Chapter 11

1.3K 48 0
                                    

Kahit nakarating na kami sa amusement park ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pinagusapan namin kanina ni Hailee. Bakit parang familiar sa akin ang pangyayari pero hindi ko maalala.

"What will you do if you meet his father by accidentally?"

"Malabo. Sabi ko nga sayo kanina ni hindi ko nga alam ang itsura o pangalan niya."

"Paano kung makilala ka niya?"

"Kung mangyari nga iyan ay wala siyang karapatan maging ama ng anak ko. Dahil hindi niya alam ang hirap ko sa pagalaga kay Danny." Kita sa gilid ng mata ko ay tumingin siya sa akin. "Bakit mo naitanong sa akin ang ganyan?"

"Nothing. Tinupak na naman ako ng curiosity ko."

"Ganyan ka ba talaga?"

"Ang alin? Ang magtatanong dahil curious ako sa ibang bagay?" Tumango siya sa akin. "Yeah, I'm always like this kaya masanay ka na sa akin."

"Daddy!" Bumalik ako sa katinuan ko ng marinig ko ang boses ni Heaven at tumingin ako sa anak ko. "Pwede po ba kami sumakay doon?"

Tumingin naman ako sa tinuturo ni Heaven. Isa iyon rollercoaster pero para sa bata. Hindi naman masyado delikado doon unlike sa isang rollercoaster.

"Sure."

"Let's go, Dan." Hinawakan ni Heaven ang kamay ni Danny saka pumila sa rollercoaster.

"Ayos lang po ba kayo, sir?" Nilingon ko si Hailee na ngayon nakatayo sa tabi ko. "Mukha kasi ang lalim ng iniisip ninyo."

"I'm fine." Sagot ko pero ang paningin ko ay kung nasaan ang mga bata ngayon. Pero napatingin ako sa phone ko ng tumunog iyon at nakita ko ang pangalan ni Gael. "Hailee, ikaw na muna ang bahala magbantay sa mga bata. I need to answer this call."

"Okay po."

Lumayo ako ng kaunti sa kanya bago sagutin ang tawag ni Gael.

"Hello?"

"Hey, man. Teka, bakit ang ingay ng background mo? Nasaan ka?"

"Amusement park. I'm with my daughter. Bakit ka pala napatawag?"

"I have good news for you. Pwede ka ba pumunta ngayon sa restaurant?"

"I can't leave my daughter with her yaya. At saka ang layo namin para makapunta sa restaurant niyo."

"Tsk. Alam mo naman ayaw ko pumunta sa police station. Pagkaguguluhan ako ng mga babaeng pulis doon."

"Stop that, dude. Ang hangin mo pa rin kahit may asawa ka na. Sumbong kita kay Eina diyan."

"Heto naman. Napaka seryoso mo. Hindi ka na mabiro pero seryoso ayaw ko talaga pumunta sa police station."

"Oo na. Pumunta ka na lang sa bahay bukas para sabihin mo sa akin kung ano man iyang good news mo."

"Okay, asahan mo ko around 5pm nasa bahay mo na ako."

"And besides, tomorrow is my birthday, as—" Hindi ko tinapos ang sasabihin ko dahil ang daming taong dumadaan.

"Oo nga pala. Anong gusto mong regalo? Chicks?"

"Tigilan mo ko, Gael." Narinig ko sa kabilang linya ang pagtawa ng kaibigan.

"Drinks? Inom na lang tayo bukas ng gabi at sigurado akong gabi pa makakarating si Red."

"I doubt it. Knowing him, masyadong full ang schedule niya."

"Yeah. Sige na. Marami pa akong gagawin. Kita kits na lang bukas." Binaba na niya ang tawag kaya bumalik na ako kung saan ang iba.

"Daddy, saan kayo galing kanina?"

"May kausap lang si daddy sa telepono." Ngumiti ako ng pilit kay Heaven. Baka ang sinasabing good news ni Gael kanina ay tungkol sa ina ni Heaven na pinapahanap ko.

Baka bukas ay sasabihin ko na rin kay Heaven ang totoo after ko malaman kung sino ang ina niya.

Kinabukasan ay bumangon na ako para magasikaso na sa trabaho ko. Marami pa akong trabaho na kailangan tapusin ngayon kahit birthday ko pa.

"Happy birthday, daddy!" Ngumiti ako dahil si Heaven ang unang bumati sa akin.

"Thank you."

"Happy birthday, sir." Tumingala ako nang makita ko si Hailee na may dalang cake.

"Binake pa iyan kanina ni ate Hailee. Make a wish na, daddy." I chuckled. Ginawa pa akong bata nitong anak ko.

"Wala na akong hihilingin pa dahil dumating ka sa buhay ko."

"Hindi niyo po ba hihilingan na magkaroon ng girlfriend? Para naman magkaroon na rin ako ng mommy. Gusto ko po sana katulad ni ate Hailee."

Tumingin ako kay Hailee na ngayon ay nakayuko na siya. Bigla ko tuloy naalala ang aksidenteng nahalikan ko siya kahapon. Wala naman siguro masama kung tatanungin ko siya kung ayos lang. I'm single, she's single. Walang masama doon.

Nang makita ko si Danny na lumabas sa kwarto nila at nakabihis na ng school uniform kaya tinawag ko siya para lumapit sa akin.

"Ayos lang ba sayo kung liligawan ko ang ate mo?" Nakita ko ang pagtango ni Danny sa akin.

"Ayos lang po sa akin." Nagulat ako dahil nagsalita na ang bata. "Makita lang masaya ang mommy ko."

"Bakit mo siya tinatawag na mommy?"

"Siya naman po ang mommy ko. Hindi po ba iyon naman talaga? Kasi sinabi sa akin ni lolo na hindi ko siya kapatid. Kahit hindi sinabi sa akin ni mommy ang totoo ay mahal na mahal ko siya pero hindi ko pa sinasabi sa kanya ang totoo."

Matagal na pala alam ni Danny ang totoo pero ayaw ko naman mangialam sa kanila.

"Maswerte sayo ang mommy mo dahil nagkaroon siya ng anak na kagaya mo."

"Thank you po. Mabait rin naman po kayo. Kung hindi kayo mabait ay hindi niyo kami papatirahin ni mommy dito sa bahay niyo."

Pagkarating ko sa police station ay sinurpresa ako ng mga kasamahan ko. May kaunting salu-salo at kasiyahan.

"Sir, tumatanda ka na pero wala ka pa rin girlfriend." Natatawang sambit ni Li sa akin. Napailing na lang ako.

"Wala pa nga pero soon."

"May nililigawan na kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Li.

"May balak pero hindi ko siya tinatanong kung okay lang sa kanya na ligawan siya."

"Good luck, sir. Hindi iyon makaka hindi sa inyo. Sa gwapo niyong iyan at saka ang lakas pa naman ng sex appeal niyo kahit may edad na."

"Umayos ka, Li. Chief mo pa rin ang kausap mo ngayon at saka edad ko lang ang dumadagdag."

"Joke lang, sir. Hindi ka na mabiro. Happy birthday ulit."

During lunch break ay pinuntahan ko ang ama ni Hailee para kausapin.

"Ano ang kailangan mo sa akin?" Tanong niya sa akin habang nasa loob siya ng selda. Hindi ko na siya pinalabas pa.

"Gusto ko lang sabihin sayo na sa akin nakatira ngayon ang anak at apo mo."

"Yeah, sinabi sa akin ni Hailee noong isang araw. Salamat para hindi na ako magaalala sa kanya."

"Tungkol sa paglaya mo ay inaasikaso na."

"Kahit huwag na dahil malaki ang kasalanan ko kung bakit nandito ako ngayon."

"Kailangan ka ni Hailee. Kaya kapag nakalaya ka na rito ay bibigyan kita ng trabaho para sa inyo."

"Bakit mo naman gagawin iyon? Ikaw nga itong humuli sa akin kaya nandito ako ngayon sa kulungan."

"Dahil nangako ako kay Hailee."

"May gusto ka ba kay Hailee?"

"She's nice. Kaya siguro hindi imposible mahulog ang loob ko sa kanya lalo na mahal siya ng anak ko."

"Paano kung hindi ako pumayag na ikaw ang maging boyfriend ng anak ko?"

"Siguro nga kayo ang ama ni Hailee pero siya pa rin ang magdedesisyon kung ano ang gusto niyang mangyari. Iyon lang ang pinunta ko rito." Sabi ko at tatalikod na sana ako pero may sinasabi pa siya na hindi ko maintindihan. Binaliwala ko na lang iyon,

Definitely MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon