SED'S POV
Ang tagal naman ni K.Ociel. Dapat kanina pa siya nakabalik. Saan kaya siya ngayon? Nag-aalala na ako. Paano kung napatay nga niya ang boss pero nasa panganib naman ang buhay niya?Paano kung pauwi na siya tapos makita siya ng mga PK players? Kawawa naman siya!Maluluha na ako. Namumutla na ako nang biglang nataranta ang mga NPC. Bakit? Anong nangyayari?
"Alam mo bang kapag ganyan ang reaksyon ng mga NPC, alam nilang nandito na ang kanilang Master." Sabi ng isang nakahud na lalaki na nakatingin sa sahig.Itinaas niya ang paningin niya at namutla ako nang makita ko siya.
Anong nangyari sa kanya?Tinignan ko ang status niya at nagulat ako dahil isang bar na lang ang HP niya. Paano nangyari iyon?Napatulala ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko."Tulungan mo po ako. Nanghihingi ako ng tulong. Nagpapakumbaba ako. Ipagpalit mo ako sa kanila, natatakot ako." Sabi niya habang hinahawakan ang hood niya at sinasabunutan ang sarili.
"Sinong sila?" Tanong ko. Humigpit ang yakap nito sa akin.
"Mga PK player. May mga nakita akong nakapasok na sa loob ng palasyong ito. Sila ang dahilan kung bakit isang bar na lang ang health ko. Nasa labas ako kanina bago ako i-teleport ni K.Ociel dito. Lalabas na sana ako dahil nahihiya akong manatili dito. Niligtas niya ang buhay natin tapos dito pa ako mananatili.Paglabas ko, may mga grupo ng mga player sa labas. Akala ko normal na player lang sila pero narinig ko ang usapan nila. Balak nilang patayin si K.Ociel. Hadlang daw ito sa mga plano nila. Nakita ako ng isa, tatakbo na sana ako pero nahuli nila ako. Huhuhu. Sinaktan nila ako, kinuha ang mga gamit ko. Ang pagkain, potions, pati ang armor ko na pinaghirapan ko." Umiiyak na sabi nito.
Naaawa ako sa kanya pero kahit ako alam ko sa sarili ko na wala akong magagawa. Pero nagtaka ako sa huli nitong sinabi."Paanong kinuha nila ang sarili mong gamit sa loob ng inventory?" gulat na tanong ko. Pwede lang iyon kung mag-asawa kayo, kagaya nung sa amin ni K.Ociel. Pwede akong kumuha ng kahit anong gamit kay K.Ociel pero dahil nahihiya ako, hindi ko na ginagawa. Isang halimbawa nito ay noong duon sa staff.
"Ah 'yun ba, may tinurok sila sa akin 'tas para akong kino-kontrol nito 'tas nakita ko na lang ang sarili kong inilalabas ang mga gamit ko. Kinuha na nila biglaan ang mga gamit ko." Naluluha pa ring sabi nito. Napatango-tango naman ako. Kung gayon delikado pala ang mga PK Player na iyon at lalo na't may kakayahan sila magnakaw na nang mga kagamitan.
"What's the meaning of this?" Malamig na tugon ng isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali, pamilyar ito. Napalingon ako rito at nanlaki ang mata ko sa aking nakita, hindi dahil sa alam kong nakita nito akong niyayakap ng ibang lalaki kundi dahil tama nga ako ng hinala.
Napaiwas ako ng tingin at umubo-ubo. Bakit ba wala na itong damit pantaas. Nakabalik na nga talaga si K.Ociel.
"Humihingi lang po ako ng tulong sa kanya, Great K.Ociel." Parang nahihiyang sagot nito.
'Great' pshh.
"Bakit?" Tanong ni K.Ociel at kinuwento na nga ng isa pang lalaki ang nangyari kanina lang din.
"Ok." Sagot ni K.Ociel at umalis na.
Wait! Yun lang iyon? Hindi na niya tutulungan?
"Sumunod kayo sa akin." Seryosong tugon nito, agad tumayo ang lalaki at humingi ng paumanhin sa pagkakayakap sa akin. Sinundan namin si K.Ociel at patungo kami sa isang kwarto, nung naglibot ako ay hindi lahat ng kwarto sa palasyo ay bukas. Kapag nakakasalubong namin ang ilang manlalaro at mga NPC ay napapatungo sila kay K.Ociel.
Tiningnan ko ang may pinakamataas na ranggo. Nagulat ako sa nakita, walang pangalan at antas ang nakita ko sa ranggo 1. Hindi kagaya ng dati, ngayon ay tagong-tago ito. Pagtinitingnan ko ang status ni K.Ociel, wala ring lumalabas kundi ang natatanging pangalan at titulo nito. Paano nangyari iyon?
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLD
Science Fiction𝐈𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 '𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘' |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| Sa paghahanap ng walang hanggang kasiyahan, isinugal ng mga manlalaro ang kanilang mga buhay. Sa mundong ECLIPSE SURVIVAL WORLD, hi...