Chapter 14

1.3K 46 1
                                    

Nagtataka ako dahil wala na rito yung bisita kanina. Ang mga bata na lang pala yung nandito sa ibaba.

"Nasaan pala yung kaibigan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Umuwi na. Makikikain sana dito pero wala pa naman nakahandang pagkain kaya nagpasya na lang umuwi si Gael."

Ay, nakalimutan ko ang maghanda ng pagkain kanina. Masyado kasi ako abala turuan ang mga bata sa kanilang homework dahil hiling ni Heaven na matapos agad ang mga homework niya bago dumating ang daddy niya kasi gusto niya maisayaw ang daddy niya gaya ng last year. Ang cute nga nila kanina habang pinapanood ko sila.

"Sorry kung nasira ang birthday mo ngayon." Paghingi ko ng tawad sa kanya. Hindi ko rin naman kasi alam na ganito ang mangyayari.

"It's okay. Hindi rin naman tuloy ang inuman namin magkakaibigan dahil busy yung isa naming kaibigan."

Kumurap ako ng makita ko siyang nagluluto. Ako dapat ang gumagawa niyan dahil birthday naman niya ngayon. Kaya lumapit ako sa kanya.

"Ako na diyan."

"No, samahan mo na ang mga bata doon."

"Yiiieee..." May narinig akong bungisngis kaya lumingon kami ni David. Nag-apiran pa ang mga bata. Namula na ang pisngi ko at agad naman ako lumayo dahil sobrang lapit ko pala sa kanya.

"Kayong dalawa diyan ah. Lalo ka na, Heaven."

"Bakit, daddy?"

"Saan mo natutunan iyon ah?"

"Narinig ko lang po sa mga high school."

"Huwag na huwag mo sila gagayahin."

"Gusto ko maging proud kayo sa akin paglaki ko, daddy."

"Good."

Nagpasya na ako umupo sa harap ng mga bata habang hinihintay ang pagkain.

Nilapag ni David ang mga niluto niya sa dining table at mukhang ang sasarap ng mga niluto niya.

"Mukhang sanay na sanay ka na magluto ah."

"Kailangan ko. Lalo na magisa lang ako noon nakatira." Naghila na siya ng isang silya at umupo na sa tabi ko. Bakit sa tabi ko pa siya umupo? Lalo kami tutuksuhin ng mga batang ito, eh. "Let's eat."

Para kaming isang pamilya nito ngayon.

"Pwede ko po ba kayo maging daddy ko?" Nasamid ako sa tanong ni Danny.

"Bakit gusto mo maging daddy ang daddy ko?"

"Bakit naman hindi? Wala akong daddy at pwede mo naman maging mommy ang mommy ko."

Napatingin ako sa katabi ko dahil nakatingin siya sa akin at parang sinasabi niyang sabihin ko na ang totoo kay Danny. Ayaw ko naman biglain ang bata.

Bahala na nga. Kailangan rin niya malaman ang totoo.

"Danny." Tumingala naman sa akin ang anak ko.

"Bakit po?"

"May gusto lang sana akong sabihin sayo at sana huwag ka magalit sa akin." Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Danny. "Ang totoo niyan, h—hindi mo talaga ako kapatid."

"Ampon po si Dan?"

"Hindi siya ampon." Gusto ko matawa sa tanong ni Heaven. "Ako ang mommy niya talaga. Sorry, Danny kung hindi ko agad sinabi sayo noon pero hindi naman ako magsisi na dumating ka sa buhay ko."

"I know, mommy." Nagulat ako sa sinabi ni Danny. Paano niya nalaman? Wala naman nakakaalam tungkol doon. "Matagal ko na pong alam dahil sinabi sa akin noon ni lolo."

Alam nga pala ni papa. Bakit hindi ko agad na isip iyon? Pwedeng sabihin ni papa kay Danny ang totoo.

"Hindi ka galit sa akin dahil tinago ko sayo?" Mabilis na umiling sa akin si Danny.

"Hindi po ako galit sa inyo dahil mahal na mahal ko kayo, mommy."

Kaya pala ginusto niyang tawagin akong mommy noon dahil may alam na pala siya na ako ang mommy niya.

"Heaven. Danny." Pati ako ay napatingin na rin sa katabi ko noong nagsalita si David. "Alam kong maguguluhan pa kayo. Lalo ka na, Heaven. 4 years ago, may nakita akong sanggol sa labas ng bahay at ikaw iyon, Heaven."

"A—Ampon ako?" Maiyak iyak na tanong ni Heaven.

"No. You are not adopted."

"P—Pero wala naman po talaga akong mommy."

"I already found your mommy." Tumingin sa akin si David na kinatingin rin ni Heaven.

"Kayo po ang mommy ko?"

"Yes, Heaven. Ako ang mommy mo."

"Ang ibig sabihin kapatid ko si Dan." Tumango ako sa kanya.

"Ayaw ko maging kapatid si Heaven." Lumabi pa si Danny habang sinasabi iyon.

"Why not, buddy?"

"Gusto ko po paglaki namin ay papakasalan ko siya."

"You can't marry your twin sister. At anong kasal? Ang bata bata niyo pa."

"Makakahanap siguro ako ng babaeng mamahalin."

Natatawa ako sa sinasabi ni Danny.

"What's so funny?"

"Wala naman."

Pagkatapos namin kumain at pag amin sa mga bata ay tinanggap naman nila ang katotohanan na magkapatid sila at kami ni David ang mga magulang nila. Masaya na ako.

"Matulog na kayo dahil maaga pa ang pasok niyo bukas."

"Pero hindi po ako makakatulog kapag wala si mommy." Sabi ni Danny.

"You are a big boy, Danny. At sa akin na muna ang mommy mo kahit ngayong araw lang. Birthday gift mo na kay daddy."

"Sige na nga po." Napipilitang si Danny sa pagpayag. Pumunta na siya magisa sa kwarto namin.

"Ano ang sinasabi mo sa bata? Anong birthday gift?"

"I want to claim you tonight."

"David, pumayag akong ligawan mo pero hindi ako pumapayag na may mangyari ulit sa atin."

"You can't say no to birthday boy."

"Sino may sabi na hindi ako makaka—" Hindi natapos ang sasabihin ko noong sinunggaban na niya ako ng halik. Kahit hindi ako pumapayag pero nawawala lahat ang lakas ko parang hinihigop ng lakaking ito.

Dumilat ako ng huminto siya sa paggalaw at nakatingin lang siya sa akin.

"I really want to claim you tonight pero hanggang doon na muna tayo." Hinalikan niya ang noo ko. "Sige na. Puntahan mo na si Danny sa kwarto niyo. Good night."

Napanganga ako sa nangyari. Ang akala ko pa naman ay ibibigay ko ulit sa kanya ang sarili ko pero hindi pala. Teka nga para naman disappointed ako sa mangyari dahil hindi natuloy ang gusto niyang mangyari sa amin. Iniling ko ang ulo para alisin sa isipan iyon. Hindi ako disappointed. Iyon naman talaga dapat dahil may balak pa lang si David na mangligaw sa akin. Wala pa kaming relasyon at mas lalong hindi pa kami kasal. Pareho lang kami lasing noon kaya may nangyari sa amin pero hindi naman ako nagsisi na dumating sa akin ang kambal kahit nagkahiwalay sila ng apat na taon pero pinagtagpo naman rin sila ng tadhana at hindi lang iyon nakakilala ko rin ang ama nila.

Definitely MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon