Simulang kinasal kami ni Hailee ay hinahati ko na ang oras ko sa trabaho at pamilya ko. During our wedding reception ay nagulat na lang ako sa sinabi ng doctor na nagdadalang tao si Hailee. Ilang araw rin nagalit sa akin si Hailee dahil sa nangyari.
Actually, nagbibiro lang ako tungkol sa sinabi ko noon na hindi ako mangangako na mabubuntis ko siya. Ang akala ko ay nagtake siya pills after pero hindi naman pala. Ibig sabihin ginusto niya rin pero ayaw lang niyang aminin. Psh. Mga babae nga naman.
Dalawang taon na kaming kasal ni Hailee kaya 2 years old na rin ang bunso namin at 6 years old naman ang kambal.
"Hindi ka ba papasok ngayon?" Tanong ni Hailee sa akin paglabas niya ng banyo.
"Hindi ako papasok ngayon dahil magbabakasyon tayong lima."
"Magbabakasyon? Saan naman?"
"Japan. Since you're graduated kaya regalo na namin ito ng kambal sayo."
"J—Japan? Hindi niyo naman kailangan gawin ito."
"Ayos lang. Masaya ang kami dahil graduate ka na."
"Hmph. Kung hindi mo lang ako binuntis noon. Sana last year pa ako graduate."
"Bakit kasi ayaw mong aminin sa akin na ginusto mo rin naman." Natikom ang bibig ni Hailee sa sinabi ko na kinangisi ko naman. "Tama ako, hindi ba? Kung mali ako ay sana uminom ka ng pills pagkatapos na may nangyari sa atin. Alam mo naman nilabasan kita sa loob."
"I hate you!"
Ouch. Sakit noon ah. Iyon pa naman ang ayaw kong marinig mula kay Hailee pero sa tuwing naiinis siya sa akin ay iyon ang naririnig ko sa kanya.
"Oo na. Ginusto ko ang nangyari kaya hindi ako uminom dahil natatakot akong maghanap ka ng ibang babae kasi hindi ako pumapayag na bigyan ka ulit ng anak.
"Come here." Pinaupo ko siya sa pandungan ko. "Hindi ko magagawa iyon sayo. Hindi naman ako ganoong klaseng tao na maghahanap ng ibang babae para bigyan ng anak dahil hindi ako mabigyan ng anak ng girlfriend ko. I told you, I'm willing to wait."
"Pero tama na ang tatlo ah. May kambal na tayo at si Duke."
"Yes, ma'am. Tinupad ko lang ang kahilingan ng kambal na magkaroon ng kapatid. Tingnan mo tuwang tuwa sila noong nalaman nilang buntis ka."
"Kailan pala ang alis natin papuntang Japan?"
"Tomorrow. Around 4pm ang flight natin."
"Eh? Dapat pala kailangan na natin magimpake." Agad naman tumayo si Hailee.
"Babe, relax. Tapos na ako magimpake ng mga gamit natin. Inayos ko na kaninang umaga habang tulog ka pa at sa kambal ay inayos na rin nila ang mga gamit nila. Tinulungan naman nila ako sa gamit ni Duke."
"Planado niyo talaga ng mga bata ang pagpunta natin ah."
"Siyempre. Excited na ang kambal pumunta ng Japan."
Kinabukasan, ay excited na ang kambal sumakay ng eroplano. First time lang kasi nila sumakay ng eroplano. Hindi ito ang unang beses kong sumakay ng eroplano. Nakasakay na ako noong maliit pa ako at sa paiba iba ng area ko dati.
"H—Hindi ba babagsak itong eroplano?" Halatang takot na takot si Hailee.
"Don't worry. Safe ang mga eroplano nila dito kaya hindi babagsak."
Alam ko ang dahilan kung bakit tinanong sa akin ni Hailee kung safe ba ang eroplanong sasakyan namin. Ito din ang unang beses niya sasakay ng eroplano.
Ilang oras ang biyahe namin at dumeretso na kami sa hotel kung saan kami tutuloy ng ilang araw.
"Ang lamig pala dito ngayon."
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomanceHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...