Sumasakit ang ulo ko sa kaingayan ng isang ito. Pwede bang paalisin ang maingay dito para naman magawa ko ang trabaho.
"Jones." Tawag ko sa kanya na kinalingon naman niya.
"What?"
"Pwede ba manahimik ka kahit ilang oras lang? Sumasakit ang ulo ko sa kaingayan mo." Inis kong sambit sa kanya. Narinig ko naman ang pagpigil ng tawa ng mga kapulisan.
"Sino ka ba para utusan mo ah!"
"Paalala ko lang sayo, Jones mataas ang rank ko kumpara sayo kaya sumunod ka pa rin sa inuutos ko."
"Tsk. Akala mo kung sino na kahit mataas ang rank niya sa akin. Psh." Napailing ako. Bubulong na lang yung maririnig ko pa.
Like what I said earlier, sabay kami nag-training pero naging kaklase ko rin siya noon. He treat me as his rival pero ni minsan ay hindi pa niya ako natatalo.
Ang pagkaalam ko inassign sa malayong lugar si Stuard pagka promote sa amin. Hindi ko nga alam na bumalik na pala siya sa Manila, eh. Kahit ganoon ay wala pa rin nagbago sa kanya.
"Hoy! Sino nagsabi sayo na magtulungan kayong dalawa ah!" Ugh. Hindi niya talaga magawang tumahimik kahit ilang oras lang, ano? Sobrang ingay talaga niya. "Kahit sino sa kasama ni Ferrer ay kalaban natin. Naiintindihan mo?"
"Yes, sir!"
"Good. Balik trabaho na! Kailangan natin maunahan si Ferrer dito sa kaso."
Napailing ako. Kahit anong gawin niya ay hindi naman niya ako matatalo ng basta basta. Puro satsat at kayabangan lang ang alam niya. Ni minsan ay hindi niya ginagamit ang utak niya.
Tiningnan ko ang katawan ng bangkay. Sanay na rin naman ako makakita ng isang bangkay pero wala pa rin akong ideya kung sino ang may gawa nito at bakit niya pinatay ang isang inosenteng tao.
"The great David Ferrer ay nahihirapan sa kasong ito." Napailing na lang ako at hindi ko pinansin ang isang ito. Magpapanggap na lang ako na wala siya ngayon din. Masisira na lang ang araw ko.
Sa sobrang abala ko ay hindi ko namalayan gabi na pala at tumingin ako sa phone ko. Tumatawag si Hailee sa akin. Lumapit ako sa mga kasamahan ko.
"Kayo na muna ang bahala rito." Sabi ko sa kanila.
"Yes, chief." Lumayo na ako sa kanila para sagutin ang tawag.
"Daddy!" This is not Hailee but Heaven. Anong oras na rin wala pa ako sa bahay kaya siguro nagaalala na sa akin si Heaven. Sa ganitong oras ay nasa bahay na dapat ako.
"Sorry, hindi makakauwi si daddy ng maaga ngayon."
"Bakit po?"
"May inaasikaso ako sa trabaho ngayon. Pwede na makausap ang mommy mo?"
"Mommy, gusto daw kayo makausap ni daddy." Rinig ko ang boses ni Heaven sa kabilang linya habang kinakausap si Hailee.
"Hello?"
"Sorry kung hindi ako makakauwi ngayon dahil nasa kalagitnaan pa kami ng isang crime scene."
"Crime scene? Ayos ka lang ba?"
"I'm fine. Ikaw na muna ang bahala sa mga bata ah."
"Basta magiingat ka palagi."
"I will. At kapag natapos ako dito ay babawi ako sa inyong tatlo. Pangako iyan."
"Sige, papatulugin ko na sila."
"Good night."
"Good night."
Pagtapos kong kausapin si Hailee ay humarap na ako sa crime scene pero laking gulat ko ng nasa likuran ko lang pala si Stuard. Huwag mong sabihin nakikinig siya habang kausap ko si Hailee kanina. Tsk. Kahit kailan pakialamero talaga.
"I don't know you're married already." Ngisi nitong sabi sa akin.
"It's not your business. Tsk." Nilagpasan ko na siya para bumalik sa crime scene pero napahinto ako sa sunod niyang sinabi.
"Paano na lang si Venice kapag nalaman niyang kasal ka na ngayon?" Kunot noo kong nilingon si Stuard.
"Hindi ka talaga titigil hanggat hindi ako naiinis sayo, ano? At paalala ko lang sayo wala kaming relasyon ni Venice kahit noon pa. Siya lang nagpapalabas na girlfriend ko siya at ako ang nakipag hiwalay sa kanya. Kahit kailan hindi siya ang tipo kong babae. Tsk. Spoiled brat."
"Come, on, Ferrer. Baka kainin mo ang lahat na sinasabi mo ngayon kapag nakita mo na si Venice ngayon. Baka hiwalayan mo pa ang asawa mo?" Hindi pa rin talaga nawawala ang ngisi nito ah. Nakakairita na.
"Kahit makita ko man siya ay hinding hindi ko hihiwalayan ang asawa ko. Tsk."
Kahit wala pa akong asawa kahit nga girlfriend ay wala pa ako. Niligawan ko pa lang si Hailee. Hindi ko pa siya girlfriend o asawa pero dadating din kami diyan. Ngayon pa nalaman ko ang katotohanan kaya isa lang kahilingan ko ang bigyan ng isang kumpletong pamilya ang kambal. Lumaki ang kambal na magkahiwalay kaya kailangan ko rin bumawi kay Danny at Hailee.
Kumunot ang noo ko ng may isang babae ang pumunta sa crime scene.
"Miss, bawal ka ho rito." Sabi ng isang pulis.
"Bakit naman? Kasama ako ni deputy chief Jones." That voice. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Venice ito. Sinusuri ko siya mula ulo hanggang paa. Ang laki ng pinagbago niya simulang umalis siya ng bansa.
"Papasukin mo na. Isa siyang police detective."
Nagkasalubong ang mga tingin namin ni Venice pero may malawak na ngiti noong makita niya ako.
"My lo—" Hindi natapos ang sasabihin niya noong hinawakan siya ni Stuard sa braso at lumingon naman siya dito. "Ano ba ang problema mo, Stuard?"
"Nandito tayo para sa trabaho. Mamaya ka na dumikit diyan sa lover boy mo na may asawa na."
"D—David, may asawa ka na?"
"Yeah. Kaya kung ako sayo lumayo ka na sa akin dahil kahit kailan hindi kita magagawang mahalin."
Ugh. Dalawang maingay ang sisira ng araw ko ngayon. Mabuti na lang hindi ko sinama si Li sa kasong ito.
Inalis na rin naman kanina ang bangkay kaya nagpasya na akong bumalik sa police station. Hay... Salamat magiging tahimik na rin kahit ilang sandali.
"Yes, musta ang investigation?" Salubong sa akin ni Li pagpasok ko sa police station.
"Akala ko umuwi ka na. Sa ganitong oras ay nakauwi ka na, diba?"
"Umuwi na ako kanina pero iniisip kong kamustahin ang investigation kaya bumalik ako. Pagkabalik ko ay wala ka kaya naghintay na lang ako." Umiling ako.
"Wala pa akong ideya kung sino ang killer."
Tumingin ako sa bagong dating na pulis. Nakabalik na rin pala si Jace ngayon.
"Sir." Nag-salute niya pagkakita niya sa akin.
"Nakabalik ka na pala, Hernandez."
"Yes, sir." Tumingin naman siya sa katabi ko which is Li.
"Sige, umuwi ka na muna para magpahinga."
"Okay, sir." Sagot ni Jace pero nakatingin pa rin kay Li. Kailangan kong paghiwalayin ang dalawang ito baka saan pa marating ang bangayan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomanceHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...