Chapter 21

1.1K 38 1
                                    

Nagising ako sa isang hindi familiar sa akin. Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid at sa tingin ko nasa ospital ako ngayon pero huminto ang tingin ko sa isang lalaki nakaupo sa couch. Ano ang ginagawa niya rito? Hindi ba dapat kasama niya ang kambal?

"Hailee." Tumayo siya ng makita siguro ako gising na at lumapit na rin siya sa akin. "Musta ang pakiramdam mo?"

"B—Bakit nandito ako?"

"Nakita ka namin walang malay. Mabuti na lang hindi kami tumuloy ng mga bata sa pupuntahan namin dahil nakaramdam ako na hindi maganda."

"A—Ano ang ginagawa ko rito?" Pinipilit kong bumangon pero pinipigilan ako ni David.

"Hindi ka pwede bumangon. You need some rest."

Hindi na ako sumagot sa kanya pero bigla kong naalala yung babae kanina.

"I'm David's girlfriend."

Hindi na tuloy alam kung sino ang pagniniwalaan ko. Ang taong minahal ko ng lubusan o yung babaeng pumunta kanina sa bahay? Gulong gulo na ako.

"Ano na ang nangyari sayo kanina?" Kumurap ako ng magsalita siya. Kitang kita ang seryoso ng mukha ni David ngayon.

"N—Nahilo lang ako kanina." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo.

"Sa susunod mag-ingat ka naman. Hindi mo ba alam na buntis ka?" Natigilan ako sa sinabi niya at dahan-dahan akong tumingin sa kanya na gulat na gulat.

Ako? Buntis? Nagkaroon agad ng bunga sa nangyari sa amin ni David. Tsk. Kaya naman pala wala ako sa mood kumilos kanina.

"W—Wala akong alam. K—Kamusta?" Naluluha ako ng makita kong umiiling ng ulo si David. Hindi maaari ito. Malalagot sa akin ang babaeng iyon kapag nakita ko siya. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.

"Hailee, hindi ako naniniwalang nahilo ka kanina. Sabihin na sa akin kung ano ba talaga ang nangyari sayo." Hindi niya talaga ako titigilan kapag hindi ko sinabi sa kanya ang totoong nangyari. Imbes na sagutin ko siya ay tumalikod na lang ako.

"Gusto ko na magpahinga."

Ang sakit mawalan ng anak. Ang kambal nga nagkahiwalay dahil ang akala ko ay namatay ang isa pero iyon pala kinuha ni papa noong wala pa akong malay at iniwanan sa bahay ni David. Hindi ko lang maintindihan kung paano niya nalaman kung sino ang ama ng kambal. Ni minsan ay hindi ko binabanggit kay papa dahil wala naman akong alam kung sino ang lalaking gumalaw sa akin noon.

Tumingin ako sa likuran ng may marinig akong nagbukas ng pinto. Ang akala ko pa naman ay umalis na siya pero hindi. May nurse na nurse para tingnan ako at hindi naman tumatagal ang nurse dito.

"Hanggang kailan ba ako dito?" Tanong ko sa kanya. Iniisip ko ay baka nagaalala na rin ang kambal sa akin.

"Kakausapin ko na lang doctor na tumingin sayo kanina kung papayagan ka na niyang lumabas." Tumayo na siya at lumabas na ng kwarto.

Ilang oras ang lumipas ay pinayagan na ako ng doctor na lumabas ng ospital. Buong biyahe ay walang nagsasalita sa aming dalawa ni David.

Hindi ko man lang nalaman na buntis pala ako. Kapag nakita ko ang babaeng iyon ay mapapatay ko siya.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa isa kong kamay kaya tumingin ako sa kanya.

"Alam kong mahirap sayo ang mawalan ng anak, Hailee."

"Hindi mo maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ikaw ang nawalan."

"Hindi ako ang nawalan?" Tumingin siya sa akin noong nag-stop. "Alam kong anak ko iyon."

"Paano ka naman nakakasigurado sayo yung bata ah? Hindi mo naman ako ganoon kilala." Inis kong sambit sa kanya. Pero wala naman akong ibang lalaki maliban sa kanya.

"Wala kang ibang lalaki at ako ang unang lalaking nakauna sayo." Tumingin siya sa akin pero ang seryoso na ngayon. Napalunok ako sa pwede niyang gawin sa akin. "Maliban sa paghatid sundo sa kambal ay hindi ka naman lumalabas ng bahay. Wala ka ring boyfriend."

"Stalker ba kita?"

"Hindi mo ko stalker. Pinaimbestiga kita dati, diba? Kaya nga nalaman kong ikaw ang ina ni Heaven at ikaw din ang babeng niligtas ko noon sa club."

Yeah, naalala ko mga panahong iyon. Medyo nakainom na rin ako kaya hindi ko na alam ang ginagawa ko.

Dahil marami na rin naman ang nainom ko ay nagpasya ako sumayaw sa dance floor para magsaya ngayong gabi. Kahit ngayon lang ay makalimutan ko ang lahat na problema.

"Hi, miss." Lumingon ako sa likuran na may makitang panget na lalaki. Shit. "Ang ganda mo naman. Gusto mo bang sumama sa akin?"

Hinawakan niya ang braso ko at sinubukan ko pumiglas sa hawak niya pero masyadong mahigpit iyon.

"Huwag mo na subukang lumabas, miss beautiful." Nakangising sambit ng isa pang panget.

Ano ang gagawin ko ngayon? Wala akong laban sa kanila.

"Mga sir." Tumingin ako sa nagsalita pero dahil nahihilo na ako ay hindi ko makita ng maayos ang mukha niya. "Kung ako sa inyo ay bitawanan niyo na ang babae, kung ayaw niyo masaktan."

"Aba, matapang ito ah. Sino ka ba?"

"Sino ako?"

Hindi ko na alam ang sunod nangyari pero naramdam ko na lang nawala na yung paghawak sa akin ng lalaki.

"Um." Hindi ko pa rin makita ng maayos ang mukha niya hanggang nawalan ako ng malay.

Nagising ako sa sinag ng araw at masakit rin ang ulo ko dahil sa hangover. Sobrang dami ng ininom ko kagabi.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid. Nasaan ako ngayon? Napasinghap ako ng makita kong wala akong saplot sa katawan at mas kinagulat ko na may makita akong dugo sa bedsheet.

Nasaan ang hayop na gumalaw sa akin?! Bwesit!

Tiningnan ko si David habang nagmamaneho.

"Huwag mo ko titigan ng ganyan baka matunaw ako."

Kung nakakatunaw nga lang ang titig ng isang tao ay tinitigan ko na ito noon pa lang.

"I hate you!" Nagulat ako sa bigla niyang pag break sa kotse niya.

"What?" Kunot noo siyang tumingin sa akin.

"Ayaw ko sayo. Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang bata sa sinapupunan ko!" Nakayukom ang mga kamao ko habang pumapatak ang luha ko. Naiinis din ako sa sarili ko.

"Ano ang ginawa ko sayo?"

Hindi na ako sumagot dahil tuloy lang ang pagpatak ng luha ko. Ang sakit isipin.

Definitely MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon