CHAPTER 4 - The Mighty Black Cloak

2.7K 174 7
                                    

KEVIN'S POV

Lucky siguro talaga ako ngayong araw na 'to. Pagkatapos kong makuha yung 50,000 Bars at 25 Gold Ore, umilaw yung inbox ko at mapa pala yun ng Mordoe. Katulad siya ng mapa na nasa Bulletin Board ngunit mas maliit. 'Yong nasa Bulletin Board kasi pang-public, at least 'yong akin may sarili akong kopya tapos free pa.

Narinig ko kasi sa mga dumadaan na players sa paligid ko na mahal ang isang mapa na mabibili mo sa isang NPC. Tapos may pa-tasked naman ang ilang NPC at kasabay no'n, bibigyan ka niya ng mapa. Ngunit akalain mo iyon, nakuha ko lang 'yong akin ng libre? Hahahah!!! Muntik ko na ngang balikan 'yong Bulletin Board at halikan iyon sa tuwa ngunit siyempre hindi ko ginawa.

Ang weird nga eh 'yong ibang lugar nakikita mo pero 'yong west ang dilim, akala mo may bagyo do'n dahil ang itim pa ng langit sa mapa.

Hmm. [OPEN MAP]

Lumabas ang mapa ng [Mordoe] sa hologram, maaari ko lang sabihin ang [Open Map] kapag may mapa ka talaga, nabasa ko sa online website ng laro na 25.000 BARS ang kailangan para mabili ang mapa ng kung anong gusto mo na lugar. Mahal siya kung tutuusin pero malaki raw ang tulong sa'yo puwede kang mang-track ng player pero dapat friends mo, o kaya naman ay magpa-locate kung saan ka kunwari pupunta.

"Find the location of the bank. " Sabi ko. Mamaya gumalaw iyong mapa at nagkaroon ng footprints sa daan, susundan ko lamang iyon...

Natapos na rin sa wakas ang mute sa World Chat. Malaya na ulit magbigay ng impormasyon at saloobin ang mga manlalaro. Nagbasa ako ng kaunti roon na dapat pala hindi ko na lang ginawa. Nakakasakit nga ang mga sinasabi ng iba, pero nagiging dahilan naman ito para maging matatag tayo, hindi ba?

"Papansin"
"Noob"
"Attention Seeker"

Ang ilan sa mga nabasa ko pero binaliwala ko na lang, 'di naman ito importante  at lalong 'di naman totoo...

Sa oras na lumakas ako sa laro, gaganyanin pa kaya nila ako? 'Di ko na lang pinansin ang bumabagabag sa aking isipan at naglakad na patungo sa aking pupuntahan.

Hintayin niyo ako Dungeons, Caves... Magpapalakas ako.

Papagawa lang naman ako ng complete gold armor set. Pwede na rin naman siguro ako bumili ng iba pang kakailanganin ko sa paglalakbay.

Nung makarating sa blacksmith house, sumalubong sa akin ang lalaking naka-hood nagpapagawa din siya ng armor set. Leather Armor Set. Hindi naman niya ako pinansin kaya dumiretso na ako at sinabi ang nais ko at halata namang nagulat iyong blacksmith dahil gold armor set 'yun. Kailangan lang daw magbayad ng 10.000 BARS at gagawin na niya agad... Binayaran ko na rin naman agad, kaya nagsimula na siya.

Babalikan ko na lang at may bibilhin pa ako. Dumiretso ako sa katabing lugar, doon ay maraming nagbebenta ng damit, pagkain at mga gamit. Iyong iba ay mga manlalaro, iyong iba naman ay NPC's. 

A non-player character (NPC), also called a non-playable character, is a character in a game that is not controlled by a player. Mga karakter na kinokontrol ng gamemaster, referee, o madalas ay AI sa isang laro.

Nag-window shopping ako hanggang nahanap ko iyong 'The Mighty Black Cloak' siyempre agad ko itong binili. Bumili pa ako ng ilang kagamitan at unting pagkain, pagkatapos mabili lahat ng kailangan masaya't handa na ako sa aking lalakbayin.

Pwede na naman siguro akong maglibot-libot diba, agad akong umalis sa blacksmith house at tumingin-tingin sa paligid.

***

Level Up to Unlock the Next Chapter!

You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 4]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.

1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.

Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?

VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon