Ang gwapong picture ni Sean sa gilid. haaaays *o*
kainlab talaga.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Inaabot ko yung phone ko na “Ibalik niyo nga yan”
“Wag mo ngang nilalapitan yung si Jason namin”
Namin? Kailan pa naging kanila si Jason. Mga lecheng bully !
SAY NO TO BULLY ! NO TO BULLY! NO TO BULLY ! nag welga?
=_= yung phone ko.
“ohh..” inabot niya yung phone ko. Kukunin ko na sana ng bigla niyang hinagis papunta sa isa niyang kasama.
“Please naman ibalik niyo na ohh”
Nagtatawanan lang sila dun.
Paikot ikot lang ako sa room. Paano kasi nasa bawat corner sila.
Waaaaaaaa! Ang mean mean nila.
“Here catch ! two timer bitch!”
Hinagis niya yung phone ko paputang pintuan nang biglang pumasok si Sean at saktong sinalo ni Sean yung phone.
Akala ko masisira na eh. Sayang naman kasi yun. Ang mahal kaya nun. iPhone5.
Lumapit si Sean sa malditang babae na unang kumuha ng phone ko. Ang angas ng dating ni Sean habang naglalakad.
“Ang lakas ng loob mong pagtripan asawa ko. eh kung mukha mo kaya pagtripan ko”
Omg.
Tumakbo ako papunta sa kanilang dalawa.
Yung dalawa naman na kasama niyang babae tumakbo na palabas ng classroom.
“Sean.. wag mong gawin yun” pinigilan ko yung kamay ni Sean na halatang sasampalin yung babae.
“Rosalie bitawan mo nga ako”
“Ano kaba... okay lang naman ako ehh”
Nakakatakot naman ‘to kapag nagalit.
“Sean, makinig ka sakin. Your wife is a two timer bitch. Ganyan ba ang babaeng pinakasalan mo?”
This time hindi ko na napigilan ang kamay niya at tuluyan niyang nasampal yung babae. “Wala kang karapatan para sabihin sa akin kung sino ang dapat kong pakasalan. Tandaan mo yan”
Napatulala ako sa ginawa niya.
Blag
Narinig namin ang biglang pagbukas ng pintuan kaya lahat kami napatingin. Pumasok si Jessica at nilapitan kaming tatlo.
“Sean! How dare you do that to my friend!” inakbayan niya ang kaibigan niya na nakayuko pa rin dahil sa pagkakasampal sakanya ni Sean.
“Yan ba ang natutunan mo sa naging asawa mo?”
Kaya naman pala magkaibigan sila kasi magkaugali. Birds with the same feather is only one bird.
Huh?? San galing yun? O_o??
“Jessica pwede bang wag kang makisali dito”
“Hindi kaba naniniwala sa sinasabi ng kaibigan ko?”
“Kilala ko asawa ko at hindi siya ganun”
Hinila ni Sean ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. “Ayy saglit Sean yung bag ko”
BINABASA MO ANG
Complete Happiness
RomanceIsang babaeng nabuhay sa kalungkutan si Rosalie simula nung namatay ang kanyang mga magulang. Tila nagunaw ang mundo niya dahil nawala ang dalawang taong pinakaimportante sa kanya. Paano na siya mabubuhay? Kaso isang araw, magugulat na lang siya na...