Chapter 29 //

90 0 0
                                    

Rosalie’s POV

“Miss Rosalie. Kami na po dyan” narinig kong tawag sa akin ni Nana.

Tumalikod ako saka mabilis kong pinunasan yung luha ko.

Ayaw kong makita nila akong mahina.

Saka humarap. “Ang kulet mo Nana, sabi ko Rosalie na lang diba. Hahaha” pinulot ko ulet yung mga basag ng pinggan. “Ako na magdadala nito sa kusina. Kayo na lang bahala dyan. Okay?”

Tumango lang sila.

Inhale exhale

Inhale exhale

Ayokong umiyak. Tssss. Hingang malalim Rosalie.

“Iha. Okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Manang Rose pagkaabot ko ng plato.

Tumango lang ako saka ngumiti.

Ayokong magsalita. Nagpipigil ako ehh.

Okay !!

HINDI KO NA KAYA.

“Bahala ka nga”

“trash”

“hindi ka bagay sa anak ko”

“wala kang kwenta”

Ang dami niyan. Ang dami niyang tumutusok sa puso ko.

Tumakbo ako palabas ng bahay. Ayoko muna sila makita. Lalo na si Sean.

Makasakit pa eh.

Parang nag-eecho sa utak ko yung sinabi niya.

Dire-diretso akong lumabas ng gate. Wala kasing nagbabantay.

Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Tsss.... wala na akong pakialam kung mawala man ako.

Kaysa naman makita nila ako at buhayin sa masasakit na salita.

Nakaramdam ako ng pananakit ng paa kaya tumigil ako. Lumingon ako sa paligid. Totoo nga. Nawawala ako.

First time ko lang lumabas sakanila. Lagi nga kasi akong hatid sundo.

“Bahala ka nga”

Aish.... naalala ko nanaman.

Sabi ko na nga ba ehh. Dapat hindi ako nagpadalos dalos. Maling mali ako.

Hala... ayoko magsisi. Ayoko kasi, tinaya ko na lahat ehh.

Wala ng natitira sa akin. walang magulang. Walang kaibigan. Walang Sean sa tabi. Tapos ngayon walang.... matutuluyan.

Wala na akong bahay. Mama. Papa.Sana kasi sinama niyo na ako ehh. Hindi ko na kayang maging matatag. Paano ako magiging masaya kung mag-isa lang ako?

 Akala ko hindi niya ako iiwan niya ako tapos bahala daw ako. Okaypayn! Bahala ka na sa buhay mo Rosalie.

“Tss. ang iyaking mo pala”

Huh? Sino yun?

Narinig ko yung boses niya. Boses niya pa lang parang comforting na.

“halika nga dito” pinaharap niya ako saka pinunasan yung mga luha ko. Umiiyak na nga ako. Tss. ayaw matangal ng sakit ng puso ko.

“Rosalie tumahan kana. Nakakailang punas na ako ohh”

“Sira ka talaga Jason”

Complete HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon