K.OCIEL'S POV
May bago nang Top 3. Habang iyong Saver ay Top 5 na. Maraming nagbabakasakaling makapasok sa Top 1, pero kahit wala akong ginagawa, patuloy na tumataas lamang ang Level ko. Habang may napapatay ang Army kong mga kalaban, nakikinabang din ako sa shared experience.
Hindi ko muna pinapansin si Sed. Lagi kasing dumidikit si Kiel sa asawa ko kaya delikado na. Magpapalamig muna ako at kapag may pagkakataon, kakausapin ko na si Sed. Sigurado akong maiinis siya sa balak kong gawin, pero kailangan kong mag-sakripisyo para sa kanya. Okay lang na ako ang mahirapan, basta huwag lang siya.
Lumapit ang babaeng ayaw kong makita.
"Bakit ba hindi kita maunahan sa level. Cheater ka siguro." Galit na sabi nito saakin...
"Masyado kasi akong malakas para maunahan lang ng isang kagaya mo." Ayaw ko sanang magmayabang pero naiinis na ako sa babaeng 'to. Hindi ko lang maturuan ng leksyon kasi balak nito at ng kanilang [Guild] balikan si Sed at ang [Dark Knight Guild].
Hindi ako takot sa babaeng ito pero bakit pagdating kay Sed, natatakot ako. Bakit ba pagdating kay Sed natitiklop iyong lakas ko. May saltik kasi itong babaeng nagngangalang Kiel kaya kailangan kong ingatan si Sed.
Iniwan ko na si Kiel doon at muling tiningnan ang [Status] ko...
NAME: K.OCIEL
EXPERTIES: SENIOR
LEVEL: 1,500
CHARACTER: ASSASSIN
SPOUSE: SED
WEAPONS:
• SKY SWORD
• EARTH SWORD
• DEADLY DAGGER
ARMOR:
IRIDIUM ARMOR
OBSIDIAN ARMORTITLE:
• THE SNOB ASSASSIN
• MASTER OF THE WEST
• DRAGON MASTER (FIRE)HP: 14,000,000 (1,000,000)
MP: 9,000,000 (1,000,000)
AGI: 8,000,000
HIT: 8,000,000
CRIT: 5,000,000
DODGE: 5,000,000
BLOCK: 5,000,000
PDEF: 3,000,000
MDEF: 3,000,000
END: 2,000,000EXP: 12,999,999
ARMY:
5000 WOLVES
5000 [DORMOEDIL(s)]
1050 [VELODILLE(s)]
1050 TIGERS
1000 [LIONDELS]
1000 [COBRANOES]
1000 [SHARKEONS]ELEMENTS:
• LIGHT HOLDER
• FIRE HOLDER
• ICE
• EARTHSKILLS:
DUAL SWORD MASTER LV.100 [100%]
FAST AS FLASH DAGGER LV.100 [100%]
THE LIGHT HOLDER LV.100[100%]
MASTER OF THE DAGGER LV.100[100%]
LIGHTNING BALL LV.100[100%]
BLESSINGS LV.100 [100%]
LIGHTNING LV.90 [90%]
ESCAPING LV.90 [90%]
CURSED LV.90 [90%]
ASSASSIN'S WAY LV.100[100%][OPTIONS]
[HIDE STATUS: DEMI GOD]POPULARITY
+5,000,000
CHARISMA
+5,000,000ABOUT: K.Ociel was blessed by the previous king of Mithraine, the holder of the light element. The title of the 'Great K.Ociel' is well-deserved for this renowned assassin and master of the west. He is also the wielder of the fire element.
Ang Obsidian Armor ko ay bago lang, nakuha ko ng makapatay ako ng isang Boss. Sobrang lakas kaya itinatago ko muna. Sino kaya ang nakakuha ng dalawa pa?
Napabuntong-hininga ako at balak na nga talagang kausapin si Sed nang makita ko siya. Parang may nagbago sa kanya. Nawala iyong [Status] niya. Buti na lang nangunguna ako sa Rank kaya nakikita ko iyong mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong player. Ang bilis niyang mag-level up ah. Level 500 na agad siya. Siya na rin ang Top 3 sa [Individual Rankings] ng mga manlalaro.
Ngumiti siya ng makita ako at niyakap niya ako ng mahigpit. "Kailan kaya tayo magkakaanak?" Tanong niya. Sinigurado kong tama ang ginawa ko pero ang tagal naman. Gusto ko sanang magkaroon ng anak babae na kamukha niya at kasingganda niya rin.
Tiningnan ko lang siya ng malamig. Sorry, Sed, hindi pa pwede, lalo na't nakikita kong tinitingnan tayo ni Kiel mula sa malayo.
Nang makita niyang hindi ko siya niyakap pabalik, bumitaw siya.
"Sorry." Hindi, yakapin mo pa ako. Namimiss ko na nga yakap mo, 'yung mahigpit at malambing mong yakap.
Lumayo ako sa kanya ng dahan-dahan, na nagbigay-daan sa akin upang makita ang sakit na bumalatay sa kanyang mga mata. "Humihingi ako ng tawad, Sed. Patawarin mo ako." Ngunit hindi ko ito sinabi, nanatili lamang akong nakatitig kay Sed.
Nalaman kong kahit gaano pa ako kayaman at makapangyarihan sa laro, may mga hangganan pa ring hindi ko kayang lampasan dahil sa huli, ako'y tao lamang at hindi perpekto. May mga kahinaan ako, mga taong mahalaga para sa akin na alam ko walang puwang ang kamalian.
Muling ngumiti si Sed, subalit ang kanyang ngiti ay nagtataglay ng lungkot, niyaya niya akong kumain.
"Tara kain tayo, may nalaman akong masarap na kainan diyan sa tabi-tabi" Aya niya, pero umiling lang ako.
"Busog ako, ikaw na lang." Malamig na tugon ko. Kahit gusto kong makasama ka kahit saan, hindi pwede! Kailangan kitang protektahan.
Aalis na sana ako para lumayo dahil hindi ko na talaga kaya. May anong masakit sa parte ng puso ko, patawarin mo ako Sed. Nais kong malaman mo na kahit anong mangyari ikaw ang uunahin ko.
Malayo-layo na ako kay Sed ng lumapit si Kiel, nakangiti ito. Ngunit ramdam ko ang bawat titig ni Sed sa amin.
"K.Ociel, bakit natutuwa ako sa nakikita ko? Bakit parang ang sarap niyong tingnan sa mata. Malapit na ba kayong maghiwalay? Basta pagnaghiwalay kayo 'wag kang magdadalawang-isip na ako ang piliin mo." Sinamaan ko ng tingin si Kiel. Kapag nakahanap na ako ng tiyempo handa akong maging PK player, mapatay lang kita.
Natakot si Kiel sa mga titig ko pero kalaunan ngumiti ng peke at umalis din agad. Natatakot ka habang wala pa akong ginagawa? Ano pa kapag ako na mismo ang gumalaw at gumawa nang paraan. Nalalapit na ang pinakahihintay kong araw, malapit ko na rin maisagawa ang plano.
***
Level Up to Unlock the Next Chapter!
You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 44]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.
1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.
Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLD
Science Fiction𝐈𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 '𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘' |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| Sa paghahanap ng walang hanggang kasiyahan, isinugal ng mga manlalaro ang kanilang mga buhay. Sa mundong ECLIPSE SURVIVAL WORLD, hi...