K.OCIEL'S POV
Bakit ba ang tigas ng ulo ng mga 'to? Ayoko lang naman na inaapi nila ang mga kasama ko sa army! Alam ko namang mahina sila, pero pinasama ko pa rin sila para protektahan. Nagulat ako nang biglang may sumugod sa akin. Isang iwas lang, at napabagsak ko siya sa putik. Sino ba 'to? Tumayo siya at tinitigan ako nang masama.
Tiningnan ko 'yung mga kalaban ko kanina. Nakangisi sila. Kilala ba nila 'to? Pagtingin ko sa info niya, nalaman kong siya pala ang lider nila. Biglang kumulo ang dugo ko at hindi ko na napigilan ang sarili.
Ginamit ko ang skill kong [Fast as Flash Dagger] at mabilis na sinaksak ang mga kalaban ko. Kitang-kita ang sakit nila. Tumingin ako sa lider nila at binuhos ko ang lahat ng galit ko sa isang malakas na [Lightning Ball]. Sunod-sunod na kidlat ang pinakawalan ko. Kahit anong iwas niya, hindi niya magawang maiwasan ang napakaraming kidlat. Nag-cast ako ng spell na [MURUS] na ibig sabihin ay Wall.
"Sa huling pagkakataon, sumuko na kayo." Sabi ko. "Hinding mangyayari iyon." Sigaw nila. Okay lang. Kinuha ko ang espada ko at gumawa ng isang napakalakas na atake.
Ayoko sanang gamitin 'to, pero wala na akong choice. Hindi ko mapapatawad ang ginawa nila kay Seal. Kinuha ko ang [Sky Sword] ko. Nagdilim ang langit at dumagundong ang lupa. Konektado kasi ang espada ko sa langit ng laro.
Pumosisyon ako at itinutok ang espada sa lider nila. Akala ko lalaban siya, pero wala siyang laban sa Sky Sword ko. Nang tumama ang espada ko sa kanya, nag-crack ang espada niya.
"Paano?" Hindi makapaniwalang ani nito, nanginginig siya habang sinusuri ang espada niyang nahati na ngayon sa dalawa.
[SKY SWORD PASSIVE SKILL: ACTIVATED]
Lumapit ako sa mga kalaban ko at walang habas silang sinugod. Nang masiyahan na ako, huminto ako at ibinalik ang espada ko. Nawala rin ang [Murus] spell. Bumalik na sa dating liwanag ang kalangitan. Pagkatapos ng pagkatulala nila ay ang pagbaba ng kanilang buhay sa 3% at nagtuloy-tuloy pa ito.
Hindi makapaniwala ang manunuod at mga nakanganga pa silang nakatingin saakin.Hindi ko sila pinansin at dumiretso na ako sa [Mordoe Breeding Station] kasama ang ilan sa mga kasama kong army. Kahit sinabi kong huwag na silang sumama, sumunod pa rin sila.
Pagdaan ko, nagsipag-iwasan ang ibang mga player para bigyan ako ng daan.
***
Nawala na ang pulang espada sa mga ulo ng mga kalaban ko at hindi pa rin sila makagalaw dahil sa takot. Napaupo sa sahig ang lider nila. Bumaba pa ang buhay niya hanggang sa naglaho siya sa laro. Nagkamali sila ngunit wala nang magawa pa para itama iyon. Halo-halong emosyon ang napapaloob sa kanila. Kaba, pagtataka at nangingibabaw ang takot. Ang alam lang nila, halos lahat sila ay natatakot, naguguluhan, at hindi makapaniwala sa nangyari. Natatakot silang makasalubong ako ulit, ang isang Solo Player na kaya silang talunin.
Ang ilan sa kanila ay naisipan ng mag-quit sa Guild na iyon at gumawa ng bagong account.
***
Level Up to Unlock the Next Chapter!
You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 14]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.
1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.
Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLD
Science Fiction𝐈𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 '𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘' |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| Sa paghahanap ng walang hanggang kasiyahan, isinugal ng mga manlalaro ang kanilang mga buhay. Sa mundong ECLIPSE SURVIVAL WORLD, hi...