-----------------------------------------------------------------------------
Rosalie’s POV
“Sorry miss but we have to do this”
Yan ang bumungad sa akin pagka-uwi ko.
Bakit?
Bakit nangyayari to? Paano na ako? Saan na ako titira?
“S-sir, teka bakit nyio kinukuha yung mga gamit?”
“Ehh miss utos lang kasi sa akin ‘to. Eto po yung order” may inabot siya sa aking papel.
Agad kong kinuha at binasa.
....... due to insufficient funds, other equities ang liquidating assets, thereby order of the court to pay the left amount of the loan to Sharks Inc.by the use of thee. The insolvency of the such were not excused, and so as to settle the account........
“Sir, nagkakamali kayo. Bayad na lahat ng accounts ng Papa ko. Settled na po lahat” naiiyak kong sabi kay manong.
“Wala akong magagawa miss. Utos lang po sa amin eh.”
“Anu pa po ang dapat kong gawin para makuha ulet ang natitirang property na ito?”
“Miss, idaan niyo na lang po sa korte. Humanap kayo ng abogado.”
“H-ha abogado? P-pero wala na kasi akong pera pang hire ng abogado” umiiyak na talaga ako.
“Sorry po miss” yun na lang sabi nung manong.
“Dalian niyo na dyan. Bilis bilisan niyo pagkilos !” utos nung lalake sa mga tauhan niya.
Umiyak na lang ako sa gilid.
Nakita ko na buhat buhat nila yung grand piano.
“HUWAG !!! HUWAG IYAN PLEASE “ humarang ako dun sa nagbubuhat sa piano.
“Tumabi ka nga dyan. Kita mong nagmamadali kami ehh”
“Please manong wag ‘tong piano” hinawakan ko yung piano at pilit na tinutulak.
“Anak ng! Sabi ng tumabi ka ehh”
Tinulak ako ng isang lalake. Dahilan upang mapaupo ako sa gilid.
Umiyak lang ako dun habang nakayuko.
“Okay na miss. Alis na kami. By tomorrow daw po umalis na kayo dito sa bahay”
Inangat ko ulo ko. Tumayo at sinabay ang pagpunas ng aking luha.
“H-ha? Teka bakit pati bahay?? Pinama sa akin to ! wala silang karapatang kunin ito!”
“Ehh miss hindi ko po alam ehh. Basta dapat bukas wala na kayo dito”
“Sir please. Please ! wag pati bahay” hinawakan ko ang braso ni manong
“Miss bitawan niyo ako. Basta bukas dapat wala kana.”
“S-sir naman. Kahit isang linggong palugit po ibigay niyo sa akin. maghahanap lang po ako ng tutuluyan”
“Hinde pwede miss eh”
“Sige na sir. Please. Maawa naman kayo sa akin” patuloy ang pag-agos ng luha ko. Hinigpitan ko yung paghawak sa braso niya para hindi siya makalayo.
BINABASA MO ANG
Complete Happiness
RomanceIsang babaeng nabuhay sa kalungkutan si Rosalie simula nung namatay ang kanyang mga magulang. Tila nagunaw ang mundo niya dahil nawala ang dalawang taong pinakaimportante sa kanya. Paano na siya mabubuhay? Kaso isang araw, magugulat na lang siya na...