Chapter 47 // Lullaby

74 0 0
                                    

Sam’s POV

Ang ingay sa labas... hindi tuloy ako makatulog. Kaya naman nagpasya na akong lumabas ng kwarto. At nakita kong nag-aaway si Kuya at Ate.

O_O

Oh my.. bakit nag-aaway sila kuya at ate?

Sheesh. Dahil siguro yun sa ex-freak na yun. Nakita ko na may binigay siyang bagay kay kuya dun sa taping. Halos nagiba itsura ni Kuya nung nakita niya yung bagay na yun.

 Yung babaeng yun. Kadiri kasi kasama ko siya sa shoot. Isang malaking EWWW !!

Sakalin ko yung impokritang babaeng yun ehh. Lagot sa akin yun bukas.

Nakita ko na lang na palabas ng bahay si Ate Aly na umiiyak.

Bakit? Bakit siya umiiyak. Nasasaktan pa man din ako kapag nakikita siyang malungkot dahil kahit ilang beses ko siyang makitang naka-ngiti sa kabila noon ay isang malungkot na Ate Aly.

Tumakbo ako pababa at agad na pinagsusuntok si kuya.

“Kuya! Ang bad bad mo!bakit mo pinaiyak si Ate?!”

“Sam tumigil ka nga.... “

“Ayoko na sayo.... bad kuya! Kawawa naman si Ate Aly sayo. Sana hindi ka na lang niya asawa kasi lagi na lang siya umiiyak ng dahil sayo. Bad ka kuya.”

Umiiyak na din tuloy ako. =___=v

Nakita ko sa mukha ni kuya na nasasaktan din siya. Pero mas nabigla ako sa sumunod na nangyari.

May tumulong luha sa kanyang mata.

Tumigil ako sa pagsuntok pati sa pag-iyak. Imposible... si Kuya Sean ba ‘to?

Kelan pa siya natutong umiyak?

“I’m sorry Sam... “ mahina niyang sinabi.

Tumalikod siya saka naglakad palabas ng bahay. Narinig ko pa nga ang sunod sunod na pagmumura niya tapos ang tunog ng pag-andar ng kotse niya.

Ilang minuto na akong nakatayo dito sa sala.

Hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko. Si kuya sean marunong umiyak.

Siguro... ang mga tunay na nagmamahal ay nasasaktan din.

Rosalie’s POV

Tuluyan akong lumabas ng mansion. Nasaktan ako sa ideyang hindi man lang niya ako pinigilan.

Ganoon ba ka-grabe yung ginawa ko sa kanya at hindi man lang niya ako pinigilang umalis?

Diretso lang ako maglakad kahit hindi ko alam kung saan ako papunta.

Naasar ako. Isa yang katotohanan pero hindi ko alam kung kanino.

Kay Jessica ba na pasimuno ng gulong ito?

Kay Sean ba na nagpaniwala naman sa kasinungalingan na sinabi sakanya ni Jessica at sa mga masasakit na binitawan niyang salita sa akin?

O sa sarili ko. dahil hinayaan ko ang puso kong mahulog ng tuluyan sa kanya.

Ang tanga-tanga ko kung iisipin kong mahal din niya ako. Siguro nga tama si Jessica, isa akong illusyunada. Nag-iillusiyong mahal din ako ng sarili kong asawa.

Ang bigat na ng nararamdaman ko. hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Yung mga sinabi sa akin ni Sean o yung naisip ko na hindi din niya ako mahal.

Bigla na lang akong napahinto ng paglalakad saka patuloy na humagulgol. Tinago ko ang mukha ko sa aking mga kamay at doon pinatulo ang mga luha ko.

Complete HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon