CHAPTER 31 - Here Comes The Savior

1.6K 112 0
                                    

K.OCIEL'S POV

Nandito ako ngayon sa [Eastern Mordoe] at ang dami kong nakakasalamuhang player. May mga bumabati, may mga busy sa kanya-kanyang gawain. 'Yung iba nga, mga foreigner pa, kinakausap ako sa ibang lengguwahe. Hindi ko rin naman maintindihan kaya tumatango na lang ako.

Ang kulit lang kasi, parang sasabog na ang utak ko kapag nag-usap pa kami. Kaya iniwan ko na sila at itinuloy ang paghahanap ng [Blacksmith NPC]. Gusto ko kasi ng isang magaling na blacksmith na gagawa ng mga high-quality armor para sa akin. Balak ko siyang ilipat sa palasyo ko para maging personal armorer ko.

Hahahanap din ako ng carpenter at cook. May naalala akong nagpatayo ako ng carpenter's house at restaurant sa palasyo, pero ako lang yata ang kumakain doon. Tsaka gusto kong bigyan ng magandang [Guild House] si Sed. Hindi ko naman 'to ginagawa para lang ma-please si Sed, promise! Gusto ko lang talaga siyang pasayahin.

Dito sa [Eastern Mordoe], hindi naman mawawalan ng carpenter at cook kasi nagre-respawn naman sila araw-araw. Tiningnan ko 'yung binili kong [Iridium Permit]. Pwede ko na kayang ako na lang ang magtayo at mag-disenyo?

Napansin kong pinagtitinginan ako ng ibang players. Siguro iniisip nila kung ano ang plano kong gawin dito sa East, lalo na't sa lugar na nasira ng [Guild House] ng Dark Knight pa talaga ako magtatayo. Puwede rin namang curious lang sila kung paano gamitin 'tong Iridium Permit?

Huminga ako nang malalim at binasa nang mabuti ang nakasulat sa permit. Sinadya kong ipalagay ang pangalan ni Dark, ang leader nila, sa permit. Wala naman akong balak na angkinin 'to. Pagkatapos kong basahin, may foundation na agad na lumitaw sa sahig. Umatras ako ng kaunti dahil doon lalabas ang mga buffs. Sa loob, dinisenyo ko itong gaya ng dating [Guild House] nila, pero mas malaki at mas maganda dahil nga sa [Iridium Permit]. Kinopya ko rin ang flag nila at nilagay sa taas ng guild house. Ang galing ko talaga!

Pagpasok ko, may mga gamit na. Naglagay ako ng mga supply ng pagkain sa lahat ng puwedeng paglagayan. Dati, anim lang ang kasya sa guild nila, pero ngayon, 200 na. Sana maging mas malakas ang bawat player at ang buong [Guild].

Napangiti ako. Marami pa akong dapat gawin pagbalik ko sa [Eastern Mordoe]. Baka hindi na kami magkita ni Sed. Ginagawa ko ang lahat para mapasaya lang siya. Siya ang asawa ko, eh. Totoo nga siguro ang kasabihan na 'A happy wife means a happy life.' Naalala ko sina Dad at Mom. Kamusta na kaya sila? Miss na kaya nila ako? Sana ayos lang sila at 'wag silang magpapagod masyado sa trabaho.

Gusto kong lumabas na ng larong ito para makabalik na sa pamilya ko at sa totoong mundo.

Umalis na ako sa [Guild House] nila at sumakay ulit sa barko. Nakabili na rin naman ang mga player mula sa West, kaya oras na para gawin ang trabaho ko. Nagulat ako nang may biglang sumulpot na lalaki. Nagsasalita siya ng ibang wika at halatang malungkot, naluluha, at hindi mapakali.

"Inaral ko ng unti ang Language ninyo." Nauutal niyang sabi. "Ako'y Japanese. Tulungan mo kami." Halos lumuha na siya.

Mamaya pagkabukas ko sa [World Chat] nagulat ako sa nasaksihan.

"K.Ociel, please help us! PK players have been attacking us lately." LV.65 random player (1)
"K.Ociel, please help us! Some of us are being killed." LV.70 random player (2)
"You're the only one strong enough to stop them. Please help us, K.Ociel." LV.80 random player (3)
"Help! I've been hiding here in the East. Someone please help me." LV.55 random player (4)

Nagulat ako nang mabasa ko iyon. Ang balita tungkol sa East ay bago pa lang, kaya agad na natabunan ang ibang mga chat. Maraming nagtatanong kung nasaan siya iyon.

Agad akong nagpadala ng friend request sa kanya at nag-chat sa [World Chat].

"Where are you?" [K.Ociel|LV. ???]

Natahimik bigla ang buong chat. Aba't isinawalang-bahala lang ako!

"Wow, bakit walang level?"
"Si Idol nag-chat!"

Nakipagtigan ako sa lalaking nasa harap ko. Mahina lang ang boses niya tila bumubulong, "I'm right here." Napatitig ako sa kanya. Tumulo ang mga luha sa kanyang mukha, ngunit may kumikinang na pag-asa sa kanyang mga mata. Nang magtagpo ang aming mga tingin, naramdaman ko ang isang malalim na koneksyon. Ang manlalarong ito ay may malaking tiwala sa akin.

***

Level Up to Unlock the Next Chapter!

You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 31]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.

1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.

Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?

VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon