Rosalie’s POV
“Sir. Ito na po yung pagkain”
Nakita ko yung dala dala ng maid sa tray. Shocks.natatakam ako.
Drool
“Say ahhh” huh?? O_O
“Hoy. I can eat by myself. Adik mo” subuan daw ba naman ako ng CAKE *o*
Kumuha ako ng two slice ng cake. Haha. Chalap nito.
“Halos tumulo na yang laway mo eh. Hahaha”
Tawa ng tawa? “BALIW!”
“Mas baliw ka Rosalie”
“Ikaw kaya”
“Ako?”
“Hindi. Ako” sarcastic kong sabi
“Oo nga ikaw”
“Ikaw nga”
“akala ko ba ikaw?”
Aish. Ang gulo kausap. =_= mas malala ‘to kay Sean eh. Anu? Sean nanaman?
“Naku, sana mabilaukan yang asawa mo kakaisip mo sakanya”
“CHE ! asawa ko yun malamang iisipin ko siya. Adik nito”
“Okay fine. Tapos kana ba kumain? Pasok na sana tayo sa loob”
Tumango lang ako.
“Teka paano yang painting mo?”
“Huh? Edi ipapasok ko din. Bakit?”
“Akala ko iiwan mo lang. Sayang naman kasi ang ganda”
“May naisip ako. Gusto mo sayo na lang?”
“Totoo? Thanks !!” hahaha may painting na ako sa wakas.
Pumasok na kami sa loob. Ayun tambay lang kami sa sala.
Hmm. Eh kung umuwi na kaya ako? Malay mo hinahanap na ako nun.
Hay. Mamaya na nga lang. Hindi ko nga alam kung paano ako uuwi eh. Hindi ko memorize daan pauwi.
Napansin ko may grand piano sa gilid. Ang ganda. Parang yung akin lang. Kasi magkakulay. Color white.
Hindi ko napigilan sarili ko at lumapit ako dun sa piano.
Naluluha nanaman ako. Namimiss ko na sila Mama at Papa eh. Hindi ko pa sila nabibisita ulet.
Hinawakan ko yung mga keys. Pero hindi ko pinindot. Mas lalo akong maiiyak kapag nakarinig ako ng piano piece.
Napabuntong hininga na lang ako. Tumayo na ako at lumayo sa piano. Baka hindi ko na mapigilan sarili ko ehh.
Hmm... I wonder, kamusta na kaya yung tungkol sa bahay ko? Hindi ko na natanong si Sean since laging busy. Maitanong nga. Sana nakuha niya ulet. Part yun sa deal eh.
Naglakad ako pabalik ng couch. Napansin ko wala si Jason. Baka naman kinausap yung mga maid? Mahintay nga.
Ang boring. Makapag-ikot na nga lang muna.
Ang lawak naman ng bahay nila. Magkasing laki nga sa bahay nila Sean. Ang dami ding kwarto.
Pinihit ko yung door knob nung pintong nasa harap ko kaso locked.
Yung sumunod naman bukas.
Nagulat ako sa nakita ko.
Isang music room. Pumasok ako sa loob. May recording studio pa sa gilid.
Bakit may ganito sa kanila?
Baka naman business nila ‘to.
Yung mga walls halatang sound proof. Kumpleto pa sa musical instrument.
Halos alam ko lahat tugtugin ang mga instrument na andito tulad ng guitar, bass guitar, drum pero onti lang, violin, piano, flute at clarinet. Yung iba hindi ko na alam. Pinaka favorite ko sa lahat piano.
Nung bata nga ako dapat sa Julliard ako mag-aaral kaso hindi pumayag si Papa.
Kapag naka-uwi nga ako bibisita ako sakanila. I miss them super.
Lumapit ako sa guitar. Ang ganda naman nito.
Pwede kayang hiramin? Maglalabas lang sana ako ng sama ng loob. Ibabalibag ko lang naman siya. Puputilin ang strings saka babaliin.
HAHAHAHA. Joke lang.
Magpapa-alam ako kay Jason mamaya. Hahaha.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinawakan ko na yung gitara.
Nag strum ako.
“Sigh.....” ang ganda ng tunog. Naka-tono yung gitara, buti na lang.
♪ "When I see your smile
Tears run down my face I can't replace
And now that I'm stronger I've figured out" ♪
Sana pala naghanda ako na kung masaktan man ako matatangap ko.
♪ "How this world turns cold
And breaks through my soul
And I know, I'll find deep inside me I can be the one" ♪
Sa lahat bang dumaan na babae sa buhay mo naiiba ba ako? Pinapakita ko na kung ano talaga ako. Kaso mukhang hindi mo pa rin ako magugustuhan. May standards ka siguro.
♪ "I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to Heaven" ♪
Sabi mo hindi mo ako iiwan. Parang naulit lang yung dati. Hindi na ako binalikan ng magulang ko.
♪ "It's okay, it's okay, it's okay
Seasons are changing and waves are crashing
And stars are falling all for us
Days grow longer and nights grow shorter
I can show you, I'll be the one" ♪
%
BINABASA MO ANG
Complete Happiness
RomanceIsang babaeng nabuhay sa kalungkutan si Rosalie simula nung namatay ang kanyang mga magulang. Tila nagunaw ang mundo niya dahil nawala ang dalawang taong pinakaimportante sa kanya. Paano na siya mabubuhay? Kaso isang araw, magugulat na lang siya na...