Chapter 6 //

101 0 0
                                    

 --------------------------------------------------------------------------------------

In less than an hour tapos ko na yung exam so nauna na ako lumabas. Mamaya kulitin pa nila ako ehh.

Lahat ng madaanan kong prof. Binabati ako. Binabati nila ako ehh hindi pa nga ako kasal. Mga adik lang? Haha

Sakto lunch break na. At dahil hindi ako nakakain ng hapunan kahapon at breakfast ngayon, lalamon ako. Hahahaha.

Dumiretso na ako ng canteen.

O....kay. hanggang dito ba naman pinagtitinginan ako.

“Siya yung fiancee ni Sean?”

“Yes girl. At hindi sila bagay”

“Mas maganda pa ata ako sakanya ehh”

“Mas maganda ako sis”

“ako kaya”

Hala mag-away daw ba? Hahaha. Bakit ba sikat tong si Sean? Anong meron sakanya?

Baka artista nga? Sabagay hindi naman ako nanunuod ng t.v ehh. Hahaha. Tipid sa kuryente eh.

Kahit sa pagkain nakatingin sila. Nailang naman na ako. Ayoko na tuloy sumubo.

Totoot totoot

Fr: Superman

Asan ka? Bat hindi ka nagpaalam?

-end-

Ganda ng pangalan niya nuh. Hahaha. Ehh nakita ko kasi kahapon sa kotse niya, superman action figure. Isip bata din pala yun eh. HAHAHA.

To: Superman

Skul po. Maya na lang tayo mag-usap.

Pagtapos ng work ko.

:D

-end-

Totoot totoot

Message sending failed

Ang saya. Wala akong load. Hahaha. Badtrip lang. Baka magalit nanaman yun. Sana tumawag siya.

Ring ring

Superman calling

Ohh diba. Pag sinuswerte ka nga naman. Kakahiling ko lang, natupad na agad. Paano kaya kung humiling din ako ng iba, baka sakaling matupad  .... sana po madagdagan ng extra rice tong kanin ko. Hahahaha. Takaw lang? Kaso wala ehh. Hindi epektib.

“Hel--------

(ASAN KA?)

“School nga”

(Saan sa school malamang)

“Canteen. Bakit ba?”

(Ngayon na tayo mag-uusap)

“Hala. Ehh mada------ARAAAAY”

May humila ng buhok ko.

Ouch. TT___TT

Tumayo ako at humarap sa babaeng humila ng aking buhok.

“Bakit mo ginawa yun?”

“Kase malandi ka” with matching taas pa ng kilay

“Anong ginawa ko?” naiiyak na ako.

Complete HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon