Chapter 45

1.4K 44 1
                                    

David's POV

Inasikaso ko agad ang kasal namin. Isa rin kasi ito sa plano ko pagkapropose ko kay Hailee ay aasikasuhin na namin ang kasal. At hindi lang iyon inasikaso ko rin ang paglaya ng ama niya kahit ayaw niya makalaya sa kulungan. Natagalan lang dahil marami nangyari sa buhay ko. Ang tungkol kay Gold naman ay wala talaga siyang balak makalaya. He wants to stay inside of jail.

Ngayong araw ang kasal namin ni Hailee. Imbitado lahat na kaibigan ko, malapit sa akin, katrabaho kahit nga ang mga magulang ko ay umuwi pa ng Pilipinas noong nalaman nilang ikakasal na ako. Wala akong alam na uuwi sila. Mas lalong wala akong maalala na sinabihan ko sila dahil sobrang busy ko. Isa lang ang source nila kung paano nila nalaman na ikakasal na ako. Si Heaven. Noong nalaman ni mama na tunay kong anak si Heaven ay natuwa siya dahil binigyan ko siya ng apo. Hindi lang isa, kundi dalawang apo.

"Hindi pa naman nagsisimula ang seremonya ng kasal niyo. Can we talk?" Tumingin ako kay Zion na sobrang seryoso niya ngayon.

"Um, sure. What do you want to talk about?"

"Alam kong binuksan niyo ulit mga pulis ang kaso sa pagpatay sa mama ko. Bakit niyo naman iyon ginawa?"

"Hindi ba sinabi sayo ni Jessa na banggit niya ang tungkol doon noong kausap ko siya noon?"

"Wala siyang sinabi sa akin tungkol doon."

"At ginawa ko ito hindi para sayo. Ginawa ko ito para sa pinsan ko at sa anak niyo. I want them safe. Kahit sabihin natin isa kang agent mas mabuti ng doble ingat lalo na dating mayor rin itong kalaban mo."

"Tsk. Alam ko naman yun at hindi ko kailangan ng tulong niyo mga pulis. Labas kayo dito. Laban ito ng pamilya at ng Luciano na iyon."

"I'm sure you understand what I mean, right. I'm doing this for Jessa and Zoe's safety. Mas mabuti ng doble ingat para sa kaligtasan nilang dalawa. Understood?"

"Naiintindihan ko naman ang ibig mong sabihin. Hindi naman ako tanga para hindi ko maintindihan yun. Hindi ako magiging superior kung mahina ang utak ko."

"So, you're a superior."

"Yeah."

Superior siya, police chief ako. Parehong mataas ang posisyon naming dalawa.

"Ganito na lang. Why don't you cooperate with us?"

"I don't trust police. Simulang nawalan ako ng tiwala sa katulad niyo noong sinarado niyo ang kaso sa pagpatay kay mama."

"Kaya nga binuksan ko ulit yung kaso para tumulong."

"Eh di, sinabi mo rin gusto mo ngang tumulong sa akin." Natikom ako bigla doon. Damn him. Siya na nga itong tinutulungan pero siya pa ang ayaw at hindi ko naman talaga ito ginagawa para sa kanya.

"Damn. Kung ayaw mo ng tulong namin. Bahala ka. Aabutin ka pa ng ilang taon bago mo mahuli ang dating mayor Franco Luciano. Baka mahuli mo lang siya kapag patay na." Umalis na ako dahil nauubos lang ang pasensya ko sa kanya. Bwesit.

Habang naglalakad ay nakita ko si Rocco na magisa lang. Himala hindi niya kasama si Sarah.

"Hindi mo yata kasama si Sarah."

"Kasama niya ang mga anak namin sa loob ng simbahan at nakita kong kasama mo kanina si Zion." Kumunot ang noo ko.

"Kilala mo si Zion?"

"Yes. Hindi ko lang siya kilala dahil kaibigan ko pa."

"Paano nangyari iyon? Ang akala ko si Theo ang kaibigan mo."

"Maybe Theo is my best friend and childhood."

"Huwag mong sabihin isa ka ring agent."

"Paano mo— Did Sarah told you?"

This is madness. Ang mga asawa nina Sarah at Jessa ay isang agent. Damn it.

"Walang sinabi si Sarah. Inamin sa akin noon ni Zion isa siyang agent at sinabi mong kilala at kaibigan mo si Zion. Isa lang ang pumasok sa isipan ko. Baka isa kang agent kagaya niya."

"Yeah, I'm an agent."

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ka umalis sa pagiging pulis mo? Magaling ka pa namang pulis."

"Temporary job ko lang ang pagiging pulis. Siguro nga nakapag tapos ako ng criminology pero itong pagiging agent ang gusto ko kaysa sa pagiging pulis. Kahit papaano ay tumutulong pa rin ako sa kapwa ko. And you have nothing to worry about dahil mas priority ko ang mag-ina ko kaysa sa trabaho. Ayaw ko na maulit ang nangyari noon sa dati kong asawa."

"Dapat lang dahil lagot ka sa akin kapag may mangyaring masama kay Sarah."

"Anyway, kaya pala ako lumabas dahil gusto talaga kita makausap."

"Naguusap na tayo. Kanina pa."

"No, I mean nabanggit na sa akin ni Sarah kung bakit naging ganoon siya noong nabanggit mo ang pangalan ni Gold. Actually, narinig ko na may nangyari kay Red noon dahil sa kagawan ng dati niyang asawa at ni Gold sa kanila ni Tiffany."

"Yeah, at naiintindihan ko naman kung bakit ganoon si Sarah. Galit siya kay Gold."

"She wants to apologize pero nahihiya siya."

"Apology accepted."

"That's all. Balik na ako sa asawa ko." Tumango ako sa kanya at bumalik na siya sa loob ng simbahan.

Nang nagsimula na ang seremonya ay nakita ko na si Hailee papasok sa simbahan habang hinahanatid siya ng ama niya aisle. And she's damn pretty in her wedding dress.

Pagtapos ng seremonya ay pumunta na kaming lahat sa reception. Isang simple lang ang reception namin ni Hailee.

"Babe, ayos ka lang ba? You look pale."

"I'm fine." Ngumiti siya sa akin. Halata naman hindi siya okay, eh.

Pagtapos namin kumain ay nagpasya kami ni Hailee puntahan ang table ng mga kaibigan ko.

"Whoo! Kasal na rin siya." Masayang sabi ni Gael.

"Kasal na kayong tatlo ngayon." Sabi naman ni Tiffany.

"Babe, papakilala ko pala sayo. Si Tiffany, asawa ni Red at ang mga anak nila na sina Mason, Gaia at Ryan. Si Eina, asawa ni Gael at ang anak nila na si Isaac."

"Hello." Nakangiting bati ni Hailee sa kanila.

"Hi." Reply ni Eina.

"Tanda ko dati walang balak magpakasal ang dalawang ito pero mukhang kinain nila ang sinabi nila noon. Lalo ka na Gael." Natatawang sabi ni Tiffany.

"Siguro nga kinain ko ang sinabi ko na wala akong balak magpakasal pero nabusog naman sa pagmamahal ng asawa ko." Natatawa ring sagot ni Gael kaya pinalo siya ni Eina.

"Bolero ka talaga."

"Dave, namumutla yata ang asawa mo. Is she okay?" Ani Red na kinalingon ko naman kay Hailee.

"You're not okay, babe. Gusto mo bang pumunta tayo ng ospital? Maiintindihan nama nila kung bakit tayo umalis."

"I'm fine. I'm fi—"

Nagulat ako ng biglang nahimatay si Hailee kaya binuhat ko siya ng bridal style.

"Daddy, okay lang po ba si mommy?" Tanong ni Danny. Nagaalala rin ang kambal sa nangyari kay Hailee.

"Buddy, magiging okay ang mommy niyo. Doon na kayo sa lola niyo habang wala pa kami ng mommy niyo."

"Okay, daddy." May pagaalala ang boses ni Heaven.

Definitely MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon