Sean’s POV
ANO BAYAN !!
@#$%^&* !! ang sarap manuntok ng tao. Anong ginawa ni Jason sa kamay ni Rosalie !!
Hindi man lang sinagot ni Rosalie kung napano yung kamay niyang may benda. Tapos napaso pa kamay niya.
Sinabi ko ba kasing ipagtimpla niya ako ! aish. Naman ohh !! naiinis ako ! naiinis ako kasi hindi ko na siya na-aalagaan.
Ayan nanaman yung sinabi ni Gian kagabi.
Flashback
“Ano Sean natauhan kana ba sa suntok ko?” nang-asar pa ‘tong si Gian.
“Alam mo pare, kung hindi ka kikilos ngayon mauunahan ka. Kung mautak ka, lagi mong tandaan na mas mautak yung taong nasa paligid mo”
“Pake ko?” tss. pinagsasabi niya.
Tinapik ako ni Mathew sa balikat. “Pare kung hindi ka pa aamin ngayon, baka maawala ng tuluyan sayo si Rosalie”
Tinabig ko yung kamay niya. “Pinagsasabi niyo ha !”
“Bahala ka nga sa buhay mo. Tanga mo na lang kapag naunahan ka ni Jason!” laki ng problema ni Matteo. Porket nasuntok ko lang.
End of Flashback
Ano bang gusto nilang palabasin? Si Rosalie nga hindi agad umuwi ehh. Sumama pa siya kay Jason. Tss.
NAKAKAINIS !! badtrip na ako.
Tapos nginingitian lang ako nitong babaeng ‘to. Pagkatapos ko kumain kanina, halos hindi nga ako nakakain kasi bigla na lang sumigaw si Rosalie, umalis ako agad. Hindi ko man lang nakain ng maayos yung luto niya. Tapos si Sam, parang baliw na bata, iparinig daw ba na masarap luto ni Rosalie. Tss, badtrip hindi ko natikaman.
Pinuntahan ko yung traydor na yun.
inagaw na niya si Jessica tapos ngayon pati si Rosalie kukunin niya.
Namukaan nila agad yung kotse ko kaya pinapasok nila ako. Pagkababa ko, sinalubong agad ako ni Jason.
“Nabisita ka pinsan? Anong---------
Sinuntok ko na agad siya. Hindi na ako nakapgpigil ehh.
“Anong ginagawa mong hayup ka!”
Tumayo siya saka pinunasan yung labi niyang may dugo.
“Hindi kana nagbago. Ang aga-aga init na kaagad ng ulo mo. Dapat naimpluwensiyahan ka ng asawa mong mabait ehh”
Nagpintig tenga ko sa sinabi niya. Hinablot ko siya sa kwelyo. “Anong sabi mo. Ulitin mo yang sinabi mo kung ayaw mong masuntok ulet”
Kaso ngumiti lang siya. Mas lalo akong nainis.
“Hindi mo ba alam na sa kwarto ko siya natulog? Tss. kawawa naman. pinapaiyak mo lang-----
Sinuntok ko pa ulet siya. Ako? Pinaiyak si Rosalie?
“Sir. Sir. Tama na po yan!” inaawat na ako nung gaurd nila.
“Anong ginawa mo sa asawa ko gag* ka !”
“Wala ka bang tiwala sa asawa mong mabait? Tss. hindi kayo bagay!”
“Aba’t gag* ka ...... bitiwan niyo nga ako!” potek hindi ako makasuntok. Hawak hawak nila yung braso ko.
“Tapos sinugatan mo pa yung kamay niya ! bakit ko babawiin ang sinabi kong totoo naman. paalisin niyo na siya Manong bert”
“HOY !! ANONG PINAGSASABI MO HA !!”
Tuluyan na siyang nakapasok ng bahay.
“AISH !! bitawan niyo na nga ako !!” agad din naman nila akong binitawan.
Sumakay na ako ng kotse saka bumalik ng bahay.
Anong pinagsasabi niya? Sinugatan ko daw kamay niya? Tang’na. Sinong hindi magagalit doon ha ! tapos pinaiyak ko pa daw siya. Saka ano pa yung isa..... SA KWARTO SIYA NI JASON NATULOG?
Para akong binuhusan ng yelo sa narinig kong yun.
May nangyari kaya sakanila? Aish. Hindi ko nga siya magalaw galaw kasi.. BASTA !! ang laki ng respeto ko sa asawa ko tapos magpapagamit lang siya sa iba. At sa pinsan ko pa!
Tiwala? Parang nawala yung tiwala ko sakanya.
Aish. Bakit kasi sumama pa yang si Rosalie kay Jason ehh.
Nakarating na agad ako sa bahay dahil sa mabilis kong pagpapatakbo.
“Asan si Rosalie?!” sigaw ko dun sa katulong. Naiinis na ako. Potek.
“Nasa sala po”
Naglakad na ako papuntang sala.
“AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH !”
O_O ano yun? Si Rosalie yun ahh. Tumakbo na ako.
Shit. Si Rosalie ........
Boosgh
Ang sakit sa braso! masyadong malakas yung impact. Buti na lang nasalo ko siya.
Nakapikit lang siya.
“Araay !” ako nga ang nasaktan eh.
“Okay ka lang ba Rosalie? HOY KINAKAUSAP KITA !!”
Pagkatingin ko sa paligid, halos lahat sila andito. Sino ba naman hindi maalarma sa sigaw niya.
“Miss Rosalie? Okay lang po ba kayo?!”
“O-okay lang ako”
Potek ! buti na lang nasalo ko siya.
Kinabahan ako dun.
“Ano ba kasing ginagawa mo ha!”
“Eh naglilinis ako ng bintana. Akala ko mamatay na ako. phew”
Akala ko rin. Nyemas.
“Thank you Sean” bigla na lang ako yakapin. Aray. Nahihirapan akong buhatin siya.
“ANO BA KASING GINAGAWA MO HA!”
Pinatayo ko na siya. Nakayuko lang siya. “Bakit kasi naglilinis ka! Ehh kung wala ako para saluhin ka! Edi nabalian ka na ng buto !”
Niyakap nanamn niya ako.
>///< shit. Ayoko ng niyayakap ako ehh. Nawawala galit ko.
“wag kanang sumigaw. At least nasalo mo ako. Thank you Sean. Lagi mo na lang ako nililigtas”
Aish !! potek. Bumibilis tibok ng puso ko.
Nakakabakla ampotek.
Dahil ayoko magsalita. Niyakap ko lang din siya.
“Promise po boss hindi ko na uulitin. Hehehe. Ang galing ng superman ko.”
Huh? Tsss. Ang corny naman nung superman.
Mas lalo niyang hinigpitan pagkakayakap sa akin. tinago ko na lang yung mukha ko sa leeg niya. POTEK ! namumula ata mukha ko. -_-
BINABASA MO ANG
Complete Happiness
RomansaIsang babaeng nabuhay sa kalungkutan si Rosalie simula nung namatay ang kanyang mga magulang. Tila nagunaw ang mundo niya dahil nawala ang dalawang taong pinakaimportante sa kanya. Paano na siya mabubuhay? Kaso isang araw, magugulat na lang siya na...