Chapter 31

1K 39 0
                                    

Hailee's POV

Pagtapos ng klase ko ay inaayos ko na ang mga gamit ko at napatingin ako sa mga kaklase ko na nakatingin sa labas ng bintana. Sino naman kaya ang tinitingnan nila sa labas?

"Ang gwapo naman noong lalaki." Rining kong sabi ng kaklase kong babae.

"Oo nga. Sino kaya ang hinihintay niya?" Sabi naman noong isa.

"Hailee, halika. Ang gwapo." Tawag ng isa kong kaklase sa akin. Sa totoo lang kaklase ko sila sa subject na ito. Hindi ako regular dahil may ibang subject ako noon na nakuha ko noong nagaaral pa ako kaya hindi ko na kinuha pa at binigyan na lang ako ng dean namin na ibang subject para advance. Hindi na rin ako umulit sa 1st year dahil apat na taon pa ang hihintayin ko para grumaduate.

Kung alam lang niya na wala akong interesado sa mga gwapong lalaki. Si David lang ang gwapo sa paningin ko.

Dahil na rin siguro sa curiosity ko ay tumingin na ako sa bintana at laking gulat ko ng makita kung sino ang tinitingnan ng mga kaklase ko. Ano ang ginagawa niya rito? Alam kong marami siyang kailangan gawin sa trabaho niya.

Kaya kinuha ko na agad ang bag ko sa upuan at nagpaalam na sa kaklase ko. Nagmamadali rin akong lumabas sa building namin para punatahan siya.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Sinusundo ka."

"Hindi mo naman kailangan sunduin ako. At alam ko mamang marami ka pang ginagawa sa police station."

"Inspired ako kanina kaya tinapos ko agad."

"Eh?" Namula ako ng naalala ko yung halikan namin kanina bago ako pumasok.

"Inspired lang ako pero wala naman ako ginawa masyado kanina dahil kinuha ng ibang pulis ang kaso."

"Sayang naman. Kung nakuha mo lang yung kaso ay siguradong malulutasan mo agad iyon." Sabi ko na kinangiti niya. "Bawi ka na lang next time."

"Hindi naman lahat na kaso madali lutasin. May mga kasong mahirap at hindi agad-agad nalulutas."

"Hailee." Tumingin ako sa likuran noong may tumawag sa akin. "Kapatid mo?"

Sumimangot ako sa tanong niya. Mukha ba kami magkapatid? Sabagay, wala naman magiisip na boyfriend ko si David dahil malaki ang agwat ng edad naming dalawa.

"I'm not her brother but her boyfriend." Sagot ni David na mukhang nainis siya sa tanong kanina.

"Boyfriend? Sorry. Ang akala ko magkapatid kayo."

"We have to go." Binaling ni David ang tingin sa akin. "May pupuntahan pa tayo kaya sinundo kita."

"Saan naman?" Hindi na niya ako sinagot ng pinagbuksan na niya ko ng pinto sa passenger's seat. Sumakay na siya sa driver's seat.

Habang nasa biyahe kami ay kinukulit ko siya kung saan kami pupunta.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Papakilala kita sa pinsan ko. Nabanggit kasi kita sa kanya habang kausap ko siya kanina at gusto ka niya makilala."

Wala akong ideya na may kamag anak pala siya dito sa Pilipinas. Ang akala ko ang mga kamag anak niya sa malalayong lugar at siya lang ang nandito.

Nang makarating na kami sa isang restaurant ay nilibot na niya ang paningin sa buong restaurant.

"There she is. Let's go." Napatingin ako sa mga kamay namin noong hawakan niya amg kamay ko.

May isang mala dyosang babae ako nakita. Siya siguro ang sinasabi ni David na pinsan niya.

"Jessa." Tumingin naman yung babae sa amin.

"Kuya Dave." Tumingin naman siya sa akin. Naiilang ako sa titig niya. "Siya na ba yung sinasabi mong girlfriend mo? Hindi ko alam member ka rin pala ng pedophile club."

Gusto ko matawa sa sinabi ng pinsan ni David.

"Loko kang bata ka. May makarinig sayo dito."

"Sus. Be proud. Ganoon rin naman si Zion at ang dalawa niyang kaibigan."

"Jessa, this is Hailee. Hailee, this is Jessa pinsan ko."

"Hello. Mukhang hindi naman nakakalayo ang edad nating dalawa."

"Ilang taon ka na?" Tanong ko sa kanya."

"Twenty-six pero hindi naman obvious." Napanganga ako dahil ang akala ko pa naman mas bata siya sa akin. Iyon pala ay mas matanda pala siya sa akin. "How about you?"

"Twenty-three."

"See? Ang bata pa ng girlfriend mo, kuya Dave. Pedophile ka nga."

"I am not. Ang kulit nito. Umorder na nga lang tayo." Nagtawag na si David ng waiter kaya may lumapit na sa table namin. Kinuha na rin ng waiter ang mga orders namin.

"Paano pala kayo nagkakilala na dalawa?" Tumingin ako kay David. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa pinsan niya kung saan ba talaga kami nagkakilala ni David.

"Club." Nagulat ako sa sagot ng katabi ko. Inamin niya talaga.

"Club?"

"Yes. Sa club kami nagkakilala ni Hailee 4 years ago but don't get me wrong. Hindi siya nagtatrabaho doon."

"Hindi ko iniisip ang ganoon. Ikaw talaga, kuya."

"And after 4 years nagkita ulit kami sa school."

"School? Ano naman ang ginagawa mo sa school? Ang alam ko isa kang pulis, hindi teacher."

"May nangyari sa amin ni Hailee noon at nagkaroon kami ng anak."

"What?!" Napalakas ang boses ni Jessa kaya napatingin sa amin ang customers. "Seryoso? Hindi ako makapaniwala magagawa mo ito, kuya Dave."

"I'm serious and you have to believe me. May dalawa ka ng pamangkin."

"Dalawa? Wow. Hindi ko rin inaasahan kambal ang anak niyong dalawa. Alam na ba nila tito?"

"Yes. Matagal na nila alam ang tungkol kay Hailee at sa kambal. Kilala na rin nila si Hailee."

Noong dumating na ang mga orders namin ay magsimula na kami kumain pero biglang tumayo si David at nagpaalam sa amin para pumunta sa restroom.

"Um, hindi naman ako tutol sa relasyon niyong dalawa ni kuya Dave. Ang totoo niyan masaya ako dahil nagkaroon na siya ng girlfriend at naiintindihan ko ang sitwasyon mo kasi mas matanda rin sa akin ang asawa ko ng 10 years." Kumurap ako. Wow. 10 years ang tanda ng asawa niya sa kanya. "Pero iyan si kuya tutol siya sa relasyon namin ni Zion."

"Bakit naman?"

"Dahil anak si Zion ng dating mayor. Ayaw kasi ni kuya Dave sa mga politicians."

"Ano ang dahilan kung bakit ayaw niya sa mga politiko? Hindi naman lahat na politiko ay masama."

"Iyon na nga. I already met his father bago nangyari yung aksidente noon. Mabait siyang tao kaya imposible ang iniisip ni kuya Dave na ganoon rin ang pamilya ni Zion. Kaya nga sabi ko sa kanya kahapon kilalahanin niya muna ni Zion bago niya husgahan." Napatingin ako noong hawakan niya ang kamay ko. "Thank you for loving my cousin. Wala pang babae pinakilala sa akin iyan noon. Ang akala ko nga isa siyang bakla dahil ni minsan ay hindi pa siya nagkakagusto sa isang babae. Masaya ako na may girlfriend na siya at hindi lang yun may kambal pa kayo. Pareho bang lalaki? O babae?"

"Lalaki at babae ang anak namin."

"Oh. Parang gusto ko sila makilala at isasama ko rin ang anak namin."

"Anak na kayo?"

"Yup. Babae ang anak namin ng asawa ko at may plano pa kaming sundan si Zoe."

"Ilang taon na kayo kasal?"

"Hm, 2 years na kaming kasal."

Wow. Ang tagal na pala nilang kasal ng asawa niya. Halatang mahal na mahal nila ang isa't isa lalo na may anak sila.

Definitely MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon