CHAPTER 21 - Overpower K.Ociel

1.8K 138 3
                                    

K.OCIEL'S POV

Napako ang aking paningin sa mga barkong nakadaong. Tama kayo ng basa, tapos na ang mga ipinagawa kong barko. 

Lima ang mga battleships at lima ang mga pang-gala-gala lamang. Dambuhala ang bawat barko. Nagpasok na ako ng mga produkto mula sa [Western Mordoe] at dadaong ito sa bawat daungan.Mga loyal na NPC ang mamamahala rito. Sila ang mga NPC na pinadala ko upang maglako ng aking mga paninda.Malawak ang espasyo sa loob at mataas ang mga barko kaya tiyak na makakapasok ang mga manlalaro sa barko kapag may bibilhin sila. 

Gumawa rin ako ng iba't ibang uri ng armor, nagluto ng iba't ibang pagkaing maaaring ibenta sa kanila. Mayroon akong mga potion, maging [MP] o [HP] potion. Pati na rin ang mga hilaw na materyales ay ipinagbibili ko na.At sa bawat barko, naglagay ako ng tig-iisang uri ng isa sa aking mga hukbo upang kapag may nagtangkang mang-agaw o ano pa man, iisipin mo pa lamang, patay ka na.Marami pa akong balak ibenta ngunit sila na ang bahala roon. Sa ngayon, ang plano ko ay sasakay ako sa isang barko at tutungo sa silangan dahil isasagawa ko na ang aking plano: ang patayin ang boss.

***
SED'S POV

Nakahiga lamang ako rito sa aking higaan sa Guild House. Hindi natuloy ang aming pagpunta sa [Western Mordoe] dahil nga sa kulang kami sa pagkain. Ano ba naman 'yan!Ang layo naman kasi ng Silangan sa Kanluran. Bakit ba kasi sa dami ng tinitirhan ni K.Ociel, doon pa sa malayo?Usap-usapan na rin na wala pang nakakapatay ng Boss kahit isa.

Prooottt-prooottt
Prooottt-prooottt
Prooottt-prooottt
(bulok na sfx ahahhaa) 

Natigil ang aking pag-iisip nang makarinig ako ng sunod-sunod na tunog ng... Wait, ano nga ba iyon?

Lumabas ako at namangha sa aking nakita... Isang sobrang laking barko. At naka-curve sa harap at sa gilid nito ang 'K.Ociel Great Masterpiece' habang sa likod ay 'Imperium'

Ang angas! 'Yan siguro ang pinagkakaabalahan niya. Ngunit mas nagulat ako ng biglang tumigil ang malaking barko at ibinaba nila ang mga [NPC] ang sobrang haba at laking hagdanan.

Nagpagulong din sila ng mahabang red carpet. May naaninag akong lalaking bumababa at kinagulat ako sa aking mga nasaksihan.

Nagtayo ang mga NPC ng isang sobrang laking postcard at nakalagay dito ang "BUY, TRADE, SELL".

Pagkababa ni K.Ociel, siyempre pinagtitinginan siya. Sinuri ko siya at nakita kong naka-Iridium Armor na siya, at iyon ang pinakamalakas na armor set na maisusuot sa laro.Nagdiretso lang siya at biglang nawala sa paningin naming lahat. Iiwan lang niya dito ang malaki niyang barko?... May mga nakita na akong umaakyat sa barko kaya umakyat na rin ako...


Pagkatungtong ko, nagulat na nagulat ako dahil halos lahat ng kailangan mo ay nandito, binebenta. Sa sobrang laki nga ng barko, nagkaroon na ng section ang loob. Akala mo nasa isang merkado, ngunit barko ang pinagtayuan nito. May [Trading Section], [Buying Section], at [Selling Section].Pagtingin ko sa mga presyo, ang mura! Sinuri ko ang makukuha mo sa bawat pagkain at halos lahat ay nakakapagpuno ng isang buong food bar.

Grabe!

[WORLD NOTIF]
A LVL. 90 BOSS HAS BEEN SLAYED BY A SOLO PLAYER

[WORLD NOTIF]
A LVL. 95 BOSS HAS BEEN SLAYED BY A SOLO PLAYER

[WORLD NOTIF]
A LVL.100 BOSS HAS BEEN SLAYED BY A SOLO PLAYER

[WORLD NOTIF]
A LVL. 110 BOSS HAS BEEN SLAYED BY A SOLO PLAYER

[WORLD NOTIF]
A LVL. 120 BOSS HAS BEEN SLAYED BY A SOLO PLAYER

Ang lakas naman nun! Lahat kami ay nagulat. Saktong pagkatapos ng notification ay ang biglang pagsulpot ng isang lalaking puno ng dugo ng Boss na napatay niya.At siya si K.Ociel! Nakakabilib! Paano niya nagawa iyon?Lumibot ang kanyang mga mata sa amin at saktong tumigil sa akin. Lumapit ito sa akin at sinabing, "Ikaw, sumama ka sa akin." Seryosong sabi nito sa akin.

***

Level Up to Unlock the Next Chapter!

You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 21]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.

1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.

Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?

VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon