“Drew looks at me / I fake a smile so he won’t see / I want and I’m needing / everything we should be / I bet she’s beautiful / that girl he talks about / she’s got everything that I have to live without”
Buti na lang may pakinabang ‘tong phone na ‘to. Dami kong nilagay ng favorite songs ko. Yung pwede kong sabayan sa pagkanta.
Nakakatangal ng sakit na nararamdaman ko ngayon ang pagkanta.
Noong bata kasi ako, kapag nadapa ako tapos may sugat, kinakantahan ako ni Mama. Si Papa naman taga ihip ng sugat ko. Tapos bigla niya kami kikilitiin ni Mama. Ayun, tatawa na lang kami bigla.
“Mama! Mama!” may narinig akong bata sa likod ko kaya tumingin ako sa kanya.
“Mama... “ umiiyak lang siya dun.
Lalapitan ko sana siya kaso may dumating na babae at lumapit sa kanya.
“Princess, tahan na. Anong masakit?” punong puno ng pag-aalala yung Nanay sa anak niya. Hinahaplos niya yung buhok ng bata saka pinupunasan yung mga luha nito.
“My hand Mama.. it hurts” umiiyak lang yung bata nung pinakita niya sa Mama niya yung kamay niyang nadumihan
“Don’t cry baby. I’m here na”
Nakita ko na hinalikan ng Mama niya yung sugat ng kamay niya saka siya niyakap tapos binuhat. Naglakad sila palayo.
Ang saya ng ganung feeling.. gusto ko ulit maramdaman yun. Kaso imposible. Wala na sila. Mag-isa na lang ako.
Mama.. Papa.. Miss ko na kayo ng sobrang sobra. Pa-hug naman ohh.
Inimagine ko sila na nasa harap ko sila. Binuka ko yung braso ko saka niyakap ang hangin.
Miss ko na kayo.
Ayoko na pong mag-isa.
Hindi ko ata kayang maging masaya kapag wala kayo.
Sana ako na lang ulit yung bata kanina.
Naramdaman ko na may pumatak na tubig sa pisngi ko. Tumingala ako para makita ang langit kaso sinalubong ako ng sikat ng araw. Saan nang-galing ‘tong tubig?
“Angelito, umiiyak ka ba?” narinig ko yung boses ni Sean sa tabi ko. Hindi ko napansin nasa tabi ko na siya. Tumingin ako sa kanya na parang nagtatanong.
“Huh?”
Hindi ko naintindihan yung sinabi niya.
“Ang sabi ko, bakit ka umiiyak?”
Ako umiiyak? Hinawakan ko yung pisngi ko at nakitang may mga luha nga.
Umiyak nanaman ako? Lagi na lang ba akong iiyak?
Pinunasan ko agad yung luha sa pisngi ko bago ako humarap sakanya.
“Eyedrops lang ‘to. Nakita ko kasi sa gamit ni Sam eh” ngumiti ako sakanya para hindi na siya magtanong pa. “Teka.. tapos na ba kayo dun? Si Sam?”
Tama nga ako, hindi na niya ako pinansin “Oo tapos na. Tara na” tumango lang ako. Nauna na siyang sumakay ng kotse.
Bakit parang ang cold niya sa akin? parang kanina lang ayos kami ahh. Dahil ba sa una akong umalis kanina? Dahil ba hindi ko sila hinintay?
“Ate Aly! Sakay na tayo”
“Ayy baliw” nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Sam sa kamay at hinila papasok ng kotse pero mas nagulat ako ng makita ko si Jessica nakasunod sa amin.
BINABASA MO ANG
Complete Happiness
RomanceIsang babaeng nabuhay sa kalungkutan si Rosalie simula nung namatay ang kanyang mga magulang. Tila nagunaw ang mundo niya dahil nawala ang dalawang taong pinakaimportante sa kanya. Paano na siya mabubuhay? Kaso isang araw, magugulat na lang siya na...