SED'S POV
Balak ko na sanang sabihin kay K. Ociel ang magandang balita nang magkagulo sa Guild namin. Forced teleport ang nangyari kaya biglaan ang pag-teleport ko sa Guild House. Bilang kanang kamay ni Dark, sinabi niya sa akin ang plano.
"Gagawin natin ang sinabi ni K.Ociel sa pag-atake. Hindi tayo pwedeng manatili lang sa loob ng [Guild House], magmumukha tayong talunan." Paliwanag ni Dark na nagpakatango sa akin.
"Lalaban tayo." Pagkasabi ko noon, tumango siya.
"Hindi ka kasama." Napakunot-noo ako sa narinig. Wait, tama ba ang narinig ko?
"Hah?" Parang gulong-gulo ako. Bakit hindi ako kasama?
"Nakalimutan mo yatang ako ang [Guild Leader] at nakikita ko ang tinatago niyo. At sa paningin ko, dalawa ang HP na meron ka. At isa lang ang ibig sabihin niyon. You're pregnant." Hindi agad ako nakapagsalita pero kailangan kong sumama.
"Sasama ako." Pagmamatigas kong sabi.
"Hindi pwede. Paano kung mamatay ka roon? Isasakripisyo mo ba ang lahat para lamang sa battle na ito? Tsaka, ok lang, Sed, hindi rin naman sasama si Torry." Bakit ba ang kulit ni Dark?
"Dark, makinig ka sa akin. Gusto kong sumama." Pangungumbinsi ko Kay Dark, Guild Leader namin.
"No! Hindi mo ako pwedeng suwayin." Sagot nito sa akin. Umalis din siya agad pagkasabi nito sa akin na hindi siya pumapayag na sumama ako. Sh*t. Gusto kong protektahan ang baby ko pero mas gusto kong tumulong sa labanang ito.
***
K.OCIEL'S POV"Hindi ko pinasama ang asawa mo sa labanang ito, K. Ociel." Sabi ni Dark, na nagbigay sa akin ng isang nag-aalalang tingin. Mas mabuti na rin na hindi kasama si Sed dito. Sa ganitong labanan, mas mabuti na siyang malayo—hindi siya mapapahamak.
Nagsimula na ang mainit na labanan. Ito na ang sandali ng pagsubok para sa nangungunang [Guild] laban sa sama-samang [Guild] nila. Inuuna ko ang mga pinakamalalakas nilang miyembro dahil kapag ang mga kasamahan ko ang inuna nila, tiyak na magiging malubha ang pinsala sa [Dark Knight].
Binabantayan ko ang bawat miyembro ng [Dark Knight]. Nang makita kong tila hindi na kaya ni Enzo ang kalaban, agad kong tinulungan ITO, lalo na't may pangako ako sa kanya at sa kanyang kapatid na naiwan.
Ang aking army ay tumulong na rin, habang si Uno ay umatake sa mga player, at si Seal ay abala sa pagbibigay ng shield sa aming mga kasamahan. Si Vince, o Hawk, ay abala rin sa pagpapabagsak ng mga kalaban. Napansin ko ang ilang kalaban namin—mga PK Player na nagsanib-puwersa sa isang [Guild].
Inilabas ko na ang aking alas—ang [Sky Sword] at [Earth Sword]. Pero bago ko magamit, nakita ko si Dark na malapit nang mapatay ng isang Guild Member ng kalaban. Ang natirang malakas na kalaban ay si Violet at si Kiel, na wala sa lugar ngayon. Nagbato ako ng [Deadly Dagger] sa kalaban ni Dark, pero sinalag ito ng isa pang kalaban, dahilan kung bakit hindi ko napatay ang katapat ni Dark. Sa isang mabilis na sulyap, nakita ko si Dark na may tumutulong sa kanya—isang babae na nakatakip ang mukha, kaya hindi ko makita ang kanyang pagkakakilanlan at [Status].
"K.Ociel" Sabat ng aking Legendary White Cloak.
"Hindi mo talaga makikita ang [Status] niya kahit gaano ka pa kalakas. Masyadong malakas ang [Celestial Sword], lalo na't nag-transform ito sa [Obsidian Blade.]" Paliwanag nito. Napatango ako.
"Kalaban ba iyon?" Tanong ko.
"Hindi, ang totoo, kilalang kilala mo siya." Pagkasabi nito, nagpatuloy na ako sa laban.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLD
Fiksi Ilmiah𝐈𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 '𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘' |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| Sa paghahanap ng walang hanggang kasiyahan, isinugal ng mga manlalaro ang kanilang mga buhay. Sa mundong ECLIPSE SURVIVAL WORLD, hi...