Habang naglalakad kami ni Hailee ay may nakita akong kausap ang kambal. Wait a minute. They're both familiar.
"Sarah?" Tumingin sa akin yung babae.
"Kuya Dave."
"Sabi na nga ba kaya familiar sa akin ang nakita ko kanina. Kayo lang pala iyan."
"Hubby, siguro kilala mo na si kuya Dave, diba?" Tanong ni Sarah sa asawa niya.
"Yup. Nakasama ko na rin siya noon bago ako umalis sa pagiging pulis."
Isang magaling na police officer si Rocco. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya umalis sa pagiging pulis. Bigla na lang siya umalis na walang pasabi sa amin.
"Ano pala ang ginagawa niyo rito?"
"Nagbabakasyon kami ni Rocco."
"Hindi niyo kasama ang mga anak niyo?"
"Hindi. Ayaw kasi ni Rocco na isama ang mga bata kaya pinaiwan na muna namin sa mansyon para may magbabantay sa kanila."
"I see. Anyway, hindi ko pa pala pakilala sayo si Hailee noong pumunta ka sa bahay noon." Hinawakan ko ang kamay ni Hailee. "This is Hailee Galvez. Actually, she is little sister of Gold."
Nakita ko sa mukha ni Sarah ang pagkagulat. Alam din niya kasi nangyari kay Red noon. Sina Gold at Bianca ang mastermind ng lahat.
"What's wrong, wifey?"
"Nothing. Gusto ko na bumalik sa hotel room natin." Nauna na naglakad si Sarah. I know she also hates what Gold did to her brother before.
"Sorry, David. Buntis si Sarah kaya paiba iba ang mood niya."
"I see. Congrats." Hindi ko alam kung ano meron ngayong taon at dalawang taong kilala ko ay magkakaroon ulit ng anak ngayong taon. "Mukhang walang sinabi sayo si Sarah kung bakit naging ganoon ang mood niya."
"What do you mean?"
"Magusap na lang tayo sa ibang araw."
"Okay. It's nice to see you again." Sumunod na si Rocco kay Sarah. "Wifey, wait for me!"
"Huhulaan ko galit rin siya kay Gold sa ginawa niya noon sa kapatid niya. Hindi ko siya masisi kung pati sa akin ay galit siya."
"Hindi naman sa ganoon. Mabait si Sarah at kapag nakilala ka niya ay magiging close din kayo."
"Ayaw kong umasa. Mukhang lahat na kasalanan ni Gold ay ako ang sasalo."
"Hailee, stop it. Nandito naman ako para ayusin natin ang mga maling ginawa ni Gold noon."
"Bakit, Dave? Bakit?"
"Because I love you. Kahit kapatid ka pa ni Gold. Kahit malaki ang kasalanan niya sa amin ay wala akong pakialam." Niyakap ko si Hailee pero niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"Daddy, mommy!" Humiwalay na ako noong marinig namin na tinatawag kami ni Heaven. "Nagugutom na kami ni Danny."
"Kain na tayo. Past 7 na rin pala."
Pagtapos namin kumain ay bumalik na kami sa hotel room namin pero napansin ko wala si Hailee.
Damn. Where is she?
"Dito lang kayo. Huwag kayo lumabas ng hotel room o magpapasok na kahit sino hindi niyo kilala." Bilin ko sa kambal bago lumabas sa hotel room namin. Hindi pa naman ako familiar sa beach resort na ito. Kaya hindi ko alam ang pasikot sikot dito.
Nasaan ka na ba, Hailee?
Kung saan saan ko na hinahanap si Hailee pero wala kahit anino niya. Damn.
"Is there something wrong?" Tumingin ako sa taong nagsalita.
"Yeah. Actually, nawawala yung girlfriend ko. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin."
"You need help? Pwede kitang tulungan hanapin siya."
"Pero baka hanapin ka ni Sarah. Malalagot ka pa doon."
"Don't worry. Nagpapahinga na ngayon si Sarah sa hotel room namin at alam naman niyang lumabas ako para magpahingin."
"Mabuti hindi ka niya pinagdududahan na pwede ka mambabae."
Isang tawa ang natanggap ko sa kanya. What's so funny? Wala naman nakakatuwa sa sinabi ko ah.
"Sa tagal pa naman namin kasal ay hindi ko magagawa iyan kay Sarah. Kung gagawin ko iyan ay may posibilidad na lagot ako sayo dahil ikaw ang pinaka malapit na kakilala niya rito at tinuring ka niya rin parang nakakatandang kapatid."
May point naman si Rocco doon. I treat Sarah as my little sister.
"You're right. Sorry for doubting you."
"Ayos lang. Magsimula na tayo hanapin ang girlfriend mo. I'm looking that way." Tinuro niya ang direksyon kung saan siya maghahanap.
"Okay. Dito naman ako maghahanap."
Nagsimula na ulit ako hanapin si Hailee hanggang sa may nakita ako isang babae nasa dalampasigan.
Wait, si Hailee ba yun?!
Naglalakad na ako papalapit sa kanya.
"There you are." Nagulat pa siyang lumingon sa akin.
"A—Ano ang ginagawa mo rito?"
"Ako dapat ang magtanong niyan sayo. Nagaalala ako noong wala ka sa likod ko pagbalik natin sa hotel room."
"Gusto ko lang magisa na muna kaya umalis ako na hindi nagpapaalam sayo."
"May gumugulo ba sa isipan mo?"
"Natatakot kasi ako baka makahanap ka ng ibang babae." Yumuko ito at nakita ko kung paano niya punasan ang kanyang mata. She's crying. "H—Hindi ko alam ang gagawin ko kung mangyari iyon. Ina lang naman ako ng kambal at girlfriend mo."
"Exactly. You are my girlfriend. Sinabi ko rin naman sayo hindi kita ipagpapalit na kahit sino dahil ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay."
"D—Dave." Niyakap niya ako at doon na siya humagulgol ng iyak. "I—I'm sorry."
"It's okay." Pinunasan ko na ang luha niya.
"Natatakot lang ako mawala ka dahil ganoon na kita kamahal."
"I know." Ngumiti ako sa kanya habang hinahaplos ko ang pisngi niya. "Natatakot rin naman akong mawala ka sa amin ng kambal. Pero hindi ako papayag na mangyari iyon. Handa akong protektahan kayo hanggat ako ay nabubuhay. At saka hindi lang ikaw ang ina ng kambal dahil magiging future wife kita."
Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Hailee. Ang cute niya kung mag-blush.
"B—Balik na nga tayo sa hotel."
"Okay, babe." Mas lalo namula ang pisngi niya noong tinawag ko siya sa endearment. Ang cute niya talaga. Hinawakan ko na ang kamay niya dahil ayaw kong mawala ulit siya sa paningin ko.
Pagbalik namin sa hotel room ay nakita kong tulog na ang kambal habang nakabukas ang tv. Mukhang hinihintay nila ang pagbalik namin pero hindi na nila kinaya ang pagod. Ang hyper naman kasi kanina habang nasa beach kami parang hindi talaga nauubusan ng energy. Mukhang ngayon pa lang naubos ang energy ng kambal.
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomanceHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...