Chapter 1

1.8K 57 4
                                    

Nagigising ako na may yumuyugyog sa akin. Pagdilat ko ay nakita ko ang cute na cute kong anak na si Heaven.

"Daddy. Daddy, bangon na po diyan! Nangako po kayo sa akin na pupuntahan natin si lola." Sabi nitong bibo kong anak. Ang tinutukoy niyang lola ay hindi ang mama ko dahil wala naman alam ang mga magulang ko na may inampon akong sanggol 4 years ago. Si nanay Dolores ang tinutukoy ni Heaven na lola. Ang matandang babae na tumulong sa akin sa pagalaga kay Heaven.

"Alright, young lady."

"Bangon na po tapos maligo na rin kayo."

"Yes, ma'am." Natatawang sagot. Para naman hindi 4 years old ang batang ito kung magsalita."

"Nagluto na rin po ako ng pancake para makakain na tayo bago umalis."

"Hindi sunog?"

"Hindi po. Perfect ang pagkaluto ko sa pancake." Proud niyang sabi. Hinalikan ko sa noo si Heaven.

Pagkatapos ko maligo at magbihis ay bumaba na ako para makakain na kami ng batang makulit na ito.

"Hmm... Ang sarap. Pwede ka na magkaroon ng asawa." Natatawang sabi ko. Pero totoo naman perfect na ang pagkaluto niya sa pancake. She's only 4 years old pero marunong na siya magluto. Since kaming dalawa lang naman ang magkasama at minsan wala na akong oras magluto. Kaya nagaral si Heaven magluto na hindi ko alam. Nagulat na lang ako noong isang araw ay pinaglutuan niya ako ng sunog na sunny-side up.

"Talaga po? Pwede na ako magkaroon ng asawa?"

"It was a joke, young lady. Masyado ka pang bata para sa bagay na iyan. Ang daddy muna." Lumabi pa sa akin si Heaven.

"Dad, kung hindi niyo po nakita ang mommy ko. Ang gusto ko maging step mom yung kasing bait ng mommy ko ah."

Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin kay Heaven na hindi ko siya tunay na anak at hindi siya iniwan ng mommy niya bago umalis ito ng bansa. Damn. Ayaw ko magsinguling sa anak ko dahil ako ang nasasaktan.

"Kung may makilala ako kasing bait ng mommy mo." Ngumiti ako ng pilit. "Tapusin na natin ang pagkain para makaalis na tayo."

Pumunta na kami ni Heaven ngayon sa sementeryo para dalawin si nanay Dolores. She died last year. Nagkaroon siya ng malubhang sakit at niisang beses ay hindi ko nakitang dumalaw sa kanya ang kanyang anak. Alam kong may anak siyang babae dahil palagi niya kinukwento sa akin sa tuwing dumadalaw kami ni Heaven sa kanya. Nasa ibang bansa daw ang anak niya para doon magtrabaho at doon rin daw niya nakilala ang naging asawa. Kaya nagpasya ang anak niya at ang asawa nito na doon na lang tumira. Ayaw ng matanda na sumama dahil matanda na daw siya para sa mahabang biyahe.

Kaya ako na ang tumayong anak niya hanggang namatay siya. Hindi ako umalis sa tabi niya. Siguro ito ang kabayaran sa mga tulong niya sa akin sa pagalaga noon kay Heaven.

"Hello po, lola."

"Sorry ho kung ngayon lang ulit kami nakadalaw ng makulit na batang ito." Sabi ko at nilagay ko sa harap ng puntod ni nanay Dolores ang isang bouquet ng bulaklak. "Alam niyo ho ba na naging isang mabuting bata si Heaven. Kung nandito na rin po kayo hanggang ngayon ay matutuwa kayo sa kakulitan niya."

"Hindi naman po ako makulit. Huwag po kayo maniwala sa sinasabi ni daddy, lola."

"Aba, ako pa ang pinapalabas mong sinungaling." Kinurot ko ang pisngi ng anak ko.

"Aray. Masakit, daddy." Pagrereklamo nito kaya binitawan ko na ang pisngi niya saka hinalikan ito.

"Sige ho. Alis na kami ni Heaven. Dadalaw na lang ulit kami sa susunod."

"Bye po, lola." Kumaway pa si Heaven ng umaalis na kami sa puntod ni nanay Dolores.

Pagkauwi namin sa bahay ay nagpalit na ako ng pang bahay at nagluto na rin ng pamanghalian namin. Hindi na nga rin ako pumasok ngayong araw dahil nangako ako kay Heaven na dadalawin namin si nanay Dolores. Para na rin siguro makapag pahinga ako sa trabaho. Masyadong stress na rin ang ibang kaso na hawak namin ng team ko.

"Daddy, may tumatawag po sa inyo." Pinatay ko na muna ang kalan bago nilingon ang anak ko habang inaabot sa akin ang phone ko.

"Thank you." Kinuha ko na sa kanya ang phone saka umupo sa isang silya. I saw my mom's name. Video call ito dahil nasa ibang bansa sila nakatira. Kaya nga kaming dalawa ni Jessa ang magkasama noon bago pa siya magpakasal sa Montemayor na iyon. Katulad ng mga magulang ko ay nasa London naman ang pamilya ni Jessa. Habang ang mga magulang ko ay nasa Singapore.

"Hi, mom. Napatawag po kayo ngayon."

"We miss you, son. How are you?"

"I'm fine." Nakangiting sagot ko kay mama.

"Wala ka bang balak magkaroon ng asawa? Hindi ka na bumabata, David."

"Mom, wala pa po nakikitang babae para sa akin."

"And who is that kid behind you? Don't tell me may anak ka pero walang asawa. David, hindi ka namin pinalaki ng papa mo para magbuntis ng kung sinu-sinong babae."

Tumingin na muna ako sa likod when I saw Heaven. Kumukuha na siya ng makakain niya but I stop her.

"Young lady." Tumingin naman sa akin si Heaven. "Go to your room for a while. Hindi pa iyan luto. Tatawagin na lang kita mamaya."

"Okay, daddy." Binatawan na rin ni Heaven ang hawak niyang plato at umalis na sa kusina.

"Daddy? So, may anak ka nga sa pagkabinata mo, David."

"Mom, Heaven is not my daughter. I mean, I saw her in front of my house kaya inampon ko na lang siya."

"Bakit hindi mo siya dinala na lang sa bahay ampunan?"

"I can't. Napamahal na rin sa akin ang bata. Kung makilala niyo si Heaven ay magugustuhan niyo rin siya."

"Can you tell me about her?" Napangiti ako dahil nagkaroon ng interesado si mama malaman tungkol kay Heaven. My mom is not that strict nor my dad.

"She's a smart kid. Kung makipag usap sa matatanda ay akala mo hindi siya 4 years old. Sobrang kulit rin niya katulad sa ibang ba—" Natigil ako sa pagsasalita nang sumingit si mama.

"She really like you. Noong kasing edad mo rin siya ay ganyang ganyan ka rin."

"Talaga?" Hindi ko maalala na ganoon rin pala ang ugali ko noong maliit pa ako.

"Yes. Sobrang kulit mo noon dahil palagi mong tinataguan ang yaya mo."

"Mom, stop. You're embarrassing me." Narinig ko naman ang pagtawa ni mama sa kabilang linya.

"Bakit hindi ka kumuha ng DNA?"

"Bakit ko naman gagawin iyon?"

"I have doubt na pwede mo nga maging anak siya sa pagkabinata mo, David. Medyo hawig mo yung bata."

"Stop it. Gusto niyo lang magkaroon ng apo kaya niyo sinasabi iyan sa akin. Pwede niyo naman maging apo si Heaven kahit hindi ko siya kadugo."

"Okay. Your dad and I will treat her like our granddaughter but promise me one thing."

"What is it?"

"Maghanap ka ng babae na mamahalin ka ng lubusan. Hindi iyong pera lang natin ang gusto niya. Alam mo naman ang panahon ngayon."

"I know. I promise."

"Oh. Sige na. May date pa kami ng dad mo ngayon."

"Okay. Ingat kayo palagi ni dad."

Inend na ni mama ang video call kaya nilapag ko na ang phone ko sa table. Tumayo na rin ako para ituloy ang niluluto ko at saka tinawag na rin si Heaven na kakain na kami.

Definitely MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon