Napatingin ako noong may lumalapit sa table namin. Si Gael lang pala. Ang akala ko pa naman kung sino na kaya binalik ko ang tingin kay Red. Sinabi ko lang sa kanya na susubukan kong hanapin ang kapatid ni Gold.
"Hindi ba kayo oorder?" Napatingin naman sa kanya si Red.
"Maybe next time. I still have a lunch date with my wife later. Nakakahiya naman kung maghintay iyon sa akin." Sagot ni Red at binaling sa akin. "I have to go."
Tumango ako bago pa siya tumayo.
"Ingat."
Nang umalis na si Red ay nilingon ko naman si Gael dahil hindi pa siya umaalis sa pwesto niya. Marami pa siyang customer na kailangan asikasuhin.
"What was that all about?" Kunot noo tanong nito.
"It's all about Gold."
"What about him?" Umupo na si Gael sa upuan kung saan nakaupo kanina si Red.
"Humingi ng tulong sa akin si Red na hanapin ang kapatid ni Gold."
"Wait, wait. May kapatid si Gold?" Kibit balikat kong sagot sa kanya. "Pero bakit sayo siya humihingi ng tulong? Hindi sa akin."
"Alam niyang galit ka kay Gold kaya hindi siya naglakas loob na kausapin ka. Baka kasi hindi mo siya tulungan."
"Kahit galit ako sa taong iyon ay dapat lumapit pa rin sa akin si Red. So, pumayag ka ba?"
"Sinabi ko lang naman sa kanya na susubukan kong hanapin. Masyado na akong problemado kaya ayaw ko ng dagdagan pa."
"Yeah. Problema mo rin ang inampon mong bata."
"I don't know how to tell her the truth. Ayaw ko naman kasi makitang nasasaktan si Heaven."
"Dude, wala tayo magagawa dahil masasaktan at masasaktan rin talaga ang bata. Tell her the truth or not ay pareho lang ang magiging resulta. Mas mabuting sayo pa mang galing kaysa sa ibang tao niya malaman."
"Madaling sabihin, mahirap gawin." I sighed. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko.
"Ipagsdasal na lang natin na maging positive ang investigation."
"What do you mean?" Kunot noo kong tanong. Pero binigyan niya ako nakakalokong ngiti. Para bang may binabalak na masama. "I don't like that smile of yours. You're creepy, asshole."
"Malalaman na lang natin ang resulta. Soon." Tumayo na ito at tinapik ang balikat ko. "Balik na ako sa loob. Tumawag ka na lang ng waiter kung gusto mong umorder."
I have no choice. Nandito na rin naman ako sa restaurant kaya kakain na rin ako ng lunch.
Pagtapos ko kumain ng lunch sa restaurant ng pamilya ni Gael ay bumalik na rin ako agad sa police station.
"Chief, may naghihintay po sa inyo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng isang pulis na kasamahan ko sa team. Sino naman? I gave him a nod.
Lumapit na ako sa desk ko noong may nakita akong nakaupo sa harapan ng desk ko.
"Hailee?" Nilingon naman niya ako at pumunta rin ako agad sa desk ko para maupo. "What are you doing here? Nandito ka ba para bisitahin ang ama mo?"
"Nakausap ko na rin naman siya kanina pero dahil dito rin naman ako punta ko kaya dinadalhan ko na rin kayo ng lunch." May nilapag siyang baunan sa desk ko. Kung alam ko na pupunta siya sana hindi na lang ako kumain sa labas. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya iyon.
"Sinabi ko naman sayo na—" Pinutol niya ang sasabihin ko noong nagsalita siya.
"I know. Pero gusto ni Heaven na dalhan ka ng baon kaya lang hindi mo siya pinapayagan pumunta rito na magisa."
Talagang si Heaven. Palagi na lang ako ang inaalala ng anak ko. Para siya itong matanda sa aming dalawa.
"Na sundo mo na ba yung mga bata?"
"Yes, sir. Nasa bahay ninyo na silang dalawa ngayon."
Half day lang palagi si Heaven because she's only a pre-school but next school year she will be 1st grade.
"Sorry sa abala kung pati ang kapatid ko ay kailangan sa bahay niyo rin tumira."
"No, it's okay. Ang sabi ko nga sayo ay para hindi ka na mahirapan umuwi sa dati niyong bahay at saka ikaw pa ang nagsabi—" I cut off dahil napansin kong pinagtitinginan ako ng ibang pulis. "What?"
"Nothing, chief." Sagot nila at napailing na lang ako ng ulo.
"Sige, alis na ako. Baka kasi makaisturbo pa ako sa trabaho mo." Akmang tatayo na siya pero pinigilan ko.
"Wait, before you go. Ano itong hinanda mo?"
"Tempura, sir?"
Napalunok ako. Shit. Paano ko ba sasabihin sa kanya na may allergy ako sa shrimp?
"Ayaw kong saktan ka pero hindi ko makakain ito."
"Bakit po?"
"M-May allergy ako sa shrimp."
"Huh? Sorry, sir. Hindi ko alam." Agad naman niyang kinuha ang baunan sa harapan ko.
"No, it's okay. Hindi ko naman sinabi sayo na may allergy ako. Even Heaven doesn't know about my allergy." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Pareho pala kayo ng allergy ni Danny."
Kumunot ang noo ko. Maybe that's her younger brother's name.
"Sorry po ulit. Alis na ako." Paalam niya sa akin at umalis na sa harapan ko.
"Wow, sir. Napatingin ako kay Li habang naglalakad papalapit sa akin. "Ang ganda noon ah. Girlfriend niyo?"
"No, she is not my girlfriend." Pailing kong sagot.
"Single? Kung single siya ay pwede ko ba siyang ligawan?"
"Subukan mong kausapin ang ama niya. Ang balita ko isa mga sa prisoner."
"Yikes. Huwag na lang pala. Baka ano pa ang gawin ng tatay niya sa akin."
"Bumalik ka na nga sa trabaho mo kung ayaw mo ipadala kita kasama ni Hernandez sa Davao."
"Sir naman. Ito na nga babalik na ako sa trabaho." Sabi nito saka umalis na sa harapan ko.
Kahit mga trainee pa lang ang dalawa noon ay hindi na sila magkasundo sa ibang bagay. Nainis ako ng sobra sa palagi nilang babangayan. Kaya inassign ko noon si Li sa province area habang si Jace ay dito naman sa Manila. Pero ngayon inassign ko si Jace sa Davao kaya nandito ngayon sa Manila si Li.
Pagkatapos ng trabaho ko ay umuwi na ako. Inaasahan kong tulog na ang mga tao sa bahay but to my surprise may nakita ako isang batang lalaki nakaupo sa couch.
"Hey." Inangat niya ang tingin para tumingin sa akin. Gulat ako ng makita ang mukha niya. Bakit medyo may hawig kay Heaven ang batang ito?
Nakita ko na may sinusulat siya sa isang sketch pad at pinabasa sa akin ang sinulat niya.
Bakit po?
Kumunot ang noo ko sa ginawa ng batang ito.
"You can't speak?" Tumango siya sa akin. Nakaramdam ako ng awa sa batang ito. "Anyway, bakit hindi ka pa natutulog?"
Katulad ng kanina ay may sinusulat ulit siya sa sketch pad at pinakita sa akin.
Hinihintay ko po si mommy.
Kumunot ulit ang noo ko sa nabasa.
"Sinong mommy?"
Sinulat siya ulit sa sketch pad at pinakita sa akin.
Mommy Hailee po.
Bakit tinatawag niyang mommy si Hailee kung magkapatid silang dalawa? That's weird.
"Ako na lang ang maghihintay sa kanya kaya matulog ka na. Maaga pa ang pasok mo bukas."
Pinakita niya sa akin ang sinulat niya sa sketch pad.
Okay po. Good night.
"Good night." Nakangiting sabi ko at ginulo ang buhok niya bago pa siya tumayo.
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomanceHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...