Pagtapos ko magpalit ng damit ay bumaba ulit ako para hintayin ang pagbalik ni Hailee. Hindi ko alam kung saan pumunta iyon ngayon. Tsk. Kargo ko pa kung ano ang mangyari sa kanya.
Bigla ko naalala ang tawag ni Danny kay Hailee.
Mommy?
Pero bakit bigla ko naalala si Red yung mga panahong wala pa siyang alam na may anak siya kay Tiffany. Naikwento rin niya sa akin na inakala niyang kapatid ni Tiffany si Mason noon. Kaya siguro naisipan na ng kaibigan ko ipaimbestiga si Tiffany at doon na rin niya nalaman na may anak siya.
Baka naman hindi talaga kapatid ni Hailee si Danny. Nalalaman ko lang ang sagot kung tatanungin ko siya.
I looked up when someone open the door and I saw Hailee entered inside. Hindi ako nito napansin naghihintay sa paguwi niya.
"Where have you been?" Tanong ko sa kanya na kinagulat rin nito at napahawak pa siya sa dibdib.
"Sir, bakit gising pa ho kayo?"
"I asked you first. Answer my question before I answer yours."
"Umuwi kasi ako sa bahay para kunin ang naiwang gamit namin doon. Saglit lang sana ako doon pero nakasalubong ko yung landlord."
"What the fuck! Pumunta ka doon na magisa?! At umuwi ka sa ganitong oras! Hindi mo ba iniisip kung gaano kadelikado ang mag-commute na magisa lalo na babae ka. Kung ano ang mangyari sayo at hindi mo rin naiisip nagaalala at naghihintay sa paguwi mo si Danny." Hindi ko maiwasan ang hindi magalit sa kanya dahil hindi naman tama ang ginawa niya. Para tuloy pinapagalitan ko ang sarili kong anak nito. Sana hindi maging ganito si Heaven paglaki niya. "Paano kung hindi ako umuwi ngayon? Hindi ko malalaman na wala ka pa. Shit. Kargo ko pa kung ano ang mangyari sayo."
"Sorry, sir. Hindi na mauulit."
"Talagang hindi na mauulit. Kapag malaman kong umuwi ka ulit ng ganitong oras. Sa labas ka matutulog."
"Sir, huwag naman ho. Hindi matutulog si Danny na wala ako sa tabi niya."
"Speaking of your brother, why he did called you mommy instead of big sister?" Curious lang talaga ako. Kapag tinupak ako ng curiosity ko ay hindi ko maiwasan ang hindi magtanong.
"P-Pwede po bang huwag na natin pagusapan tungkol diyan? Magpapahinga na ako, sir. Kayo rin. Good night." Kinuha na niya ang isang bag na nabitawan niya kanina dahil sa pagkagulat at naglakad na rin papunta sa kwarto nila.
"Because he is not your brother."
Nakita kong huminto siya sa paglalakad pero hindi siya humaharap sa akin.
"Tell me, Hailee. Anak mo ba si Danny pero nilihim mo sa kanya ang totoo."
Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Napabuntong hinga ako.
"Wala naman akong pakia—"
"Ayaw ko maging bastos sa inyo pero ano naman po sa inyo kung anak ko nga talaga si Danny? Siguro nga nilihim ko sa kanya na ako ang ina niya dahil hindi pa ako handa sa ganoon bagay. Biglaan lang ang dating niya sa buhay ko. Hindi ko naman kayang ipalaglag ang bata dahil hindi naman ako ganoon kasama para gawin iyon. Nagloko ako simulang naghiwalay ang mga magulang ko tapos namatay pa ang kakaisa kong kapatid."
"Kapatid? May kapatid ka?"
"Oo. Nakakatandang kapatid ko siya."
"Pwede ba malaman ang pangalan ng kapatid mo?"
"Bakit interesado kayo malaman ang pangalan niya?" Kunot noo niyang tanong.
"Nothing. Kapag tinupak kasi ako ng curiosity ko ay hindi ko maiwasan ang hindi magtanong. Kahit masyado ng personal."
Ayaw ko rin naman ang magsinungaling sa kanya kahit totoo naman.
"Gold. Gold Fiorentino." Napanganga ako sa pagkagulat. I wasn't expected this. Nasa harapan ko na pala ang babaeng pinapahanap sa akin ni Red.
Tumikhim ako noong nakabawi na ako sa narinig ko.
"K-Kapatid ka ni Gold?"
"Oo. Kilala mo ang kapatid ko? Sabagay, sino pa nga ba ang hindi makakakilala sa kanya? Isa siyang successful businessman noon bago siya namatay." Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. It also my fault kung bakit namatay si Gold. Kung hindi lang siya lumalaban ay hindi sana siya mamatay.
"I know him. Naging kaibigan ko rin siya. And to tell you the truth ako ang dahilan kung bakit siya namatay." Ayaw ko na maglihim at magsinungaling pa sa mga taong nakapalibot sa akin. Ayaw ko na rin dagdagan ang problema ko.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Inalok ko na muna siya umupo sa tabi ko kaya lumapit siya sa akin at umupo. Sinabi ko na rin sa kanya ang nangyari noon at ayaw niyang maniwala na ginawa ni Gold iyon sa kaibigan ko.
"Hindi ako makapaniwala nagtatrabaho ako ngayon sa taong pumatay sa kapatid ko. Dapat pala magalit ako sa ginawa niyo dahil pinatay niyo na nga ang kapatid ko tapos kinulong niyo rin ang ama ko. Si Danny na lang ang meron ako kaya ayaw ko pati siya ay mawala sa akin."
"Sinabi ko rin naman sayo kung hindi lang sana siya lumaban sa amin noon hindi ganito ang mangyayari sa kanya. At sana buhay pa rin siya hanggang ngayon. Tungkol sa ama mo ay inaasikaso ko na para makalaya na siya." Tumayo na ako sa kinauupuan ko. "Bago ko nga pala makalimutan, pinapahanap sa akin ni Red ang pamilya ni Gold."
"Bakit naman niya kami pinapahanap?"
"I don't know. Ang sabi lang niya sa akin ay gusto lang niya bumawi sa inyo."
"Bumawi?" Ngumisi siya para bang nangiinsulto. "Hindi na niya maibabalik ang buhay ng kapatid ko. Ano pa ang silbi ng pagbawi niya sa amin? Sige, bumawi siya sa amin basta ibalik lang niya sa amin ang kapatid ko."
Hindi na ako nakasagot noong iniwanan niya ako dito na magisa. Nasaktan siya sa malaman niya. Sino bang kapatid ang hindi masasaktan sa nalaman? Damn. Of course, no one.
Umupo ulit ako sa couch at napahilamos ng mukha gamit ang palad ko. Argh. Masyadong frustration ang gabing ito ah.
Kinabukasan ay sinugurado kong wala pang gising kaya bumaba na ako para magluto ng almusal.
Napatingin ako na may humihila sa laylayan ng damit ko. Nakita kong gising na pala si Danny.
May maitutulong po ba ako sa inyo?
Napangiti ako sa batang ito at ang gaan rin ng loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.
"It's okay. Umupo ka na lang at hintayin mo itong niluto kong matapos."
Sigurado po kayo?
Tumango ako sa kanya na ngiti sa mga labi ko. Pumunta na siya sa dining table at naghila ng isang silya para umupo.
"Hi, Danny. Good morning." Napalingon ako ng marinig ang boses niya and our eye met pero umiwas rin siya agad. She still mad at me.
Nilapag ko na ang niluto kong omelette rice sa dining table at inabutan ko ng omelette rice si Hailee as my peace offering. Alam ko hindi mapapalitan nito ang galit niya sa akin.
"Alam kong hindi pa sapat ang humingi ako ng tawad sayo dahil hindi ko na rin naman maibabalik ang buhay ng kapatid mo. Sana balang araw ay mapapatawad mo rin ako o kahit sino sa kaibigan ko."
"Daddy? Hala, wala si daddy sa kwarto niya. Ate Hailee, umuwi po ba si daddy kagabi?"
"I'm here, Heaven." Sagot ko kay Heaven.
Nakita ko rin ang pagpunta ni Heaven sa dining room.
"Himala ang aga niyo magising ngayon, daddy." Ngumiti ako sa anak ko.
"Let's eat." Alok ko sa kanila imbes na sagutin si Heaven.
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomanceHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...