Pagkarating ko sa lugar ay walang kahit anong bantay sa labas. Mabuti na nga lang dumating agad ang mga back up pagdating namin ni Venice dito.
"Okay. Group A, doon kayo sa likod magbantay. Group B, dito kayo sa harap. At group C, sumama kayo sa akin sa loob." Sabi ko sa kanila.
"Paano naman ako, Dave? Baka nasa loob rin si Stuart."
"Kahit malaki ang kasalanan mo sa amin lalo na kay Hailee ay hindi kita papayagan sumama sa operation na ito, Venice. You have to stay here. Babalitaan na lang kita kung mahanap rin namin si Stuart. Huwag kang aalis sa kotse. Kung hindi magagalit talaga ako sayo."
Iniwanan na namin si Venice sa labas dahil pumasok na kami ng kasamahan ko sa loob ng building. Wala niisang bantay dito. Don't let your guard down, Dave. Baka isa lang ito patibong.
"Wait for my signal." Sabi ko sa kanila habang tumitingin sa likod ng isang pader. Wala nga akong naririnig na kahit anong footsteps.
Binigyan ko na sila ng signal para kumilos na agad. Humiwalay ako sa kanila para mahanap ko agad si Hailee pero laking gulat ko sa nakita ko. Si Stuart. Nakagapos siya at puro bugbog ang mukha niya.
"Stuart." Tumingin siya sa akin. Sino may gawa nito sa kanya?
"Hey." May gana pang ngumisi sa akin.
"Buhay ka pa pala."
"Sabi ko nga sayo hindi ako pwedeng mamatay hanggat hindi kita matalo." Tinutulungan ko na siya alisin ang tali sa kanya.
"Si Hailee? Kilala mo ba kung sino ang may gawa nito sa inyo?"
"I don't know him. Inaamin ko sayo nakipagkita ako sa girlfriend mo noong isang araw, pero ano pa nga ba ang aasahan ko? Galit rin siya noong nalaman niya ang dahilan. Pasakay na rin siya noon pero may isang lalaki lumabas kung saan at sinundan ko sila kung saan nila dadalhin ang girlfriend mo pero nahuli niya ako saka sinuntok sa sikmura para mawalan ng malay."
"And he tortured you?"
"Parang ganoon na nga. Nagmumukha akong talunan talaga."
Tsk. Sino naman kaya gagawa nito? Wala akong kilala na may nakaaway ako para gawin ito.
"Pero kilala siya ng girlfriend mo." Namilog ang mga mata ko sa narinig. Kilala siya ni Hailee? How come?
"Kilala niya? May naalala ka ba kung may nabanggit si Hailee na pangalan?"
"Parang tinawag niyang... um... Sorry, David. Wala ako maalala at blurred ang lahat."
"Damn it." Sinuntok ko ang sahig sa galit ko. Sino ba? At kilala siya ni Hailee. Ang ama lang naman ang natitira niyang pamilya nandito sa Pilipinas at ang pagkaalam ko wala rito ang ina niya. Saka, nasa kulungan pa rin ang ama niya kaya imposible. "Nasa labas si Venice."
"What? Bakit siya nandito?"
"Nagaalala siya sayo dahil ilang araw ka na hindi umuuwi sa inyo. Hindi niya ako tinitigilan kapag hindi ako pumayag na sumama siya sa pag imbestiga. Kaya mo ba tumayo?"
"May lakas pa naman siguro ako." Sinubukan niyang tumayo pero napaupo siya agad. Wala ng lakas si Stuart para tumayo.
"Stay here. Kung may makita akong kasamahan ay papuntahan ko siya dito para tulungan ka makalabas."
"Okay."
Habang naglalakad ako ay may nakita akong kasamahan ko kaya sinabi ko sa kanya na puntahan niya si Stuart para tulungan at sinabi ko rin sa kanya kung saan matatagpuan.
"Chief." May isang pulis ang lumapit sa akin. "Nakita na ho namin ang girlfriend niyo."
"Where? May kasama ba siyang lalaki?"
"Noong nakita namin siya ay wala naman siyang kasama na kahit sino."
"Okay. Magbantay kayo rito baka bumalik iyon."
"Yes, sir."
Nagmamadali na akong puntahan si Hailee at nakita ko siya sa isang kwarto habang nakaupo sa kama.
"Hailee." Tumingala siya sa akin para bang natatakot.
"Dave. Ano ang ginagawa mo rito?"
"Ililigtas ka. Nagaalala na kami ng kambal sayo dahil ilang araw ka na nawawala. Nangako ako sa kanila na hahanapin kita."
"Umalis ka na rito dahil manganganib ang buhay mo."
"I don't care. Ang mahalaga ay ligtas ka at makakauwi sa ba—"
"Wala ka pa rin pinagbago hanggang ngayon, police chief David Ferrer. After 7 years." Nagulat ako ng may marinig akong familiar na boses. Lumingon ako at namilog ang mga mata ko sa nakita.
"Paano? Pinatay ka ng isa kong kasamahan noon."
"I pretend to be dead. Pitong taon ako nagtago."
"Kung buhay ka. Ibig sabihin buhay rin si—"
"No. Hindi ba pinatay niyo na si Bianca? Kung buhay pa siya ay papatayin ko siya. That bitch. I won't forgive what she did."
"Kaya ka ba nandito ngayon para gumanti sa nangyari noon?"
"Exactly. Especially to Red. Hinding hindi ko mapapatawad ang ginawa niya sa akin."
"Stop it, Gold. Tanggapin mo na ang mga nangyari. Masaya na ngayon ang kaibigan ko kung ano ang meron siya. Tigilan mo na ito."
"No! Hindi ako titigil hanggat hindi ko kayo mapapatay lahat. Tutal nandito ka rin naman kaya ikaw na ang uunahin ko." Tinutukan niya ako ng baril. Kung ito lang ang paraan para mabayaran ang nangyari noon.
"Tumigil ka na, Gold!"
"Ikaw ang tumigil, Hailee. Hindi ako makapaniwalang magpapaloko ka sa lalaking ito. Maganda sana kung masaksihan ng mga anak niyo kung paano ko papatayin ang ama nila."
"Huwag mo sila idadamay dito, Gold! Labas ang mga bata kung ano ang nangyari noon. Kung gusto mo kami patayin mga kaibigan ko ay ako na lang. Huwag mo na rin idamay rito sina Red at Gael."
"Too bad. Pagtapos ko sayo ay sila naman ang isusunod ko."
"Gold, huwag mo na ituloy ito! Sa tingin mo ba matutuwa ako kapag pinatay mo si Dave o kahit sino sa mga kaibigan niya."
"I don't care. Ikaw ang unang nagloko sa akin, Hailee. Sa tingin mo rin ba matatawad kita sa ginawa mo."
"Wala akong alam hanggang inamin sa akin ni Dave ang nangyari."
"Exactly. Wala ka ngang alam pero sinabi naman siya sayo. Kaya lang hindi ka man lang nagisip ng paraan para ipaghiganti ako."
"Hindi na ikaw ang kapatid ko."
"Matagal ng patay ang kapatid mo, Hailee dahil ibang iba na ang Gold nasa harapan niyo ngayon."
"Hailee, do you trust me?" Mahinang tanong ko kay Hailee na kinatingin niya.
"Maniniwala naman ako sayo, Dave."
"You have to escape from here. May mga tauhan ako sa labas."
"Pero paano ka?"
"Don't worry about me." Ngumiti ako sa kanya. Wala naman ako dapat kailangan bayaran sa nangyari noon dahil kasalanan rin naman ni Gold kung ano ang nangyari sa kanya 7 years ago. But this is not the right time.
"Hailee, umalis ka diyan!" Bumalik ako sa katinuan sa narinig ko at laking gulat ko nasa harapan ko na ngayon si Hailee. Shit. Hindi siya umalis.
"Hailee..."
"Hindi ako aalis rito. Kung papatayin mo si Dave ay patayin mo na rin ako."
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomanceHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...