Chapter 40

1.1K 36 0
                                    

Pagkarating namin sa beach resort ay tumawag ako para papuntahin ang ilang pulis sa sinasabing location ni Zion. Kailangan kong malaman kung nagsasabi nga ba siya ng totoo sa akin. Hindi rin sapat ang binigay niyang impormasyon sa akin kung wala pang malakas na katibayan.

After that, tinawagan ko rin si Jessa para alamin kung may alam ba siya kung ano talagang trabaho ng asawa niya.

"Napatawag ka, kuya Dave."

"I need a confirmation, Jessa." Seryosong saad ko. Tumingin ako sa side ko dahil nakita ko si Hailee sa hindi kalayuan. Lumayo ako ng konti sa kanya.

"Confirmation about what?"

"Gusto ko malaman kung ano ba talaga ang trabaho ng asawa mo. Huwag ka magsinungaling sa akin. Kung ayaw mo sabihin ko kay tito Gery ang lahat nalalaman ko."

"Anong nalaaman mo?"

"He is an agent."

"Nagkita ba kayo ni Zion?"

"Yes. An hour ago."

"At sinabi rin niya sayo isa siyang agent." Tumango ako kahit hindi naman nakikita ni Jessa. "Yes, he is an agent."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito?!"

"Para saan pa, kuya? Para ilayo sa akin si Zion?"

"Of course! Dahil ayaw ko mapahamak ka."

"Hindi naman ako hinahayaan ni Zion. Kahit isa pa siyang agent ay palagi niya kami binabantayan ng anak niya."

"Asawa ka niya. May karapatan kang kausapin siyang umalis na sa pagiging agent niya."

"Hindi ko siya pipigilan. Nakikita ko naman masaya siya sa pagiging agent niya. Sana maintindihan mo ito, kuya Dave kaya naging agent si Zion dahil gusto niya maipaghiganti ang pagkamatay ng mama niya."

Natigilan ako ng marinig ko ang dahilan ng asawa ni Jessa. Alam ko ang aksidente na iyon pero hindi pa ako ganap na pulis ng mga panahong iyon. Ang pagkaalam ko walang nakitang ebidensya o hindi rin alam kung sino ang mastermind sa pagpatay sa asawa ng dating mayor Alfred Montemayor.

"Wala pang alam ang mga pulis kung sino ang master—"

"Ang dating mayor Franco Luciano, kuya. Siya ang mastermind."

"Huh?! Sigurado ka?"

Ang pagkaalam ko ay palabas labas ng bansa si Franco Luciano. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw ko sa politiko. At ang pagkaalam ko ay apat na taon na rin nasa kulungan ang anak niyang babae na si Kelly Luciano.

"Maraming nakuhang ebidensya si Zion sa plano niya pero hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Zion ngayon sa kanya."

"Kung ganoon pala ay bubuksan ko ulit itong kaso para mahanap si Franco Luciano."

"I think that's a bad idea. Kahit sa mga kasamahan niyang agent ay hindi siya humihingi ng tulong. Ang gusto ni Zion ay siya ang huhuli sa kanya. Pero ako lang ang pumipigil sa kanya na huwag na niya ituloy. Kaso kilala ko ang asawa ko dahil hindi siya titigil."

"Whether he want it or not. Kikilos kami mga pulis dahil trabaho namin ito. And that's final."

"But—"

"I said that's final, Jessa." Binaba ko na ang tawag at bumalik na sa kasama ko.

"Sino ang kausap mo?"

"Si Jessa."

"Oh. Bakit daw?"

"May bubuksan akong kaso pagbalik natin ng Manila. Kahit ayaw ng asawa niya humingi ng tulong na kahit sino ay gagawin ko ito dahil ito ang trabaho ko."

"Alam mo naiinis na ako sayo, Dave. Nagbakasyon nga tayo pero trabaho naman ang iniisip mo. Diyan ka na nga."

"S—Sorry. Hindi naman maiiwasan na marami ang may kailangan ng tulong ko."

Hindi na ako pinansin ni Hailee noong pumasok na siya sa loob ng hotel. Kaya sinundan ko siya hanggang sa tapat ng hotel room namin.

"Okay. Here's my phone." Inabot ko sa kanya ang phone ko na kinalingon niya. "Keep it."

"Sigurado ka?"

"Yes. Ayaw ko naman mainis ka sa akin habang nagbabakasyon tayo. Let's enjoy. Pero ibabalik mo sa akin ang phone ko paguwi natin ah."

"Hindi ko ibabalik sayo itong phone mo kapag malaman kong may babaeng tumatawag sayo."

"Walang babaeng tatawag sa akin." Hinila ko na siya papasok sa hotel room namin. Nakita kong tulog na ang kambal sa kabilang kama. Dalawa kasi ang kama rito sa hotel room namin dahil hindi pa naman pwede humiwalay ng kwarto ang kambal. "Magpahinga na rin tayo para mamaya ay makapag pasya na."

Nagising ako ay palubog na ang araw at tumingin ako sa kabilang kama pero wala na doon ang kambal. Baka nasa labas lang ang dalawa.

Tumingin ulit ako kay Hailee na ngayo'y gising na siya.

"You're up." Pumaibabaw ako sa kanya.

"A—Ano ang binabalak mo?"

"Call me babe again."

"B—Babe." Umiwas pa siya ng tingin sa akin at ngumiti ako sa kanya.

"I love it." Nakangiting sabi ko at sinunggaban ko siya ng halik.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kahit na pinagbabawalan ako ni Hailee. Sabik na sabik na ako may mangyari ulit sa amin. Hinahanap hanap ko ang pagiisa naming dalawa. Damn.

"Mmm... Baka magising ang mga bata."

"They are not here."

"Huh? Nasaan sila?"

"Baka nasa labas lang ang mga iyon."

"Puntahan natin sila baka maligaw ang kambal at hindi alam ang pabalik rito sa hotel."

Sumimangot ako dahil mukhang mahihirapan ako may mangyari sa amin ni Hailee kung kasama namin ang kambal.

"Ugh. Fine." Umalis na ako sa ibabaw niya para makabangon na siya.

"Hindi ba pinagusapan na natin na huwag na muna ngayon."

"Hailee, lalaki ako at may needs."

Hindi na sumagot pang muli si Hailee noong lumabas na siya sa hotel room namin. Nakita namin ang kambal nakaupo sa bench dito sa hallway habang pinapanood ang sunset mula sa bintana.

"Daddy, mommy, papasyal na po ba tayo?" Excited na tanong ni Danny.

"Yes." Sagot ko sa kanya.

Naglalakad na kaming apat sa dalampasigan. Ang ganda talaga pagmasdan ang sunset lalo na yung reflection ng araw mula sa dagat.

"Huwag kayo tumakbo ko baka madapa kayo!" Sigaw ko sa kanila. Hindi ko nga hinahayaan magkaroon ng sugat o kung ano man makakasira sa balat ni Heaven.

Napansin kong huminto sa paglalakad si Hailee kaya lumapit ako sa kanya.

"What's wrong?"

"Wala naman. Sundan na natin ang kambal baka kung saan pa sila mapunta." Nauna na siyang maglakad at sumunod lang ako kay Hailee.

Definitely MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon