taas din ng level nun, ang [HP] at [MP] ay one hit lang sa player na may wooden sword.
"Bakit ako? Marami namang iba diyan." Pagtatanong ko pa, hindi makapaniwala.
"Dahil ikaw ang gusto ko." Napangiwi naman ito na parang maling sagot ang nasabi. "Ikaw ang natipuhan kong piliin sa lahat ng manlalaro. Tsaka nakita na kitang ipinagtatanggol ang ibang [Guild] (Starlight Guild) doon sa isang [Guild] pa na nakalaban ko." Sagot nito. Tanda pa pala nito ang matagal na eksena na iyon?
"Hindi sila ibang guild lamang, sumali na sila sa amin kaya naman ka-guild na rin namin 'yung tinulungan namin.Ano naman ang makukuha ko sa pagsama sayo? Ano nga bang gagawin ko?" Pagtatanong kong muli.
"Makukuha? Siyempre lalakas ka at l-level up. Ako na rin ang bahala sa armor set mo at sagot ko na ang pagkain mo hanggang matapos nating mapatay ang Legendary Boss. Hati din tayo sa loots. Hmm. Sa madaling salita, papatay lang tayo ng boss hanggang makita natin ang Legendary Boss." Mahabang paliwanag nito.
"Malakas ka na naman ah, bakit hindi na lang ikaw ang pumatay doon?" Sa nakikita ko kasi, magiging pabigat lamang ako sa kanya.
"Kung ganoon din naman pala ang itatanong mo, bakit hindi ko na lang ito ginawa, di ba? Ginagawa ko ito dahil sabi nga nila, 'two heads is better than one'" Napatango-tango pa ito.
"Fine. Fine. Sasama na ako basta kapag nagkaroon ng problema, walang iwanan ah, baka nakita mo lang na pababa na ang buhay ko (HP), pabayaan mo na ako." Sabi ko at pinag-cross ang mga braso.
"Paano pala ang last hit na makukuha sa boss? Paano kapag ikaw ang nakalast hit at hindi mo ibigay ang kalahati ng loots?" Buti na lang naisip ko 'to.
"So gusto mong mag-share tayo sa loots? Wala naman akong problema doon, pero bawal akong mag-share ng item. Ayaw gumana nung akin. Siguro ganoon talaga kapag andami mo nang mahahalagang gamit." Sabat naman ni K.Ociel.
Biglang may kung ano akong naisip at hmm."How about marriage?" tanong ko. Hmm. Akala mo ah...
Actually, hindi naman sobrang importante para sa akin ang loots pero kailangan ko kasing magpalakas.Pero bakit nga ba naisip ko na marriage? Aishhh, paano kapag pumayag 'to? Edi instant Wife na agad ako?
Naku! Maling desisyon at rekomendasyon.
Pero kesa naman wala akong makuhang loots, kapag hindi madala sa Santong Dasalan, duon tayo sa Santong Paspasan!Kids, 'wag ninyong gagayahin.
"Wala namang problema iyon, pero sure ka ba? Walang divorce sa laro." Nag-aalangang sabi ni K.Ociel.
"Wala namang problema iyon, bakit may Girlfriend ka ba? Crush? Mahal na babae? Naiwang mahal sa totoong buhay?" Tanong ko.Umiling naman ito. "Wala akong Crush o Girlfriend. Babaeng minamahal... Meron. " Sagot ni K.Ociel. "Ano meron naman pala ikaw mahal 'tas walang problema gulo mo."
"Siyempre, pinakauna kong minamahal na babae, my Mom." Ay, ang ganda ng sagot niya, wala na akong masasabi.
Natigilan ako sa aking narinig. May nabasa kasi ako sa post sa Facebook na malalaman mong mapagmahal ang isang lalaki kung paano niya ipinapakita na mahal niya ang kanyang nanay.
Hanggang ngayon pinaghahawakan ko pa rin iyon.Pwe! Ano ba itong pinagsasabi ko.Hmm. Ngunit dahil din sa sinabi niya, kumalma ang bilis ng tibok ng puso ko, mabuti naman."Ano, tara na, pakasal na tayo." nahihiyang sabi ko sa kanya, hindi ako atat dahil makakasal ako sa kanya, ang isa at nangunguna bilang pinakamalakas na manlalaro kun'di dahil gusto ko na ring matapos ang laro. Tagal ko na sigurong naglalaro at nakahiga lamang sa higaan ko.
May lumabas na notification.
[K.OCIEL PROPOSED: CAN I BE YOUR FIANCÉ?]
[ACCEPT] or [DECLINE]
Agad kong kinlick ang [ACCEPT]
Tiningnan ko ang pinaka-stat ko. "[Open Status]"
NAME: SED
OWNED BY: K.OCIEL (FIANCÉ)
EXPERTIES: INTERMEDIATE
LEVEL: 79
CHARACTER: ANGEL
GUILD: DARK KNIGHT
WEAPONS:
•STAFF
•LIGHT SWORD
ARMOR: SILVER SET[TITLE]:
•Leading LadyHP: 5000 (4000)
MP: 5000 (4000)
AGI: 1000 (2000)
HIT: 1000 (2000)
CRIT: 1000 (1000)
DODGE: 1000 (1000)
BLOCK: 1000 (1000)
PDEF: 1000 (1000)
MDEF: 1000 (1000)
END: 1000 (1000)EXP: 58.777
[ARMY]:
7 VELODILLE[ELEMENTS]:
•LIGHT HOLDER[SKILLS]:
Light Element LV.90[90%]
SWORD Wielding LV.55[55%][OPTIONS]
[POPULARITY]
+2000
[CHARISMA]
+3000ABOUT: Light Elementalist, a great and swift female sword wielder, a dangerous and beautiful angel.
Wahhh bakit owned by? Grabe ano ako bagay?
Lumabas muli ang Game Notification
[K.OCIEL PROPOSED: CAN I BE YOUR HUSBAND?]
[ACCEPT] or [DECLINE]
Hmm. Pipigilan ko pa ba? eh eto na, pinindot ko ang [ACCEPT].
[WORLD NOTIFICATION]
A Momentous Occasion!We are delighted to announce that K.Ociel and Sed have tied the knot! May their love story continue to blossom, filled with endless joy and happiness.
Namula ako nang mabasa ang notification. Kumalat na rin pala ito sa World Chat. Jusko! Ano ba 'tong napasukan ko?
Paglingon ko kay K.Ociel, nakangiti siya. Ang gwapo niya, mali-mali, pangit pala. Oo nga, panget ng asawa ko. Asawa ko?
Iyong 'Fiancé' sa stats ko, naging 'Husband' na. Tapos kapag binuksan niya iyong Status niya, ang makikita niya sa akin ay 'Maid' Charr lang! Haha! Asawa na talaga ako. Mommy, Daddy. I just got married without your permission.
Hindi man lang po nahingi kamay ko o naligawan.
***
Level Up to Unlock the Next Chapter!
You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 22]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.
1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.
Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLD
Science Fiction𝐈𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 '𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘' |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| Sa paghahanap ng walang hanggang kasiyahan, isinugal ng mga manlalaro ang kanilang mga buhay. Sa mundong ECLIPSE SURVIVAL WORLD, hi...