Chapter 34 Love on Top

90 2 0
                                    

Rosalie’s POV

Ilang minuto na siyang nakatitig sa akin. ganun pa din yung pwesto namin.

Naiilang tuloy ako. >_<

“Huwag ka ngang pumikit !!” bakit ba naninigaw nanaman siya?

“Bakit ba galit ka nanaman? Parang pumikit lang ehh”

“Pakialam mo”

“Ang sama talaga ng ugali mo!”

“May sinabi ba akong mabait ako?”

“W-wala... “ mapapaiyak ako ng wala sa oras ehh.

Napabuntong hininga na lang siya. Wow. Ang bango naman ng gamit niyang mouthwash. Ayy amuyin daw ba? Inaaway ka na nga tapos kung anu-anu pa iniisip ko.

Humiga na din siya sa tabi ko.

Galit pa din ba siya dahil sa nangyaring sagutan namin kahapon?

“Umh... Sean, sorry pala kahapon ha”

“Matulog ka na nga”

Bakit ba ang init ng dugo nito sa akin? meron ba siya ngayon? Parang kanina lang ang amo ng mukha niya nung binuhat niya ako ehh.

Sana pala lagi na lang ako clumsy para lagi siyang mabait sa akin.

Makatulog na nga. Haaay.

After 7 hours....

Nagising na ako, nasanay na din siguro kahit walang alarm. Nakalimutan ko pa nga kahapon yung phone ko dito sa bahay ehh. Dead bat naman kasi kaya iniwan ko na. Saka wala naman akong ibang tinatawagan kundi si Sean lang.

Nawala yung contacts ko sa mga kasamahan ko sa Coffee Club eh. Madalaw nga sila minsan. Isasabay ko na kapag dadalaw kila Papa.

Makabangon na at paglulutiin ko si Sean ng breakfast.

Hindi ako susuko sa kanya. ^_^v

Pagkagising ko gising na din yung ibang katulong. “Goodmorning po!” nginitian ko sila. Nagbow lang sila sa akin.

Nagtimpla din ako ng kape para sakanya. Gumawa ako ng fried rice yung recipe ni Mama ang ginamit ko. Basta medyo kakaiba. Tapos baccon ang eggs saka nag toast ng bread.

Ayan ! F na F ko maging housewife hahaha !!

Nakita ko pababa na si Sean. Nagayos muna ako ng sarili ko. Tumingin ako sa salamin “Kaya mo yan Rosalie !”  at sinalubong ko na siya. “Goodmorning Sean !!” ngumiti pa ako ng pagkatamis tamis. Hahaha.

Mahulog ka sana sa charms ko. Bwahaha! Kaso wala man lang reaction yung mukha niya.

Dire-diretso lang siya sa kusina kaya sumunod ako.

Nang maka-upo na siya. Nilagyan ko yung plato niya ng special fried rice, baccon and egg saka isang half slice ng toast. “Luto ko yan. Masarap yan kasing sarap ng pagmamahal ko sayo”

“May sinasabi ka?” ang sunget naman nito.

“Sabi ko enjoy your meal boss” nagsalute ako saka dumiretso ng kusina.

Kinuha ko kasi yung kapeng ginawa ko.

Naglakad na ako ng dahan dahan, baka kasi ma-----

“ARAY !! ouch ouch.... ang init. Emegash ang sakeeet!”

Complete HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon