Kinabukasan ay sinamahan ko na nga ang mga kaibigan ko para makausap nila si Gold. Pareho nga sila nagulat noong nakita nilang buhay nga talaga si Gold.
"What a pleasure surprise na makita ko kayong dalawa." Sabi ni Gold na may ngisi sa mga labi nito.
"Talagang makikita mo kami kung nandito ka pa rin sa mundong ibabaw, demonyo ka!" Ani Gael.
"Gael, ang laki ng pinagbago mo. After 4 years ay nagpakasal ka na. Hindi ako makapaniwalang magseseryoso ka sa isang babae."
"Paano mo nalaman nagpakasal na ako kung hindi ka naman lumalabas sa lungga mo noon."
"Wala naman akong sinabing hindi ako lumalabas sa lungga ko. Palagi ko kayo sinusundan sa malayo. Alam ko kung ano nangyayari sa buhay niyo. Si David na lang ang wala pang asawa sa inyo pero dahil binuntis niya ang kapatid ko."
"Kahit labag ka sa relasyon namin ni Hailee ay wala ka na magagawa dahil kahit ayaw mo magpapakasal pa rin kami balang araw."
"Hindi na rin naman makikinig sa akin si Hailee. Mukhang nabulag na siya sa magmamahal niya sayo. Tsk. Ang swerte ng kapatid ko sa buhay pag-ibig niya."
"Gold." Tumingin naman siya kay Red. "Alam kong galit ka pa rin sa akin. Hindi ako naparito para humingi ng kapatawaran mo."
"After 7 years wala pa rin nagbabago sayo, Red. Kung ano ang pagkakilala ko sayo noon ay ganoon ka pa rin ngayon. Ang pagkaiba lang masaya ka na sa bago mong pamilya. Ngayon wala na si Bianca."
"Kahit buhay pa rin si Bianca hanggang ngayon ay makikipag hiwalay pa rin ako sa kanya dahil si Tifa ang mahal ko. Lalo na may anak kami."
"I see. Kahit kailan talaga ay wala akong laban sayo. Kahit sa kumpanya. Isa kang magaling na businessman."
"Magaling ka rin naman."
"Kung hindi ka lang nabulag sa pagmamahal noon ay sana wala ka ngayon dito. At maayos pa rin sana ang buhay mo hanggang ngayon." Sabi ni Gael na halatang may galit sa boses.
"Gael." Saway ko sa kanya.
"You're right. Pinagsisihan ko na ang lahat na nangyari noon." Nagulat ako sa sinabi ni Gold. Ang akala ko ay hindi siya nagsisi sa nangyari pero nagkamali ako.
"Bakit mo ba ginawa ang ganoong bagay?"
"Dahil naiinggit ako. Na sayo na ang lahat na wala ako. Gusto ko makuha kung ano ang meron ka."
"Hindi pa naman huli para magbago, Gold. At pwede ka pa naman magsimula ulit. Kung kailangan mo ng tulong sa pagbabago mo ay nandito lang ako at handang tumulong sayo."
"Are you crazy, Red? Tinangka niyang patayin ka tapos handa kang tulungan siya! Paano kung may gawin ulit siya sayo."
"I agree with Gael, Red. Hindi natin alam kung ano ang pwedeng gawin ni Gold."
"I'm right here. Kung paguusapan niyo ko siguraduhin niyong wala ako rito sa harapan niyo. Tsk." Tumingin naman si Gold kay Red. "Bakit mo naman iyon gagawin? Dahil sa akin ay muntik ka na mamatay."
"Gusto ko lang tumulong. Kinausap ko rin ang kapatid mo noong isang araw pero hindi siya pumayag dahil hindi na maibabalik ang buhay mo. Ang alam naming tatlo ay patay ka na."
"Ngayon alam niyong buhay ako. Ano sa tingin mo magiging sagot na ni Hailee? Kahit marami na nagbago sa kanya ay kilala ko pa rin ang kapatid ko."
Tumingin sa akin ang mga kaibigan ko. Nababasa ko agad ang gustong tanungin sa akin ni Red.
"Ang sabi ni Hailee sa akin ay kakausapin ka daw niya ulit pagkagraduate niya."
"May chance pala tanggapin niya ang offer ko."
"Anong offer yun?" Tanong ni Gael.
"Job offer."
"Whoa. Minsan ka lang mag-offer ng trabaho sa ibang tao."
"Hindi ibang tao yun. Dahil siya ang kapatid ni Gold at girlfriend naman ni Dave."
"Mukhang binabawi ko na ang sinabi ko kanina na wala pa rin nagbabago sayo. Marami rin pala nagbago sayo ngayon, Red. Hindi na ikaw ang kilala kong Red De Luca na walang pakialam sa mga tao nasa paligid niya."
"Kung ano ang pagkakilala mo sa akin noon ay ganoon pa rin ako hanggang ngayon. Sa loob lang siguro ng kumpanya."
"Ngayon naintindihan ko na kung ikaw ang minahal ni Tiff." Sabi nito ng tumayo na siya. Bumalik na sa loob si Gold na hindi niya nilinaw sa amin ang ibig niyang sabihin.
"Ano ang ibig niyang sabihin doon?" Kahit si Gael ay naguguluhan. Binigyan ko siya ng kibit balikat dahil kahit ako ay walang ideya kung ano ang ibig niyang sabihin.
"I think he found someone." Tumingin ako kay Red na ngayo'y nakangiti. Mukhang naintindihan niya ang ibig sabihin ni Gold.
"Sino?"
Gusto ko malaman kung sino ang babaeng napupusuan na ngayon ni Gold. Kung meron man.
"Who knows. Hindi naman ako investigator para alamin ang buhay ni Gold at labas na ako diyan."
Sinamahan ko na ang dalawa kong kaibigan sa labas ng station.
"Babalik ka na ba sa kumpanya, Red?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah, pero saglit lang ako sa kumpanya. May pipirmahan lang akong dokumento at uuwi rin agad. Kailangan ko pa kasing tulungan si Tifa alagaan ang bunso namin."
Nawala sa isip ko nasundan nga pala nila si Gaia. Kaya tatlo na ang anak nila ni Tiffany. Lalaki ulit ang naging anak nila at ang pangalan ng bunso nila ay Ryan. Halatang kamukha rin ni Red si Ryan pero kasing bait naman ni Tiffany. Hindi ko naman sinasabi na hindi mabait si Red pero depende na rin siguro sa mood niya.
"How about you?" Tanong ko naman kay Gael.
"Huh? Err... Uuwi na ako. Noong isang araw kasi nalaman kong nagdadalang tao si Eina kaya sasamahan ko siya ngayon sa doctor."
"Bakit hindi mo sinabi sa amin kagabi? Magiging kuya na pala si Isaac." Ani Red.
"Kasi naman nawala na sa isipan ko dahil sa sinabi ni Dave na buhay pa si Gold."
"But more important... I'm happy for you, Gael." Nakangiting sabi ko kay Gael.
"Thanks, man. Una ako sa inyo." Sabi nito at sumakay na siya sa kotse niya.
"How about you?" Tumingin naman ako kay Red. "Wala ka bang balak sundan ang kambal niyo?"
"Meron pero hindi na muna ngayon. Hihintayin ko makapag tapos na muna si Hailee sa pagaaral niya. Ayaw ko naman masira ulit ang kinabukasan niya ng dahil sa akin."
"Kahit kailan talaga ay mabait kang tao. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay lolokohin ka na lang nila." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Red bago pa siya sumakay sa kotse niya.
Ano ang ibig niyang sabihin doon?
Hindi naman ako gagawang lokohin ni Hailee at may tiwala ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomansaHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...