Chapter 4

1.5K 51 0
                                    

Pagkaorder ko ng kape ay lumabas na ako pero saktong paglabas ko ay nagulat ako sa nakita ko ngayon.

"Shit. Are you going to give me a heart attack?!" Inis kong sambit sa babae. Hanggang dito pa naman ay sinusundan ako.

"Sorry."

"What do you want? Hanggang dito sa coffee shop ay sinusundan mo ko."

"Hindi ako susuko hanggat pumayag kang pakawalang ang ama ko sa kulungan. Kahit ano gagawin ko."

"Miss, kahit anong gawin mo ay hindi magbabago ang isip ko at saka ako ang mawawalan ng trabaho kapag gagawin iyon. I don't want my parents disappoint because of what I did. Kami ang kawawa ng anak ko sa pagkakataon."

"Alam kong may anak ka pero wala pa akong pera para palayain ang ama ko. Ikaw lang ang pagasa ko, sir."

"My answer is still no."

Tumalikod na ako sa kanya at bumalik na sa police station. Kaya nga ayaw ko matali dahil masyadong stress rin ang mga babae. Stress na nga ako sa trabaho dadagdagan pa nila. Pero si Heaven lang ang nagpapawala ng stress ko.

Pagkatapos ng trabaho ay dumeretso ako sa club para uminom kahit konti lang. Ayaw ko naman sermunan ako ni Heaven at nasa bahay rin ang mga magulang ko.

"I knew it you were here, bro." Binaling ko ang nagsalita sa tabi ko. Bakit nandito rin si Gael? Wala akong pinagsabihan na kahit sino sa kanila ni Red na pupunta ako ngayon sa club.

"What are you doing here? You're supposed with your family."

"Oo nga pero nakakasawa na rin marinig ang mga sermon ni Eina sa akin kaya pumunta na lang ako rito. Hindi ko nga inaasahan nandito ka rin." Umupo na sa tabing stool si Gael. "Boss, yung dati."

"Okay, sir."

VIP na kasi kaming tatlo sa club ito kaya alam na ng bartender ang palagi naming inoorder. Paano ba naman hindi kami magiging VIP kung may kaibigan pa kaming De Luca.

"Anyway, kailan mo balak magpakasal?"

"What the fuck. Kahit ikaw ay tinatanong mo sa akin iyan. Una si Tiff tapos parents ko. Ugh, wala akong balak."

"Dave, masaya magkaroon ng asawa. May makakasama ka habang buhay at bubuo kayo ng pamilya."

"Sinasabi mo lang iyan dahil nakilala mo ang babae para sayo. How about me? I haven't met her yet. Mukha ngang wala ng balak magpakita sa akin."

"Naging kami lang ni Eina dahil nagkaroon ako ng anak sa kanya and you know that. Because of that onti-onti nahuhulog ang loob ko sa kanya. Naging miserable ang buhay ko noong naghiwalay kami."

"Psh. Naging miserable ang buhay. Don't me, Gael. Kilala kita. Baka nga bumalik ang dating Gael na kilala ko noong panahong nagkahiwalay kayo."

"Sinubukan kong bumalik sa dating buhay ko noon pero bigo ako. At tangina huwag na natin pagusapan ang nakaraan ko. Masaya na ako kung ano ang meron ako ngayon."

Eh, ikaw na ang masaya habang ako ay sobrang stress at problemado sa buhay. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Heaven ang katotohanan na hindi ko siya masasaktan. I treat her like my own daughter. Kahit papaano ay nagkaranas ako kung paano magalaga ng isang sanggol.

"Gael."

"Hm?" Sagot niya habang umiinom ng vodka.

"Paano kung may natagpuan kang sanggol sa labas ng bahay mo. Aampunin mo ba siya o ibibigay mo sa bahay ampunan?"

"Ang hirap naman niyang tanong mo sa akin. Ibibigay siguro sa bahay ampunan dahil hindi ko naman kaanu-ano yung sanggol para ampunin. Mas makakabuti sa kanya kung sa bahay ampunan dahil marami ang pwedeng magalaga sa kanya noon. Bakit?"

"I found a baby in front of my house before." Sagot ko sabay inom rin ng tequila.

"No kidding?" Tumingin ako sa kanya na seryoso. "Oh. You're serious, man. Ano ang ginawa mo sa sanggol?"

"Inampon ko siya. Ngayon ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko siya tunay na anak at nakita ko lang siya sa labas ng bahay. I don't want to hurt her feeling. Napamahal na siya sa akin."

"Mahirap nga iyan. Pero kung ako sayo mas maaga ay mas mabuti ng sabihin mo sa kanya."

"Gusto ko nga rin sana humingi ng tulong sayo pero umalis ka na nga pala sa pagiging detective mo."

"I can still help you. May kilala akong private investigator."

"Gusto ko sana pahanap yung tunay na magulang ni Heaven."

"Who's Heaven?"

"My daughter."

"Okay. Continue."

"Pero ang problema hindi ko alam pangalan o itsura ng ina niya."

"That's a big problem. Kahit i-recommend ko sayo ang kilala kong private investigator ay baka hindi ka rin niya matutulungan."

Napabuntong hinga ako. Iyon na ang problema kahit gusto pa ako tulungan ng kaibigan ko ay hindi niya rin ako matutulungan.

Magsasalita na sana ako pero may narinig akong ingay na parang may nahulog na metal kaya napalingon kami ni Gael. Pati ako ay nagulat sa nakita.

What the hell?

Hanggang dito pa naman ay sinusundan ako ng babaeng ito. Stalker ko ba siya?

Nakita ko rin kung paano siya pinapagalitan ng manager dahil may nabasag rin siya.

"I have to go." Nilabas ko na ang wallet ko at naglagay ng pera sa counter.

"Ang aga pa."

Hindi ko na pinansin si Gael dahil umalis na ako sa pwesto namin. Lumapit ako doon sa babae at sa manager na parang bulkang sasabog sa galit.

"Magkano ang lahat na nabasag niya?" Napalingon sila sa akin at bakas sa mukha noong babae ang gulat.

"Sir David."

"Magkano ang lahat na nabasag niya?" Ulit ko.

"178,000 pesos lahat, sir. Dahil ang mga inumin na nabasag niya ay galing pa sa ibang bansa." Sabi noong manager.

Nilabas ko ulit ang wallet ko at inabot sa kanya ang bayad.

"Siguro naman sobra pa iyan sa lahat na nabasag niya. And she's going to quit too." Sabi ko sabay hatak sa kanya.

"Wait, sir. Anong pinagsasabi mo? Hindi ako pwedeng umalis sa trabaho ko dahil wala ako pera para sa pagaaral ng kapatid ko. Hindi mo na nga ako pinayagan kanina na pakalawan ang ama ko tapos ngayon sasabihin mo sa manager ko na aalis na ako sa trabaho."

Humarap na ako sa kanya noong nakalabas na kami ng club.

"I will give you a nice job."

"Wait. Anong trabaho naman iyon?"

"Maging yaya ng anak ko at doble pa ang ipapasahod ko sayo kumpara dito sa club."

"Magiging yaya ng anak niyo?"

"Yes. Siguro naman kilala mo na siya. You have nothing to worry about mabait na bata si Heaven."

"Kailan naman ako magsisimula?"

"Let's talk more details tomorrow. Hatid na kita sa inyo dahil delikado rin kung uuwi kang magisa."

"Ah. Huwag na, sir. Delikado rin sa inyo kung ihahatid niyo pa ako hanggang sa amin. Maraming tambay doon at baka pagpyestahin kayo doon lalo na yung mamahalin niyong kotse."

Tumingin ako sa kotse kong nakaparada sa tapat ng club. Hindi naman ganoon kamahal ang kotse ko ah. Hindi ko afford ang bumili ng mamahalin dahil hindi naman ganoon kalaki ang kinikita ko sa trabaho.

"Okay. Ikaw ang bahala. Pumunta ka na lang sa address na ito bukas." May inabot ako sa kanyang calling card at kinuha naman niya iyon. "May I know your name?"

"Hailee. Hailee Galvez."

"I'm David Ferrer."

Definitely MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon