Chapter 42 // Moment

68 0 0
                                    

Ang bilis ng araw.. parang kahapon lang nasa mall kami. ngayon may pasok nanaman.

“Bilis ! ang tagal mo naman”

Ayan nanaman yung numero unong reklamador. “Saglit lang kasi Sean!”

Nakita ko na lumapit na siya sa akin saka nag half knee bend.

Anong meron? Tinaasan ko lang siya ng kilay

“Upo!”

“Makasigaw? Akala mo sayo ‘tong lugar..”

Umupo naman ako sa sahig sa tapat niya.

Para kaming baliw dito. Naka luhod siya tapos ako naka upo. Andito kasi kami ngayon sa school. Sinundo niya ako sa klase ko kanina.

Sabi niya sabay dawkami kumain.

Nakakakilig diba. Hahaha. Ganyan talaga kapag nagmamahal. Anong konek? Hahaha

“Matalino kaba talaga or sadyang may sayad yang utak mo?”

“Ano?! Ikaw ata may sayad ehh. Nakaluhod ka ng walang dahilan”

Binatukan niya ako. Wow. Ang sweet namin grabeee. =__=

“Dito ka umupo hindi diyan!” tinuro niya yung isang binti niya na naka half knee bend.

Tinignan ko lang yung legs niya. “So?....”

“AISH!! Umupo kana nga lang! Dali. Nagmumukha na tayong tanga dito”

Kasalanan ko ba? Malay ko ba kung ano gagawin nito. Umupo na lang ako kaysa pagtinginan pa kami dito diba.

Nagulat naman ako sa ginawa niya.

“Ayusin mo kasi magtali ng sintas. Paano kung nadapa ka tapos hindi kita nasalo, edi nasugatan ka nanaman”

Ang sweet !! itatali niya pala yung sintas ko. Bakit kaya hindi ko agad nagets yun?

Hahaha!

“Ang sweet naman ni Sean!”

Narinig ko sigaw ni Gian mula sa likod ko. Tumingin ako at nakita ko na kasama niya yung dalawa niyang kaibigan. Naka-ngiti lang sila.

“Tss. sweet ka dyan. Ginawa ko lang ‘to kasi ayokong madapa ‘tong kasama ko. Nililigtas ko lang sarili ko sa kahihiyan”

Ang sama talaga nitong lalakeng ‘to. =__= 

Nang matapos na siya tumayo na agad siya. Muntik pa tuloy akong napasubsob sa sahig. Eh nakaupo nga ako sa hita niya diba.

Pwede bang pasuntok lang kahit isa? Isang suntok lang naman ehh.

Susuntukin ko na sana siya ng bigla siyang humarap

“Sarap mag exercise! One.. two..”

(_ _) palusot? Nag kunwari akong nag stretching.

“Susuntok kapa ha. Tss. baliw”

Narinig ko nagtawanan lang yung mga kaibigan niya.

Sabi ko nga eh.. “Tara na nga.” Hinila ko na kamay niya para makalabas na kami.

“Hoy ano yang ginagawa mo?!”

“Anong ginagawa ko?”

“Bakit mo ako hinahawakan?! Manyak mo ha!”

Complete HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon