CHAPTER 35 - Mysterious Enemy

1.3K 94 5
                                    

K.OCIEL'S POV

Ang mga nakaraang araw ko ay ginugol ko sa pag-hunt ng boss at pagpapalakas. Hindi pa rin ako makapaniwala na Level 800 na ako at umabot na sa 10,000,000 ang [HP] at [MP] ko. Lumaki na rin ang army ko, at ang main castle ko ay parang isang buong bansa na.

Kaya ang machine gun ko ay parang isang upgrade na baril. Kahit Level 400 na boss, isang tama lang. Mayroon din akong planta ng nuclear bomb sa gitna. Hindi ko naman planong makipag-isa laban isa, pero naghahanda lang.

Wala na akong pinapapasok na ibang player sa main castle ko. Ang mini castle ko sa Southern Map ang pwede nilang puntahan. Ayoko kasing gayahin nila ang teritoryo ko. Mahirap na, pinaghirapan ko ito.

Lumalakas na rin ang ibang player. Iyong Top 10, hanggang sa Top 2, Level 400 na. Okay lang 'yon, wala naman siguro silang balak kalabanin ako. Isa pa, hindi rin naman nila ako matatalo.

Kapag tumitingin ako sa pinakamataas na parte ng palasyo ko, marami na akong nakikitang mga [Iridium Permit] na ginamit para sa mga [Guild House]. Ako lang ang gumamit ng [Iridium Permit] sa pagpapatayo ng bahay. Mahal kasi ito, lalo na ngayon. Buti na lang at naisip kong mang-recruit ng NPC Carpenter at ilagay siya sa palasyo ko para may makuha akong maraming [Iridium Permit].

Mayroon akong mga hiwalay na kwarto para sa mga armor, materials, pagkain, permit, at iba pa. Dahil sa dami ng mga sundalo ko, nahihirapan akong ilagay silang lahat sa isang lugar. Ang iba ay inilagay ko sa mini castle at sa labas ng main territory ko. Ang iba kasi sa kanila ay nagkakaanak na.

Speaking of anak, wala pa rin kami ni Sed. Hindi ko naman siya minamadali. Ang anak sa laro ay maaaring humiling ng kahit ano, maliban sa pag-log out ng laro. May isang player na nagtangkang humiling noon, pero hindi natupad.

Kailangan mong talunin ang pinakamakapangyarihang boss, ang Forbidden Boss. Hindi na kami madalas magkita ni Sed. Siya lang ang pwedeng pumasok at lumabas sa palasyo. Pag-uwi ko, wala pa siya. Pag-alis ko naman, nandito siya. Madalas kaming magkasalisihan.

Masyado kaming busy sa mga ginagawa namin. Si Sed, abala siya sa guild nila. Umabot na rin kasi ang Dark Knight ng 500 members, ang [HP] at [MP] nila ay nasa 6,000,000 na. Nakaka-proud na makita silang lumakas nang ganito dahil sa paghihirap Sed. Dahil nangunguna sila, maraming sumasali sa guild nila. At ako naman, nananatili pa rin akong Top 1 sa listahan ng pinakamalakas na player sa buong mundo. Marami ang nagtatanong kung ano na ang level ko. Dati, [Danger] ang aura ko, pero ngayon ay [Death] na.

Tinatanong din ako ni Sed dati kung ano na ang level ko. Ngumingiti na lang ako at sinabing "Hindi na mahalaga iyon." Nag-pout siya at binato ako ng spell gamit ang staff niya. Nagkunwari akong nasaktan, pero hindi naman talaga. Kung ibang player iyon, baka patay na.

Lumapit siya sa akin at nag-sorry. Niyakap niya ako at hinalikan sa mukha. Nakakamiss naman. Ang hirap kapag busy tayong dalawa. Siguro lulutuan ko siya. Marunong naman akong magluto. Surprise ko na lang sa kanya iyon. Sana magustuhan niya.

***
3RD PERSON'S POV

Saktong pag-accept ko sa Top 2 na pinakamalakas na player, naging number one ang guild namin. Sed. Makakabawi na rin ako sa iyo. Napatingin ako kay Sed. Kasal ka na pala, ano? Kay K.Ociel. Aagawin ko siya sa iyo. Lalo na at wala kang oras para kanya dahil lulong kayo sa pagtanggap ng mga mahihinang manlalaro sa laro.

Wala ka talagang kwenta, Lesedi Tazana Lewis. Sisiguraduhin kong mahuhulog sa akin ang asawa mo at mababaliw sa pagkatao ko.

***

Level Up to Unlock the Next Chapter!

You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 35]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.

1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.

Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?

VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon