“I won’t eat that....... trash”
“I won’t eat that....... trash”
“I won’t eat that....... trash”
“I won’t eat that....... trash”
inaamin ko masakit yung mga binitawan niyang salita. Sabi ko na nga ba hindi ako gusto nito.
Naramdaman ko hinawakan ni Sean yung kamay ko sa ilalim ng mesa. Tutal katabi ko siya.
“Mom!! You shouldn’t say that to my wife”
Nakita ko inirapan niya lang si Sean at dumiretso sa kusina.
“Manang Rose !! magluto ka. Dalian mo”
Rinig ko yun. Ang sakit naman. tila nawala yung sigla ng katawan ko kanina sa narinig ko.
Hindi man mamahaling klase ang niluto ko, masarap naman ito.
Masakit pala makarinig ng panlalait lalo na sa ina ng asawa mo. Pero.... pipigilan kong umiyak para lang kay Sean. Tama ! para Sean.
“Rosalie. Wag mo ng pansinin yun” hinigpitan niya lalo ang hawak sa kamay ko
Tss. pipigilan ko tong mga luha ko. Titiisin ko ‘tong sakit. Ayokong magpatalo. Buti na lang nasa tabi ko si Sean
Nilingon ko siya. “Thank you” at hinlikan sa pisngi.
Bumuntong hininga na lang siya.
Parang may gusto siyang sabihin pero may pumipigil sa kanya.
Huwag naman sana. Huwag naman sana siyang mawala sa akin.
“Tara na kain na tayo” niyaya ko na siya.
“Masarap naman luto ko diba Sean?” parang ayoko marinig yung sagot. Natakot ako bigla dahil sa “I won’t eat that....... trash” ng Mom niya.
“Syempre naman Rosalie. Hahaha! Ngumiti ka nga dyan. Ang panget mo. Tsss”
Haaaay =_= walang pinagbago
“CHE ! ” Buti na lang kahit papaano ganun pa din siya.
Maya maya dumating na ang Mom niya sa umupo sa harap namin. Nakasunod sa kanya ay mga bagong lutong ulam.
Wag kang mawawalan ng pag-asa Rosalie !! kaya mo yan! Yeaaaaah ! ^o^
“Umhhh.... Ma’am. Tikam niyo po luto ko” inabot ko sa kanya yung luto ko.
Baka sakaling magbago pakikitungo niya sa akin.
“What’s that stench?” sabay rub ng nose
Inamoy ko yung paligid. “Wala naman pong kakaibang amoy”
Inamoy niya yung sinerve kong pagkain.
“Remove that away from me. It irritates my nose”
Ang arte naman ng nanay niya. May pinagmanahan si Sean. Tsss =_=
Pinilit ko pa rin lagyan siya sa plato. Kaso..........................
Sana hindi na lang pala.
Gusto ko ng umiyak. Hingang malalim Rosalie.
“See what you’ve done !! Manang !! pakilinis nga itong kalat”
Tinulak niya palayo sa akin yung platong may luto ko kaso tinutulak ko din pabalik sa kanya. Mukhang napalakas yung tulak ko kaya natapon yung pagkain.
Hindi naman natapon sa kanya ehh. Sa akin namin. Halatang sinadya niyang ihagis sa akin yung plato.
Tumayo na siya at humarap sa akin. yumuko na lang ako. Hingang malalim Rosalie.
“Next time mag-iingat ka !! paano na lang kung sa akin natapon ha!! Marunong kabang makainitindi na ayaw ko niyang luto mong mabaho! Akmang sasampalin niya akoHindi ka nababagay sa anak ko! Walang kwen-------
Kaso nasalo ni Sean yung kamay niya. “MOM!! STOP IT !!!! SUMOSOBRA NA KAYO!! You act like a child Mom. Damn it!”
“Sean!! Watch your mouth young man. Hindi porket malaki kana pwede mo na akong pagsalitain ng ganyan ! tanda-------
“What!? Ano pa bang kailangan kong tandaan at intindihin ha!? Mayroon akong sariling pag-iisip Ma!”
“Aba’t sumasagot ka talaga! Tinuro ba sayo yan ng magaling mong asawa?! HA!”
“Sumasagot ako da-------
“Sean” pinigilan ko na si Sean. Hindi ko din kasi gusto ang pagsagot nito sa Nanay niya. “Tama na yan”
Humarap ako sa nanay niya na nakataas ang kilay. Halatang galit ito sa akin.
“Sorry po. Hindi na po mauulit. Pasensya na po” nag bow lang ako.
“Rosalie. Ano bang ginagawa mo?”
Humingi ulit ako ng tawad. “Sorry po talaga. Humihingi din ako ng tawad sa ginawa ni Sean”
“Sorry po. Sorry po”
Nakayuko lang ako.
Pinipigilan ko kasi luha ko ehh.
narinig ko ang yabag ng paa ng Mom ni Sean. Mukhang umalis na ito.
inangat na ni Sean yung ulo ko.“Bakit mo ginawa yun? Siya naman ang mali”
“Nagkakamali ka Sean. Ako ang may mali. Pinipilit ko ang bagay na ayaw naman niya”
“Pero-----
“Pero ginawa ko pa din. Kaya hindi niya nagustuhan. Sean ako ang mali hindi siya”
“Hindi tama-----
“OO! Hindi talaga tama yung ginawa mo. Paano mo nagawa yun? Bakit mo sinagot ang nanay mo?!”
Nagulat lang siya sa sinabi ko.
“Hindi tamang sumagot ka sa matanda Sean. At higit sa lahat, sa nanay mo pa. Kahit ano sa tingin mong ginawa kong mali, mas mali yung ginawa mo. Hindi mo dapat yun ginawa Sean”
“ANO BANG PINAGSASABI MO?! Ako na nga tong nag-aalala sayo ehh kasi kung anu-ano na sinabi ni Mommy sayo. Pinagtanggol na kita tapos sesermonan mo lang din ako. Tsss. Bahala ka nga”
Ayun nag walk out siya.
Bahala daw ako. Tatlong salita lang yun. Tatlong salitang dumurog sa puso ko.
Inhale exhale
Inhale exhale
Inhale exhae
Lalalalala. Nakuuuuu !! wag kang iiyak Rosalie.
MATAPANG KA. Tama! Matapang ako.
Inhale exhale
Inhale exhale
Woohoooooo.
Traydor na luha. Sinabi ng wag kang tutulo ehh.
ARRRRRRRRRRGGGHHH. Nagagalit ako sa mata ko. Tss.
Pinulot ko na lang yung mga basag na plato sa sahig.
Tsssss. Ang sakit naman nun. Isang “bahala ka”mula kay Sean. Ouch. Parang tinutusok yung puso ko.
Ibig sabihin ba nun, sumuko na siya? Aish. Kala ko the feeling’s mutual hindi pala.
“ouch” hindi ko napansin nasugatan na ako.
Haaaaay. Wala na. Tsss.
BINABASA MO ANG
Complete Happiness
RomanceIsang babaeng nabuhay sa kalungkutan si Rosalie simula nung namatay ang kanyang mga magulang. Tila nagunaw ang mundo niya dahil nawala ang dalawang taong pinakaimportante sa kanya. Paano na siya mabubuhay? Kaso isang araw, magugulat na lang siya na...