K.OCIELS POV
Tumingin ako sa kalangitan. Habang nakikipaglaban kanina, may lumabas na [Game Notification] sa akin.
Lumaki na kasi ang pinakatatago kong panlaban. 'Yung puting liwanag na iyon na galing sa [Light Element] ay nagsilbing fireworks para sa mga army ko at para sa kanya, parang pantawag.Halatang nagtataka sa akin ang iba, lalo na kung bakit ko iyon ginawa.
Napatingin ako sa [Legendary Boss]. Sobrang lapit na nito sa barrier. Bakit ba kasi ang tagal ng army ko? Dahil sa dami ng kinalaban ko, halos nauubos ang [Mana] ko mula sa Milyon, habang ang [HP] ko ay buo pa.
Sumenyas ako sa isang player na huwag lumapit sa barrier. Nagtaka man ito, hindi na siya nagdalawang-isip at sinunod ako.
Lumayo ako at sumipol.Nagulat at nagtaka naman ang ilan sa ginawa ko, kailangan ko pa ring sumipol para matunton ng army ko kung nasaan kami. Nang sobrang lapit na ng Legendary Boss, isang tira lamang nito sa barrier ay agad nag-crack agad ito. Isang tira pa, sigurado akong masisira na ang barrier.
Ang mahal pa naman ng isang permit. Sayang ang perang ginastos ko kapag nagkataon.
Hinugot ko ang aking [Sky Sword]. Ito na lamang ang espada kong magagamit dahil nasa cooldown pa ang passive skill ng aking dual sword master at hindi ko pa nakuha ang [Earth Sword].
Naghanda ako sa posisyon. Kahit malayo, nakita ko ang isang lobo sa dulo ng battle area. Alam kong espesyal ito, kahit gaano kalayo.Matapos ang sunod na atake ng Legendary Boss, tuluyang nabasag ang barrier. Nagtakbuhan ang lahat dahil sa takot, ngunit nanatili akong nakatayo.Nakita ko silang tumalikod at huminto. Dahil sa pagsira ng barrier, nabuksan ang lugar sa lahat ng direksyon. Ang aking mga lumilipad na hukbo ay nasa pinakamataas na bahagi ng arena, habang ang mga lobo ko ay nakapalibot sa amin.At sa wakas, dumating na siya na aking hinihintay.
"Rarrrwwwww." Isang malakas na alulong ang umalingawngaw mula sa kalangitan, kaya napalingon ako kina Sed. Iniabot ko sa kanya ang teleportation na para sa [Guild] nila. Wala akong [Guild] pero ang dami kong nakukuha na iba't ibang teleportation stone dahil sa mga loot.Ang katumbas na presyo nito kapag bibili ka sa Merchant ay umaabot sa isang milyon.
Napalingon sa amin ang ilang player, at may isang binatilyo ang lumapit sa akin. "Iligtas mo kami ng mga kasamahan ko. Nagmamakaawa po ako, may pamilya po akong babalikan." Nagmamakaawang pahayag niya sa akin.Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad patungo sa [Legendary Boss]. Patuloy pa rin akong nakatingin sa langit.
Lumuhod ako gamit ang isang tuhod, hinawakan ko ang kalupaan. Naririnig ko pa ang tila mahinang pag-iyak nila.
"Paano na tayo niyan, bunso?" Naluluhang sabi ng binatilyong nagmamakaawa sa akin. Pumikit ako at may inactivate na spell.
"[Ianuae Magicae]"Pagkasabi ko noon, nagkaroon ng asul na liwanag sa kanilang mga tapakan, at lahat sila'y nasakupan ng liwanag na iyon. Tumayo ako at muling tinitigan ang lalaking nagmakaawa.
"Kahit anong mangyari, huwag kang magmakaawa para lamang mabuhay at makaiwas sa panganib. Lahat tayo'y may karapatang mabuhay." Makahulugang mungkahi ko.
"Pagkatapos ng labanang ito, aalis at magbabalik kayo sa inyong mga pinagmulan." Sabi ko sa kanila, bahala na kung hindi nila ako maintindihan.
Bago sila tuluyang mag-teleport, masusaksihan nila ang...
"My mighty dragon, heed my call and descend from the heavens! Join me in this fateful battle, and together, let us unleash our fury upon our foes!" Pagkasabi ko noon, agad na bumaba mula sa kalangitan ang aking Dragon. Upang makasakay ako sa kanyang likod, tinalon ko ang malaking bato na naroroon sa lupa.
Pagkatapos noon, tuluyan nang nag-teleport ang mga ibang natirang manlalaro, ako at ang aking hukbo na lamang ang naiwan.
Ngayon wala na akong iisipin pa, pwede kong ibigay lahat ng lakas ko sa labang ito.
***
Level Up to Unlock the Next Chapter!
You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 26]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.
1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.
Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLD
Ciencia Ficción𝐈𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 '𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘' |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| Sa paghahanap ng walang hanggang kasiyahan, isinugal ng mga manlalaro ang kanilang mga buhay. Sa mundong ECLIPSE SURVIVAL WORLD, hi...