Chapter 47 // Saved

90 0 0
                                    

Dedic kay LuckyThree. :D

weeeeee ^o^

enjoy Reading...

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gian’s POV

Mabilis akong bumaba ng sasakyan saka sinalo si Rosalie bago pa siya tuluyang mapaghiga sa daan.

Nang makita ko ang itsura ni Rosalie, isa lang ang gusto kong gawin ang bugbugin si Sean.

SHIT. Walang kwenta talaga yang si Sean.

Buti na lang at mabilis yung mga tauhan ko na hanapin si Rosalie.

“Rosalie? Rosalie? Ayos ka lang ba?”

Inaalog ko siya. Sinasampal ko ng mahina yung pisngi niya para magising siya. Kaso wala ehh.

Ang lamig niya sobra. Basang basa siya ng ulan. Pati din ako basa na ng ulan dahil binuhat ko pa siya papasok dito sa kotse ko.

“Rosalie? Gising... Rosalie??”

Kinakabahan ako sa ganitong sitwasyon eh. Namumutla na kasi siya tapos nawalan pa ng malay.

Sean ! humanda ka sa akin kapag nakita kita.

Nalaman ko lang kasi na nawala si Rosalie nang dumating si Sean sa bar ko tapos naglalasing.

Flashback

“Pare... mukhang naunahan na ako ni Jason”

Bungad sa aming tatlo ni Sean nang nakapasok siya sa VIP room ng bar ko. Hay.. lagi na lang siyang ganyan. Hindi ko na alam kung matutuwa pa ba ako kasi lagi na lang niyang bukambibig si Rosalie o maiinis ako sakanya kasi lagi na lang siyang ganyan.

“Akalain mo yun... matagal na pala niya ako niloloko. Shit lang. Ang sakit palang ma-gago” sinabi niya ito ng may pait sa bawat salita.

“Ano bang pinagsasabi mo?” tanong ko dahil naguguluhan na ako sa sinasabi niya.

Akala ko simpleng dahilan nanaman kung bakit siya ganiyan pero mukhang may malalim pang dahilan.

May kinuha siya sa bulsa niya. phone niya ata tapos hinagis kay Mathew.

“See it for yourself”

Sabay tunga niya ng hawak niyang bote ng beer.

Kami namang tatlo, hinalungkat namin yung mga files ng phone niya at nakita nga namin yung gusto niyang ipakita.

Si Rosalie nga at si Jason....

Pero imposible ‘to. Napaka-imposible.”Hoy! kanino mo naman ‘to nalaman ha? Saan mo ‘to nakuha?” tanong ko sakanya

“Tss.. kay Jessica. Kanino pa nga ba?” pasimple niyang sinabi.

Lumapit si Matteo sakanya at tumabi. Kung ako kay Matteo, hindi ako lalapit dyan. Mahirap ng masuntok ulet.

Masyado akong gwapo para suntukin lang ni Sean.

“Pare, naniwala ka agad sa mga litratong yan?” tanong ni Matteo

“Psh.. kailangan ko pa ba ng paliwanag kung sinabi na sa akin ni Jessica ang lahat at ebidensya na yang mga picture na yan”

“Eh gago ka din pala eh.. baka nakakalimutan mong galing kay Jessica yang mga yan. Yung ex mong traydor sayo” singit ni Mathew

“At least sinabi niya sa akin yung totoo. Hindi yung huli na bago ko pa malaman” pagpupumilit niya.

“Ano bang kinakagalit mo ha? Bakit? Mahal mo na ba si Rosalie para ganyan ka umasal?” tanong ulit ni Mathew

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Complete HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon