Chapter 44 // World's Apart

72 0 0
                                    

Rosalie’s POV

gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Kasi.. kasi..

“HOY!! Kinikilig ka nanaman?”

“Ayy bakla” tama bang gulatin ako. (=___=)

Hindi na siya nag bago.

“pffft.. hahaha. Ang panget mo sa picture”

Ayan nanaman yung tawa niyang nakaka-asar. Pinagtatawanan niya yung mukha ko sa picture. Hawak ko kasi ngayon yung newspaper kung saan headline kami ni Sean. “Cinderella Moves by Masen Couple” yan ang headline ng diaryo ngayon.

Sa ibaba niyan yung picture namin ni Sean sa mall kung saan ang laki ng mata ko dahil nga nagulat ako nung hinalikan niya ako sa noo. Tss. edi siya na gwapo.

Pero.. kinikilig pa rin ako. *o*

Gusto kong sumigaw kasi kinikilig ako kaso mang-aasar lang tong katabi ko. -__-

“Nakakahinga kapa ba? Mamaya matuluyan kana sa kakatawa mo ehh”

Halos napapaluha na siya kakatawa.

“Teka... pffft.. hahaha.. saglit lang.. hahaha”

=_=

Sige tawa ka lang.. nawala na tuloy yung HAPPY feeling ko. Tinignan ko yung mukha niya.. halos namumula na.

“Enjoy na enjoy ka kakatawa ahh”

“Oo naman.. hahaha.. last na ‘to” para siyang timang. Nagpaalam pa talaga. Umayos siya ng upo saka tumingin sa akin.

“Ehem.. ayan okay na ako. Saan na nga ulit tayo?” sa itsura pa lang niya halatang nagpipigil ng tawa. Baliw din ata ‘tong isang to ehh.

“Bakit tayo na-headline? Nakakahiya kaya”

“Tss. wag mo na kasing pansinin yan. Madami lang talagang interesado sa buhay natin kaya nilagay nila yan dyan”

“Pero bakit kailangang headline nga”

“ For Public interest. Hay.. hayaan mo na kasi yan”

“Eh paano kung dumami yung magalit sa akin?”

Tinignan niya muna ako saglit bago sumagot. “Diba sabi ko naman sayo na akong bahala sayo”

Napabuntong hininga na lang ako. Ayoko na kasing mangyari yung dati eh. Lagi kaya akong kawawa.

“Ayan ka nanaman. Wag mo na kasing isipin yun” hinawakan niya yung chin ko para magkatinginan kami sa mata. “Hindi kana nila masasaktan. Trust me”

Tumingin muna ako sa mata niya bago ako tumango. Siguro tama siya. Habang kasama ko siya, walang mangyayari sa aking masama.

Hinalikan niya noo ko para matangal yung tension sa katawan ko. Sana lagi na lang kaming ganito.

“Feel better now?”

“Yup” saka ko siya nginitian. “Saan pala tayo pupunta?”

Pinagbihis niya kasi ako dahil may pupuntahan daw kami. Hindi ko naman alam kung saan.

Hinawakan niya yung kamay ko saka sumagot,“Kukunin natin yung damit mo saka susunduin si Sam”.

“Damit para saan?”

“Nakalimutan mo na ba? Birthday na ni Lola bukas”

Complete HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon