Chapter 43 // Confused

72 0 0
                                    

Rosalie’s POV

Ang boring...

Simula nung nag-asawa ako, bigla na akong tinamad mag-aral.sabagay, nag-advance reading na ako sa lahat ng subject ko. Ano kayang magandang gawin?

Magpa-tatoo kaya ako? Mag bungee jumping? Mag wall climbing? Mag zipline? Mag scuba diving? Mag wake boarding? Mag surfing? Mag mountain climbing? Mag sno---

“Pssst!”

“Pssst! Pssst!”

Sino ba yang sumisitsit? Hindi ako aso para sitsitan lang. Tumingin ako sa gilid.

O_O

>_<

(-_-)

Tama bang pitikin yung noo ko? “Jason ano bang problema mo?”

Ganito lang siya oh. ^_____^v

“Great. Makinig ka na nga lang sa prof”

“As if nakikinig ka ahh”

Napaka mindreader talaga nitong lalakeng ‘to. “Baliw”

“Sayo”

“Huh?”

“Ano?”

“Anong ano ka dyan?”

“Para san ba kasi yung huh na yun?”

Aish. Ang tino talaga nito kausap.(=_=)

Ang daming dinisscuss. Okay lang naman sa akin kaso napaka reklamador nung mga classmates ko. Buti na lang kapartner ko si Jason sa project. Inaamin ko mas matalino siya ng ONTI lang naman,sa math. Hahaha.

“Hoy! Tara na” makasigaw naman ‘tong lalakeng ‘to.

“Teka lang”

Palabas na kasi kami ng room. Ewan ko ba kung bakit magka-block kami nitong lalakeng ‘to.

Aish. Ang dami kong bitbit na libro.

“Amin na nga yan” nilahad niya yung kamay niya para kunin yung mga librong dala-dala ko.

“Ayaw. Kaya ko na ‘to”

“Amin na nga”

Hinatak niya yung mga libro.eh ayaw ko ibigay. Naghahatakan lang kami hangang sa nalalag yung mga libro.

“Ayan tuloy. Ayaw mo pa kasi ibigay eh”

Ako pa daw may kasalanan. Nagpupulot tuloy kami dito.

Nang biglang nahawakan namin ng sabay yung isang libro. Parang tuloy kaming magkahawak kamay.

Napatingin kami sa isa’t isa.

From that very moment, my heart skipped a beat.

Ano ba ‘tong  nararamdaman ko.

Umiwas agad ako ng tingin saka tumayo. “Amin na nga yang libro ko”

Kinuha ko na yung mga librong hawak niya saka tumakbo palayo.

Tumigil ako sa may garden saka umupo sa isang bench. Buti na lang walang tao.

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ang bilis ng tibok?

Aish.. ano ba yan. Bakit ganito yung puso ko?

Complete HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon