David's POV
I still don't know what to do. Hanggang ngayon ay wala pa kaming lead kung saan matatagpuan si Hailee at kung sino ang gagawa nito sa kanya.
Nakita ko si Venice papalapit sa desk ko.
"What do you want?"
"Hindi pa bumabalik ang kapatid ko hanggang ngayon at nagaalala na ako sa kanya."
"Malaki na si Stuart at alam na niya ang ginagawa niya. May problema rin ako dahil hindi pa bumabalik si Hailee. I need to find her."
"Hindi pa bumabalik ang girlfriend mo?"
"You heard me."
"Ilang araw na siya hindi umuuwi?"
"More than a week."
"Pareho sila ni Stuart. More than a week na rin siya hindi umuuwi." Napatingin ako kay Venice. Hindi kaya.. No, that's impossible.
"Pupunta ako kung saan huling nakita si Hailee ngayon." Tumayo na ako sa kinauupuan ko.
"S—Sasama ako. Baka may makuha rin ako kung saan pumunta si Stuart." Tumango lang ako sa kanya.
Pumunta na ako sa school ni Hailee kahit ayaw niya ako pinapunta dito pero kailangan ko kumuha ng lead at baka dito rin siya huling nakita.
"Excuse me, hindi ba kaklase ka ni Hailee Galvez?" Tanong ko sa isang kaklase niya.
"Yes. May nangyari bang masama kay Hailee?"
"Actually, she is missing for more a week. I'm here to ask you kung saan mo huling nakita si Hailee."
"Sa classroom po namin pero may nakakita daw sa kanya na may kasamang lalaki."
Kununot ang noo ko. May kasamang lalaki si Hailee? Sino naman kaya iyon?
"Can you describe what he looks like?" Tanong naman ni Venice.
Diniscribe ng kaklase ni Hailee kung sino ang lalaking kasama niya bago pa siya nawala. Tumingin ako kay Venice dahil alam namin na posibilidad na si Stuart ang kasama niya. Kahit rin kung saan sila pumunta.
"Thank you." Pagpapasalamat ko sa kaklase ni Hailee bago umalis. "Mapapatay ko ang kapatid mo kapag may ginawa siyang masama kay Hailee."
"Kahit rival ang turing sayo ni Stuart ay hindi niya magagawa iyon. I know him."
Ang sunod na pinuntahan namin ni Venice ay ang coffee na pinuntahan ni Hailee at noong lalaking kasama niya. Lumapit na ako sa cashier para magtanong.
"Excuse me." Nilabas ko ang police badge ko. "Pwede ba magtanong?"
"Ano ho yun, sir?"
"Nakita niyo ba ang babaeng ito?" Pinakita ko sa kanya ang picture ni Hailee.
"Sorry, sir. Sa dami ho naming customer dito ay hindi ko na maalala ang mukha nila."
"Ano ang problema dito?" May isang lalaki ang lumapit sa amin. Sa tingin ko siya ang manager ng coffee shop na ito kaya pinakita ko sa kanya ang police badge ko. "Ano ang kailangan ng pulis?"
"May mga CCTV camera kayo dito?"
"Meron, sir." Tinuro niya kung nasaan ang mga CCTV camera.
"Pwede ba makita ang mga kuha ng CCTV camera niyo dahil may nakapag sabi na dito daw huling nakita ang habaeng ito." Pinakita ko sa kanya ang picture ni Hailee.
"Okay. This way."
Nang makarating na kami sa isang room ay pinanood ko na yung araw bago mawala si Hailee at hindi nga ako nagkamali si Stuart ang kasama niya. Malalagot talaga sa akin ang lalaking iyon— wait, ayon sa video parang galit si Hailee kay Stuart. Ano naman kaya ang pinaguusapan nilang dalawa? At hindi naman nagtagal ay umalis na rin ang girlfriend ko sa coffee shop. Iyon na ang huling kuha ng CCTV camera.
Wala pa rin akong lead kung sino ang may gawa nito. May chance na may kinalaman si Stuart dito. Pwede niyang kunin si Hailee paglabas nila ng coffee shop.
"Pinagbibintangan mo rin ba si Stuart na kumidnap sa girlfriend mo?"
"May posibilidad. You said more than a week na rin nawawala si Stuart kaya hindi imposible walang kinalaman si Stuart dito."
"Kilala mo ang kapatid ko, Dave. Hindi magagawa ni Stuart ang ganoong bagay na pwedeng masira ang pangalan namin at pwede rin mawala siya sa serbisyo. Alam mo naman kung gaano importante sa kanya ang trabaho niya. Ang kailangan nating gawin ay hanapin sila. Kapag nahanap na natin sila ay pwede mo naman tanungin si Stu—"
"Matalino ang kapatid mo. Sa tingin mo ba aamin siya sa maling ginawa niya?"
"Kahit ngayon lang maniwala ka sa akin, Dave. Nawawala rin ang kapatid ko tapos pinagbibintangan mo siyang kumidnap sa girlfriend mo kahit alam nating pareho imposibleng gawin niya iyon. Wala ka ngang ebidensya na gagawin nga ni Stuart yun."
"Hindi pa ba sapat ang nakita mo?! Si Stuart ang huling kasama ni Hailee!"
"Hindi rin sapat ang mga nakita natin sa video, Dave. Hindi nga natin alam kung ano ang nangyari paglabas nila ng coffee shop. Malay mo may ibang tao ang kumidnap sa kanya at nadamay rin si Stuart dahil siya ang kasama nito."
I don't know what to do. Hindi ako makapag isip ng maayos dahil iniisip ko rin ang nangyayari sa kambal ngayon. Nagaalala rin sila sa mommy nila.
Tumingin ako sa phone ko dahil nakita kong tumatawag sa akin si Gael.
"Gael, not now. May kailangan pa ako ga—"
"I think I saw Hailee just now, dude."
"What? Saan?"
Sinabi sa akin ni Gael kung nasaan siya ngayon. Humanda talaga kung sino ang may gawa nito sa kanya. Hindi ko siya mapapatawad at kung si Stuart nasa likod nito ay lagot rin siya sa akin.
"Thanks, Gael. Malaking tulong itong dahil ilang araw na nawawala si Hailee."
"Damn. Dapat sinabi mo sa akin dahil handa naman akong tumulong sayo."
"Ayaw ko na rin naman isturbuhin ka dahil may pamilya ka na at busy ka rin sa trabaho mo. But I have to end this call. Thanks again." Binaba ko na ang tawag. Tinawagan ko naman ang police station para humingi ng back up.
"May alam ka na kung saan sila makikita?"
"Yeah. Kaya pupunta ako doon agad ngayon."
Hindi ko na papalampasin ang pagkakataon na ito at nangako ako sa kambal na ililigtas ko ang mommy nila.
"Shit. Ang bilis mo magmaneho, Dave!"
"Manahinin ka na lang diyan. Kailangan kong puntahan agad si Hailee." Pinatakbo ko ng mabilis ang kotse ko para lang makarating agad doon.
Hailee, wait for me. Dadating ako para iligtas ka.
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomanceHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...