K.OCIEL'S POV
Konti na lang ang mga player dito sa breeding station. Ilang tao lang ang may mga itlog na pwede pang palakin. Maghihintay ako ng 40 hours para makuha ang itlog na 'to.
Ano kaya ang kinakain ng dragon? Wala pa naman akong alam sa pagpapalaki ng ganito..Napabuntong-hininga ako dahil sa mga nangyari. Kahit hindi ko sila tingnan, alam kong natatakot sila sa akin ang ibang mga manlalaro.
Simpleng pagdaan ko lang, nanginginig na sila. Tiningnan ko ang ranking sa Pilipinas. Ako pala ang number one. Sinadya kong itago 'yun. Ayoko ng atensyon. Ang gusto ko lang ay matapos ang dalawang natitirang boss.
Umupo ako sa tabi ng itlog at nag-isip.
Ano kaya ang mangyayari pagkatapos? Matatapos na ba ang laro?
Hoy itlog, bilisan mo nang lumaki! Dalawang araw na lang pala ang hihintay ko. Excited na akong makita ka. Sigurado akong cute ka kapag lumaki ka na. Pagka-hatch mo, ako na ang magiging tatay mo sa laro. Okay lang kung mahina ka pa, protektahan kita.
Nagulat ako nang umilaw ang itlog. 10 seconds na lang pala ang hihintay ko!
"Hoy itlog, bilisan mo nang lumaki! Dalawang araw pa pala akong maglalaro para lang makita ko ang paglaki mo." Napangiti ako sa sinabi ko. Sigurado akong cute ka kapag lumaki ka na."Pagka-hatch mo, ako na ang magiging tatay mo sa laro. Ang owner mo." Natawa na lang ako sa aking sinabi at napailing-iling.
"Okay lang na mahina ka pa sa umpisa, nandito naman ako para protektahan ka. Alam ko ring darating ang panahon na lalakas ka pa." Ngumiti ako rito at hinimas ang mainit, makaliskis, magaspang, matigas, at kumikinang na egg shell nito.
Nagulat ako nang umilaw ang itlog. 10 seconds na lang pala ang hihintay ko!
10
9
8
7
6
5
4
3
2
---[WORLD ANNOUNCEMENT]
The first egg in the game has successfully hatchedWoahh. hatch na siya, ang bilis naman.
Kinuha ko ang inaantok na maliit na creature, saktong pagkabuhat ko sa kanya ay uminit ang aking kamay at nagkaroon ako ng tattoo sa braso.
Hmm. Para saan ang tattoo? Binaliwala ko na lang ang tattoo at pinanggigilan ang cute na creature na ito, kulay itim ito at malambot pa. Sinuri ko ang balat nito at halos katulad lang siya ng balat ng mga crocodile, kakaiba nga lang at maangas tingnan.
Kinuha ko na ito at umalis sa breeding station, buhat-buhat ko lamang ito at nakapatong pa ito sa braso kong may tattoo.
Siyempre tulog na naman ito. Naalala ko ang maliit na bag na pwede kong paglagyan ng dragon ko. Ang totoo lalagyan lang iyon ng water bottle pero dahil maliit pa ang Dragon pwede na naman siguro iyon dito. Inilagay ko ang baby dragon at inilabas ko ang ulo nito para makahinga.
Tiningnan ko ang oras sa totoong mundo. Ala-una na pala ng madaling araw. Mag-log out na ako. Nagtaka nga ako kasi parang nawawala iyong button ng [Log Out]. Nag-blink kasi. Naging matagumpay rin naman ang pagka-log out ko, tinanggal ko na ang headgear at natulog.
***
3RD PERSON'S POVNakatingin ang misteryosong matandang lalaki sa napakalaking screen. Sa bawat screen ay may nag b-blink na green. Nag-iindicate itong online pa sila at naglalaro.
Ngunit kahit marami ang player na naka-green (online), nakatingin lang ang matandang lalaki sa black screen at nagb-blink na red light. Na nag-iindicate na naka-log out ang player na ito.
Ngumisi ang matandang lalaki.
"Let's switch to Phase 2 of the game. With the first Dragon already active, it's time to change some parts of the game. Let's spice up the game a bit, shall we?"
Agad tumango ang isang hindi pa kilalang lalaki. Ang Grand Master o GM ng laro, sila iyong nag-aayos ng bugs, glitch at kung ano-ano pang maaaring sira sa laro, pero iba ang isang ito. Siya kasi ang nakatoka sa bawat virus ng laro.
"Forcibly log out the players that is online in the game . Sabihin muna sa Media na may maintenance lang ang larong ito." Sabi ng matandang lalaki at umalis na.
Agad ginawa ng GM ang sinabi ng Misteryosong lalaki.
Nagkaroon ng [GAME NOTIFICATION] sa lahat ng player, tatanggalin sila sa laro pagkatapos ng sampung segundo dahil sa isang maintenance.
Gulat naman ang naging reaksyon ng ibang player. Inis pa ang iba dahil kasalukuyan silang nagpapalevel-up ng biglaang forced log out ang nangyari.
Walang kaalam-alam ang ating bida sa nangyayari.
Nang makapag log out na ang lahat. Isinagawa na ng GM ang kanilang plano, mas pagagandahin pa nila ang laro. Mas magiging delikado, marahas, at naaayon sa plano.
***
SPECIAL SCENE"This is getting interesting. Do not disappoint me, Chosen One. I'll help you this one time." Sabi ng isa pang estrangherong lalaki.
Napukaw ang atensyon niya sa isang higanteng dragon na yumuyuko at sumasamba sa isang lalaking nakaupo sa isang gintong trono. "Maaari mo lamang balikan ang alay kapag lumaki na ito." Sabi ng estrangherong lalaki sa dambuhalang Dragon. "Mas lalo pang lalakas ang iyong anak kapag ibinigay natin siya sa taong iyon." Nanginginig ang Dragon. "Opo, Mahal na Haring Cormac. Susundin po namin kayo." Tugon nito. Tumango ang hari. "Maaari na kayong umalis." At parang bula, nawala ang dragon na kanyang kausap.
Tumayo si Haring Cormac at lumapit sa isang napakalaking pinto. Madali niyang binuksan ito kahit mukhang napakabigat.
"System, activate another contract for me." Sabi ni Cormac sa isip niya.
[System Notification]
Establishing contract. Please select one: Silver, Yellow, Blue, Red, or Black.
*An anomaly was detected in the contract*"Hmm?" Nagkaroon ng munting ekspresyon ang mukha ng estranghero.
"Detected a Golden Contract"
Golden Contract
Detail: The contract is currently unstable, it just passes through space and time. Please wait for the right time to use it.
Warning: Danger ahead if used immediately.Interesting. Ngumisi ang lalaking estranghero.
***
Level Up to Unlock the Next Chapter!
You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 15]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.
1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.
Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLD
Science Fiction𝐈𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 '𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘' |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| Sa paghahanap ng walang hanggang kasiyahan, isinugal ng mga manlalaro ang kanilang mga buhay. Sa mundong ECLIPSE SURVIVAL WORLD, hi...