I was shocked when I saw my parents. I wasn't expected to see them at uuwi ng bansa after 2 years. Ganoon na nga katagal ang huling uwi nila ng bansa dahil sobrang busy nila sa trabaho. Kahit matagal na ako tapos sa pagaaral but I understand them kung gusto pa rin nila magtrabaho. Huwag lang nila papayaan ang sarili kung hindi pupunta ako ng Singapore wala sa oras. They know me.
"What are you doing here? Hindi niyo man sinabi sa akin na uuwi kayo ngayon." Hindi pa rin mawala ang pagkagulat ko ngayon. Ang aga aga kasi may nagdodoorbell na kaya napabangon ako wala sa oras para alamin kung sino iyon.
"Surprise, son!" Sabi ni dad sabay yakap sa akin.
"You should tell me na uuwi kayo para masundo ko kayo sa airport."
"Surprise, son. Kailan ka ba nakarinig ng suprise na sinasabi sa taong gusto nilang surpresahin?" Napailing ako sa sinabi ni mama.
"Kumain na ba kayo? Magluluto lang po ako." Sabi ko at naglakad na papuntang kusina. Siguro nga mayaman rin ang pamilya ko pero walang wala pa rin kami sa pamilya ni Red.
"How's your day, son?" Rinig kong tanong ni mama.
"Doing great, mom. Busy lang nitong mga nakaraang araw dahil may kaso kaming hinahawakan na hanggang ngayon hindi pa namin malaman."
"I know you can do it. Walang kaso ang hindi mo pa natatapos."
"David, I heard from your mom you have an adopted daughter."
"Dad, don't say it loud. Baka marinig kayo ni Heaven." Saway ko kay dad. Hindi pa ako handa magpaliwanag kay Heaven na hindi ko siya tunay na anak.
"Sinabihan na kita kanina kung magtatanong ka sa anak mo huwag yung malakas ang boses."
"Sorry. Gusto ko lang makita ang apo natin."
Ngumiti ako kay dad saka nilapag ang niluto kong pagkain for breakfast.
"Let's eat." Alok ko sa mga magulang ko.
Nagsimula na kami kumain at doon naman bumaba ang maganda kong anak.
"Hi, daddy. Good morning." Bati ni Heaven habang kumukusot pa siya ng mata niya at binaling ang tingin sa mga magulang ko. "May bisita po pala tayo. Hello po."
"Heaven, they are your lolo at lola."
"Talaga po?" Bumaling naman siya sa lola at lolo niya. "Hello po. Ako nga po si Heaven. I'm 4 years old. Nice to meet you po."
"Hello, Heaven. Ang ganda mong bata." Sabi ni mama.
"Salamat po."
"May pasalubong kami para sayo, Heaven." Masayang sabi ni dad. Patay tayo nito baka lumaking spoiled brat ang anak ko dahil sa lolo niya. Ganoon kasi si dad.
"Talaga po, lolo? Yay! Thank you po."
"Maiba tayo, David." Tumingin naman ako kay mama. "Hindi ko pa yata nakikita ang pinsan mo. Nasaan siya ngayon? Pumunta kasi kami ng dad mo sa bahay nila kahapon pero wala ng tao doon."
"So, kahapon pa pala kayo nandito." Ayos. Ang akala ko pa naman kanina lang sila dumating pero kahapon pa pala. "Jessa is no longer lives there simulang kinasal siya."
"Naunahan ka pa ng pinsan mong magpakasal. Hindi ka ba nahihiya?"
"Bakit naman ho ako mahihiya? Wala pa naman ako nakikitang babae para sa akin maliban kay Heaven."
Lahat ng tao nakapalibot sa akin ay gusto na nila ako magpakasal. Dahil ba hindi na rin ako bumabata? Ano naman ngayon kung tumatanda na ako. Edad ko lang naman ang dumadagdag pero mukhang bata pa naman ako. Kahit ba 34 ako turning 35. Siguro nga dapat sa edad kong ito ay pamilya na pero ni minsan ay hindi talaga pumasok sa isipan ko ang magkaroon ng pamilya.
"Ang balita ko rin ay may sariling pamilya na ngayon ang dalawa mong kaibigan. Look at them, son."
Maybe Red and Gael have their own family now. Ano naman ngayon?
Pagkatapos namin kumain ay hinugasan ko na ang mga ginamitan namin.
"David, pwede ba kita makausap kahit saglit lang?" Nilingon ko si mama habang naghuhugas ako. Si Heaven naman ay nasa sala at abala makipag laro kay dad.
"Sure, mom."
"Kailan mo ba balak sabihin kay Heaven ang totoo? Hindi naman habang buhay ay maitatago mo sa bata ang katotohanan. Mabuti ng sayo manggaling kaysa sa ibang tao pa niya malaman."
"I know, mom."
"O kaya bakit hindi mo hanapin ang tunay niyang mga magulang?"
"Kahit gugustuhin ko ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko rin alam ang pangalan ng ina ni Heaven."
Wala naman akong balak hanapin ang ina ni Heaven dahil wala akong balak ibalik sa kanya ang anak ko. Ako ang naghirap na alagaan si Heaven. Kaya ko lang nman iyon sinabi ay para tumigil na si mama magtanong pa. Ayaw ko rin kasi marinig ni Heaven.
Dahil weekend naman ngayon kaya walang pasok si Heaven sa school niya pero ako meron pasok. Isa akong pulis kaya wala ako masyadong rest day kahit weekend.
"Chief." Inangat ko ang tingin sa tumawag sa akin.
"Bakit?"
"Nahanap na namin ang location kung saan dinala ng kidnappers yung bata."
Tumayo na ako. Finally, ito na ang hinihintay namin. Ang mahanap ang location.
"Good job."
Tinawag ko na ang mga kasamahan ko para pagusapan ang plano sa gagawing operation para mailigtas namin yung bata.
Pagdating namin ay pinalibutan na namin ang buong building para hindi makatakas ang kidnappers. Damn. Ayaw talaga nila sumuko ah. Sinenyasan ko ang ilang pulis na sumunod sa akin na pumasok sa loob ng building. Papasok kami para kunin ang bata at hulihin ang dalawang kidnappers.
After the operations ay naging success ang ginawa namin dahil nailigtas namin ang bata at nahuli na rin ang dalawang kidnappers. Pero ang isang kidnapper ay nagulat noong makita niya ako. Ano nangyari doon? Parang nakakita siya ng multo.
Pagbalik namin sa police station ay nilagay na namin sa kulungan ang dalawang kidnappers at tinawagan na ang mga magulang ng bata para sabihan na ligtas na ang anak nila.
Ilang oras rin ako ako dito sa police station pero nagpasya ako pumunta sa malapit na coffee shop pero may isang bagay ang umagaw ng atensyon ko. Ang babaeng pumasok sa police station. Siya rin yung babaeng nakausap ko sa school ni Heaven.
Ano ang ginagawa niya rito? Malamang, police station ito at baka may bibisitahin lang siya.
Tumalikod na ako sa kanila para lumabas na ng police station.
"Sir." Huminto ako sa paglalakad. "Nakikiusap sana ho ako sa inyo na pakawalan niyo ang ama ko. Hindi siya—"
Hindi niya tinuloy ang sasabihin noong humarap ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng makita ako. Hindi siguro nito inaasahan na isang pulis pala ang ama ng inaway ng kapatid niya noong isang araw.
"Hindi siya ano, miss?"
"Hindi siya masamang tao para gawin ang bagay na iyon."
"For fuck's sake. Kahit sabihin mo na hindi siya masamang tao pero nakagawa pa rin siya ng kasalanan. Kinidnap niya ang isang inosenteng bata. Sorry, miss pero ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang pulis."
"Nakikiusap ako sa inyo."
"Kahit anong pakiusap niyo sa akin ay hindi ko pwedeng pakawalan ang ama niyo."
"Kahit ano gagawin ko."
Napailing na lang ako at tumalikod sa kanya. She's crazy.
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomanceHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...